A U B R E Y
Nakakainis na lagi nalang nila akong nakikitang magkaroon mental breakdown. Kahit pilitin kong wag maalala lahat ng nangyari hindi ko kaya. Everthing is too painful to bear and grieving is not that easy specially when you lost someone or something that is really important to you.
After having a mental breakdown and being comforted by Luther the foods finally arrive. We really didn't talk that much ginusto nalang naming maging tahimik hanggang sa matapos kaming kumain. He asked for the bill bago niya ako inaya lumabas. I was confused when we walked opposite to where the parking lot was and surprised because he bring me to the seashore.
"Bakit mo ako dinala dito?" I remove my shoes since it is more comfortable to walk barefoot sa buhangin.
"Wala lang. I just want to make you feel better kahit ngayong araw lang" He also remove he's shoes as we continue walking 'til we reach the shore.
Upon reaching the seaside ay bigla nalang siyang sumalampak ng upo sa buhangin tinapik niya ang tabi niya kaya inassume ko na pinapaupo niya ako sa tabi niya. Habang pinagmamasdan namin ang dagat ay wala sa aming nagtangkang magsalita. Tahimik naming sinilayan ang paglubog ng araw at ang kaninang kulay kahel na kalangitan ay unti unti nang binalutan ng kadiliman. May iilang mga bituin ang unti unti na ring lumabs upang pag liwanagin ang gabi. Mapapansin na rin ang malamlam na liwanag ng kapaligiran dahil sa mga lamp post na malapit sa seaside.
"Here" lahad niya sa akin ng isang lata ng beer.
"Saan mo 'to nakuha?" takang tanong ko.
"Kanina ka pa kasing nakatingin sa langit kaya di mo namalayan na umalis ako"
Right. He's right. I was so fascinated by the stars at hindi ko na namalayan na umalis siya para bumili ngbeer.
"Thank You, Luther" naka ngiting wika ko.
"Your welcome"
"Look!" mayroon siyng itinuro sa aking dalawang stars na magkadikit.
"You know what my mom once told me na lahat ng tao na nawawala sa atin ay nagiging stars and look at those stars. Maybe that is your parents--" baling niya sa akin.
"So everytime that night comes and you missed your parents just look for those two stars and imagine that those are them guiding and watching out for you and Preston"
Hindi ko naiwasang isipin na baka sila nga 'yon. Na kaya sila nasa taas ay upang bantayan kami ni Preston kahit saan man kami naroon. How I missed them so much at kung nasaan man sila ngayon alam kong masaya na sila sa piling ng Diyos.
Hindi na namin namalayan na malalim na pala ang gabi ng mapagpasyahan naming umuwi. Masyado kaming nadala sa mga pinagusapan namin. We even talked about aliens and stuffs na parehas pala naming interest. Talking to him is fun na para bang matagal ko na siyang kilala at matagal na naming napagusapan ang mga ganung bagay.
"Thank you for this night Luther" sambit ko at tinanggal ang seatbelt.
"Always welcome Aubrey" nginitian ko lang siya at saka lubas.
"Goodnight at ingat sa pag-drive"
Tumango lang siya at kinawayan ako na tinugon ko ng ngiti ata kaway. Nang makalayo ang kanyang sasakyan ay saka lang ako tumalikod para buksan ang gate. Nakita kong bukas ang ilaw na ipinagtaka ko dahil sa pagkakaalam ko ay may trabaho pa ngayon si Preston sa bar. Hindi naman niya siguro iiwan nanakabukas ang ilaw dahil sayang ang kuryente at nagtitipid na kami. Nang mabuksan ko ang pinto, nabungaran ko si Vance na prenteng nakaupo sa couch habang kumakain ng ice cream at nanunuod.
Teka kumakain ng ice cream?!
"Yow" binalingan niya ako ng tingin sabay subo ng isang kutsarang may ice cream.
Ice cream...
Mabilis akong tumakbo papuntang kusina upang kumpirmahin kung tama nga ba ang hinala ko at hindi naman ako nagkamali dahil nang buksan ko ang refrigirator ay wala na ang iniingatan kong ice cream.
"Hey" nang liningonin ko siya ay nakita kong hawak niya talaga yung ice cream na kay tagal kong ring itinago kay Preston.
