Aoife Tila mga alitaptap na nagtulong-tulong upang magbigay liwanag ang mga maliliit na ilaw na hawak ng mga mandirigma. Natameme ako nang mapagtantong nakahugis puso pala sila. Nakakatawa lang isipin na nagawa nilang maging korni kahit pa puro sila tigasin. Siguro ay gano'n na lang din ang kagustuhan nilang tulungan si Ethan sa pakulo niya kaya pumayag silang gawin ito. Hindi gaya no'ng una akong haranahin ni Ethan ay mas maikli ang kanta niya ngayon ngunit mas damang-dama ko. Gusto ng mga mata kong lumuha dahil parang isang malaking alon na bumabalik sa akin ang hirap ng pinagdaanan namin ngunit mahigpit kasing ipinagbawal ni Bellona kanina ang pagluha dahil masisira raw ang make up ko. Walang kupas ang ganda at lamig ng boses niya. Talagang galing sa puso niya ang kanta kung kaya

