Isang linggo ang matuling lumipas. At sa isang linggong iyon, ay walang Matt ang nagpakita sa akin, nalaman ko na lamang na bumalik na pala ito sa US, hindi na kasi ito sumunod sa akin nolng iniwan ko ito sa J'S Club "Ate Lovely, natutulog ka ba?!" malakas na tanong sa akin ng kapatid kong si Lilly. "Hindi pa naman Sis, sige pasok ka rito sa loob," pagyaya ko. Tuluyan na nga itong pumasok sa loob, kumunot ang noo ko nang kunin nito ang remote ng Tv. Na aking pinagtataka. "Ate panoorin mo," anas nito. Pagbukas na pagbukas ng tv ay bumangad agad ay ang mukha ni Matt Fuentebella na mayoon itong kasamang babae. Parang biglang piniga ang puso ko sa aking nakita. Ngunit wala akong magagawa dahil, tingin ko'y libangang lang ako ni Matt Fuentebella. "Kayo pa ba ni kuya Matt, ate?" tanong

