T H I R D P E R S O N
Katabi niya maupo si Luther sa kanan naman niya ay si Vance. Ini-order siya ng mga ito ng ladies drink dahil puro matatapang na alak ang nasa table nila.
"Here." Iniabot sa kanya ni Luther ang isang ladies cocktail.
"Thank—" naputol ang pagsagot ni Aubrey ng bigla nalang sumulpot sa pagitan nila si Preston. Mukhang tapos na ang bruhong ito sa pakikipaglandian.
"Hey what's that?" inagaw nito ang basong hawak niya saka ininom. "Hmm. No alcohol for you little sister." Isang matamis at nakakalokong ngiti ang nakapaskila sa pagmumukha nito at inabutan siya ng isang basonng tubig.
"What are you serious?" angil ni Aubrey sa kapatid. "You bring me to a fcking club but I am not allowed to drink?"
"Hindi ko sinabing hindi ka pwedeng uminom. You can still drink juice and water but not an alcoholic beverage." Pasayaw-sayaw pa nitong sabi.
"Juice? Are you kidding me?" maktol ni Aubrey but Preston just covered his ears like a child.
"Yah, Yah, no alcohol because you need be fit for your competition. Hey, you two take care of my sister. Huwag niyong hahayaang uminom ng alak yan." Hinalikan siya ni Preston sa noo at binalingan si Luther at Vance.
Tango lang ang isinagot ng dalawang lalaki sa kanyang tabi at may pagkindat pa si Preston bago tuluyang umalis kasunod si Lionel. Kaya tatlo lang silang naiwan sa lounge dahil nagkanya-kanya ng punta ang ibang lalaki sa dancefloor.
Aubrey sipped her water and sighed in frustration because her brother did not let her to drink alcohol. For fck sake we're at a club yet I am not even allowed to had a cocktail. She thought. Binalingan niya ng tingin ang dalawa niyang katabi na tahimik lang na nagmamasid sa mga taong nasa dancefloor.
Tumikhim si Aubrey para mapansin ng isa sa dalawang lalaki pero wala ang mga itong narinig. She rolled her eyes. Sino ba naman kasing tanga ang makakarinig sa kanya sa lakas ng sound system ng club. Inabot ni Aubrey ang baso ng cocktail sa kanyang harapan dahil mukhang wala naman atang balak na kausapin siya ng katabi niyang dalawang lalaki.
"Hey, hey, hey, what are you doing?" she furrowed her eyebrows when she heard Luther's voice while Vance held her wrist to stop her from reaching the bottle.
"Are you two serious? Wala naman si Preston at hindi niya malalaman kung hindi ninyo sasabihin." Pangangatwiran ni Aubrey.
Binitawan ni Vance ang kamay niya at ininom ang laman ng baso. "Preston trusts us including you na hindi mo gagawin ang ipinagbabawal niya. We are not the kind of friend that break promises."
"We treasure promises." Dugtong pa ni Luther kay Vance.
"Fine. I'm just gonna order cola." Tumayo si Aubrey para sana umorder pero pinigilan siya ni Luther.
"No, stay here. I'll get you one instead. Look after her Vance." At tuluyan na itong umalis.
"C'mon I am not a child anymore." Aubrey crossed her arms on her chest and frown. She thought going out with her brother will be fun but it turns out that it is not. This is the first time after so many months to loosen up a bit but her brother would not let her.
"Stop frowning. It doesn't look good on you." Bumaling siya kay Vance na sumisimsim sa hawak nitong rum.
"Who cares anyway-"
"I did. You look better when you're smiling." Usal nito habang nakatingin kay Aubrey. She felt uncomfortable on the way Vance stare at her. Kung bakit naman kasi ang tagal ni Luther maktol niya.
Si Vance lang ang hindi niya gaano nakakilitan sa mga kaibigan ni Preston. Pakiwari niya ay sadyang tahimik lang talaga ang lalaki.
"Yeah. Whatever." sagot niya at muling namutawi ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Sakto namang dating ni Luther dala ang kanyang cola. "Here's your cola, my lady."
Napatawa si Aubrey sa inusal na iyon ng binata at tinanggap ang inumin. "Thanks."
Hindi na muling nagkausap pa si Aubrey at Vance ng dumating si Luther. Buong gabi ay sila lang dalawa ni Luther ang naguusap habang wala ang kanyang kapatid. Sineryoso talaga nito ang pangakong hindi siya maaring uminom ng kahit anong alcoholic beverage.
Mag-a-alas dose na ng gabi at wala paring humpay sa pagsasayaw ang kanilang mga kasama sa dancefloor. Minsan ay dinadaluhan sila nina Preston pero kapag may nakita itong sexy at magdang babae ay iiwan sila ulit.
Katulad nalang ngayon na hindi maipinta ang mukha ni Aubrey habang pinapanood ang kakambal niyang may ginigilingang babae. Hindi siya sanay na nakikita ang ganitong side ng kapatid niya na may pagka-wild. Mukhang may maisusumbong siya sa kanilang nanay.
"You look disgusted. Ngayon mo lang ba siya nakitang sumayaw?" Usal sa kanya ni Luther.
"Yeah and it disappoints me. Ni hindi man lang niya namana kahit 2% ng kagalingan ni Papa sa pagsasayaw." Totoong ngayon lang niya nakita ang kapatid na sumayaw at totoo ring wala itong namana na kahit anong talent mula sa kanilang ama bukod sa itsura nito.