"Why are you looking at me like that?" takang tanong niya.
"Y-you a-ate my ice cream"
Tiningnan niya naman ang hawak niyang ice cream at parang batang na bumaling sa akin. "Sayo ba 'to?"
Isang tango nalang ang naisagot dahil sa panlulumong naramdaman ko. I know ang childish para sa edad ko na mainis dahil sa isang ice cream pero anong magagawa ko si mama pa ang bumili nun at yun ang favorite kong flavor.
"Im sorry I didn't mean to." dagli niya itong tinakluban at inilagay ulit sa ref.
"Its okay." tanging sagot ko nalang dahil wala na akong magagawa nakain na niya so ano pang rason para magalit ako diba?
"By the way bakit ka nga pala nandito?"
"Oh yes, hindi ba nasabi sayo ni Preston? I'll be spending my night here."
"Huh bakit naman?"
"Tumawag siya kanina sakin asking kung pwedeng dito muna ako matulog since Sunday na ng gani siya makakauwi."
Wala namang nababanggit sa akin si Preston na hindi siya makakauwi ngayon pero siguro ay dahil weekends at madaming tao sa bar. I've never been into a bar before kaya hindi ko alam ang mga nangyayari dun bukod sa maingay, mausok, magulo na nababasa ko lang naman sa mga libro ay wala na.
"So you'll be my housemate?" at tumango naman siya.
"Kumain ka na ba?" basag ko sa namuong katahimikan sa pagitan namin.
"No..." hinidi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla nalang tumunog ang kanyang tiyan.
Hindi kong napigilang hindi mapatawaa dahil mukha talaga siyang isang inosenteng bata with matching kamot pa sa batok.
"...hindi kasi ako marunong magluto" paliwanag niya.
"Sige maupo ka nalang diyan ipagluluto kita."
He sat at a stool sa island couter habang ako naman ay sinimulan nang maghugas ng bigas habang pinapainit ang kawali. Dahil gabi na naman ay nagprito nalang ako ng karne para sa kanya dahil paniguradong gutom na siya. Matapos kong maluto ang karne ay hinihintay ko nalang maluto ang kanin. Hindi na naman siguro ito magtatagal dahil konti lang naman ang sinaing ko.
Minutes later ay pinghain ko na siya dahil kawawa naman yung itsura niya. Unuulit ko na para siyang bata pero sa pagkakataong ito ay nakasalpak yung mukha niysa sa lamesa at halata mo nang nagugutom na. Nang ilapag ko sa harap niya ng pagkain ay walang pag aalinlangan niya itong kinain.
Habang tinitingnan ko siya ay mas lalo ko lang napansin kung gaano siya ka-gwapo. Ang baby face niyang tingnan at wala pang pores na dinaig pa ako sa kinis, matangos na ilong, bilugan na mga mata at manipis na mapulang labi na nakaka... rawr.
"Why are staring at me?"
"Huh?" hindi ko na namalayan na napatitig na pala ako sa kanya.
sht.
"W-wala naman sige kumain ka lang dyan" nginitian ko nalang siya ng alanganin dahil wala eh nahuli ako.
Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bagi ipinagpatuloy ang paglamon. Oo lamon, dahil hindi na niya yata nginunguya ang pagkain dahil sa sobrang bilis at dami. Tinitigan ko ulit siya ng maalala ko ang isang scenario na parang ganito din. Kung saan may isang lalaki na nasa harap ko at kumakain rin na para bang nangyari na ito noon.
Matapos kong makita ang scenario ng lalaki sa aking isipan ay bigla nalang sumakit ang ulo ko. Yun bang parang may mga karayon ma tumutusok sa utak ko.
"Are you okay?" tiningnan ko siya at nakitaan ng pagaalala sa kaniyang mukha.
"If you are not feeling better magpahinga ka na ako na ang bahalang maglinis dito."
Hindi na ako umangal pa dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Nakapasok ako sa kwarto at dumiretso na sa kama ng hindi man lang nagbibihis o ano pa man hanggang sa unti unting bumigat ang talukap ng aking mata at tuluyan ng balutin ng kadiliman.
Thank you for the food, love.