NANG MAKITA ko ang bangka na sinasakyan ni Siv na dumaong sa may bintana ay agad akong nagtungo sa pintuan. Napangiti ako at kinawayan sila na may bitbit na lambat at baldeng laman ay isda na huli nila.
“Siv!” tuwa kong bati at sinundan ng tingin ang dalawang kasama niyang lalaki na tinanguan ako. Abala sa kanilang huli, habang si Siv naman ay may lambat na nakapatong sa kanyang balikat. “Marami ang huli niyo?”
Hinawakan niya ako sa baywang at tsaka kami naglakad.
“Marami, magkakape kami nina Lito. Maliligo lang ako.” Hinalikan niya ako sa pisngi, agad akong tumango at nung makarating kami sa bahay namin. “Pare! Magkape muna tayo!” tawag niya sa mga ito nung matanggal na ang kamay sa aking baywang.
“Ihahanda ko ang meryenda at kape ninyo.”
Napabaling si Siv sa akin at napangiti.
“Salamat, maliligo lang ako.” Pinasadahan niya ng tingin ang suot kong daster. “Bagong bili?” kumunot ang nuo niya. Alam niyang gusto kong bumili ng mga bagong damit, pero dahil wala pa kaming pera para roon ay gusto niya akong maghintay muna.
“Binili ko, nag-tutor ako sa anak ni Mayor. Alam mo, tuwang tuwa ang mag-asawa sa akin. Ang dami ko raw alam kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral.”
Marahan siyang humalakhak at hinalikan ako sa nuo.
“Maliligo muna ako.” Hinawakan niya ako sa ulo tsaka pumasok na sa loob. Sinundan ko siya ng tingin at tipid na napangiti.
DAHAN-DAHAN KONG nilapag ang kape sa lamesa sa likod lang ng bahay namin. Nag-uusap na silang tatlo at baka mamaya ay mag-aya pa isa sa kanila para mag-inuman. Naramdama ko ang kamay ni Siv sa aking baywang.
“Thank you,” sambit niya at nginitian ako.
Pumasok ako sa loob ng bahay at iniwan muna sila roon, pumuwesto ako sa upuan na katabi ay bintana tsaka nagsimulang mag-crochet na siyang ngayon ang pinagkakaabalahan ko habang nasa bahay lang.
Sinulyapan ko ang gawi ni Siv kung saan siya nakaupo. His hair is curly and messy, iyun ang natural na ayos ng buhok nito. If my memory serves me right, his skin is naturally tan. Hindi na dahil sa init ng araw o dagat. While mine remain fair and white, kahit araw-araw ako sa dagat.
Tinagilid ko ang ulo at sinulyapan ang ginagawa kong scarf, tsaka napabuntong hininga. Siv is a bit tall, morena man ay hindi siya nagmumukhang marahas tignan. He looks nice and approachable. His jawline is subtle, not too sharp. May konting biguti sa panga, tanging bagay na siyang nagpapabruskong tignan sa kanya. Kung wala iyun, he will look charming.
“Faye,” marahan na tawag ni Siv kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Sinulyapan ko ang lamesa at wala na roon ang dalawang kasama niya. “Anong ginagawa mo?” interesado niyang tanong at umupo sa tabi ko, pumuwesto siya sa likod ko kaya naramdaman ko ang kanyang dibdib doon.
“Ahm… balak kong ibenta, ang asawa ni Mayor ay nagpa-reserved na sa akin ng isang scarf. Gagawa pa ako ng keychain o kaya naman damit. Pero inaaral ko pa kaya baka huwag munang damit.” Tumawa ako at natigilan nung hawakan niya ang kamay ko. Marahan niyang hinaplos iyun tsaka pinatong ang baba sa aking balikat.
“Sasampa ako kasama sina Tino, mga dalawa o tatlong araw kami sa dagat.” Hinalikan niya ang kamay ko. “Magiging ayos ka lang ba rito? Gusto mo bang, kasama ang asawa ni Fred sa bahay para hindi ka mag-isa?”
He knows that I fear the dark forest. We are surrounded by it, hindi naman ako takot sa umaga, pero sa gabi ay talagang inaatake ako ng takot.
“Magiging okay lang ako rito.”
“Please, stop buying stuff, Faye. Napapasobra na naman ang mga binibili mo nitong nagdaang araw,” puna niya at sinulyapan ang ginagawa ko, ang yarn na hawak ko.
NAPAHINTO AKO sa pagtuturo nung ilapag ng kasambahay ang meryenda sa lamesa. Dahil doon ay hinayaan ko muna ang anak ni Mayor na kumain. Nasa patio kami ng bahay nila, may maliit na fountain malapit sa amin.
“Bakit hindi mo tanggapin ang alok ng asawa ko?” Napalingon ako sa Ginang, naglakad siya papalapit sa tabi ko at sinulyapan ang anak niya. “Scholarship sa Maynila. Mag-aaral ka at kung suswertehin at makatapos ka, mas gaganda ang future mo roon.”
She crossed her arms and glanced at the fountain in front of us. Pareho kaming nakatayo ngayon sa harapan ng fountain, ang anak niya ay abala na sa pag-lalaro sa kanilang alaga.
“Ilang taon kana ba, Fayette?” sinulyapan niya ako.
“Matanda na ho ako, 25 years old. Matanda na para mag-aral pa.”
She snorted and shook her head in disapproval.
“Smart and achievers never stop learning. May mga matatanda na nag-aaral pa rin, after they graduate, they will explore another course. Then, if not, they will enroll in master’s degree. Sa islang ito, wala kang future kung aasa ka lang sa asawa mong si Siv.”
Napakunot ako ng nuo at bahagyang yumuko.
“I like it here because here, it is peaceful. Pero yang anak ko, ililipat ko yan sa magandang paaralan. Abroad! I will let him see how big the world is, he must go out and explore. Ang problema sa mga tao rito, they like comfort so much. Comfort with no growth.”
“There is still growth, Ma’am. Even if you are here, you will still grow. Learning do not only occur at one place, it can be everywhere. Kada galaw natin, may mga bagay tayong natututunan.” I smiled at her, and she looked at me, amusedly. “And sometimes, we don’t just learn around us. We also learn something for ourselves.”
“But not all people think like you, not all people are enlightened. And people like you… Should not be caged in your house,” she persistently commented. Napatitig ako sa kanya at saglit na napaisip sa sinabi nito. “Siv is a nice boy, but you have so much potential.”
Natigilan ako at napaiwas ng tingin. Inisip ko ang kalagayan namin ni Siv, ang kanyang paghihirap para lang maitago ako sa islang ito. I know he is only doing that to protect me, especially when my last memory was in the forest, running from death.