Luther chuckled because of how disgusted Aubrey's face is. Sa katunayan ay marunong naman talaga sumayaw si Preston pero hindi nito pinapakita sa iba ibang tao maliban sa kanilang magbabarkada.
"I'll go get him. Para makauwi na tayo."
Tanging si Preston nalang ang nagsasayaw sa kanila dahil bagsak na sa kalasingan ang ibang lalaki at mga nakasalampak na sa couch maliban sa kanilang tatlo nina Luther at Vance. Mukhang sobrang nag-enjoy ang mga ito sa pambababae kaya nakangitong aso ang mga ito habang nakapikit.
Nang masundo ni Luther si Preston ay inakay na niya ito palabas ng club. Si Luther ang umakay kay Ben at Roland habang si Vance naman kay Lionel at Aaron. Hira si Aubrey na akayin ang kapatid dahil sobrang likot nito.
"Baket kamukha kita?" hinawakan siya ni preston sa baba at sinampal sampal pa ng loko.
Parang tangang sinapo ni Preston ang sariling mukha. "Oh my gosh... are you... are you my doppelganger?"
Babatukan na sana ni Aubrey si Preston ng bigla nalang bumulwak ang suka mula sa labi nito. Kaya naman walang pagaalinlangan niyang naitulak ang kapatid sa daan.
"What the heck Preston!" sigaw niya dito bago niya nilapitan upang haplusin ang likod nito habang sumusuka.
Samantala hindi magkamayaw si Luther at Vance sa mga kaibigan dahil ayaw ng mga itong pumasok sa van. Ayaw pa daw ng mga itong umuwi dahil madami pang nag-iintay sa kanilang babae.
TANGHALI na ng magising si Aubrey. Kung hindi pa sana siya dinilaan sa mukha ng kanilang asong sina Milo at Panda ay hindi pa siya magigising.
"Hello baby." Usal niya habang hinahalik halikan ang aso.
Inayos niya ang kaniyang kama bago pumasok ng banyo at naghimalos ng mukha. Bago bumaba ay kinatok niya muna si Preston sa isang two-way door na nagkokonekta sa kanilang kwarto.
Some people may find it weird dahil malalaki na sila pero para sa kanilang dalawa ni Pretson ay normal na iyon. Dahil bata palang sila ay sinanay na sila ng kanilang magulang na matulog sa iisang kwarto hanggang sa lumaki na sila nagdesisyon ang kanilang mama at papa na paghiwalayin na sila ng kwarto pero gusto ni Preston na konektado parin ang kanilang kwarto.
Nang makitang tulog pa ito ay iniwan niya sa kwarto nito si Panda saka lang siya bumaba papunta sa kusina.
"Sa wakas gising ka na din." Naabutan niya ang kanyang nanay na busy sa paggaawa ng vanilla cupcakes.
"Good morning too, Mama. Tanghali palang bakit nag be-bake ka na?" tanong niya habang umiinon ng gatas sa mismong karton nito na ikinasama naman ng tingin ng kaniyang nanay sa kaniya.
"Order 'to sa akin online para sa isang birthday. Alam mo dapat nag-aaral ka na mag bake para naman may makatulong ako dito." Tinawanan nalang ni Aubrey ang ina at ibinalik ang gatas sa ref.
"Ano ka ba naman Ma. Diba nga ako yung delivery girl tapos si Preston yung driver."
"Kahit na. Mabuti yung maaga pa lang ay marunong ka na para kung sakaling mawala na kami ng papa niyo ay may magmamana na ng shop natin." Dahil sa sinabing iyon ng kanyang nanay ay hindi na napigilan ni Aubrey na mawala bigla sa mood.
The thought of being left by their parents hurt her. Kahit sabihin pang normal lang sa tao na dadating sa puntong ma-mamaalam ang mag ito ay hindi niya kaya. Hindi niya alam kung paano ang magiging buhay nila kapag nawala ang kanilang magulang. They are not yet ready for that kind of situation.
Lumapit siya sa kaniyang mama at niyakap ito mula sa likod. "Ano ka ba naman Ma, matagal pa mangyayari yun. Saka aalagaan niyo pa ni Papa yung mga magiging anak namin ni Preston."
Hinalikan niya muna ito sa pisngi saka naghanap ng makakain pagkatapos ay tinulungan niya ito sa pagdedecorate ng cupcakes. Ala-una na ng hapon ng matapos sila at hindi parin nagigising ang kapatid niya. Kahit labag sa kaniyang loob ay hinugasan na muna niya ang pinaglutuan bago muling umakyat sa kaniyang kwarto.
Nang tiningnan niya muli sa kwarto si Preston ay para itong tangang nakatulala sa kawalan.
"What happened to you?" tanong niya pero hindi man lang ito kumibo mula sa pagkakatitig sa kawalan. Kaya naman walang alinlangan niyang hinagip ang ps4 controller nito at ipinukpok sa ulo ni Preston.
"Aray!" tiningnan siya ng masama ni Preston pero tinsaasan niya lang ito ng kilay.
"Kanina ka pang tulala 'toy. Anong iniisip mo?" hindi siya pinansin ni Preston bagkus ay hinagip nito sa kaniya ang ps4 controller.
"What were you thinking? Alam mo ba kung gaano kamahal ito?" asik nito sa kaniya.
"Hinde." She rolled her eyes. "Mag-ayos ka na may ipapadeliver sa atin si Mama mamaya. Bulisan mo we'll be leaving exactly 2 o'clock." then she left his room.