A/N: Salamat sa pagbabasa nitong kwento ko. Let's talk in the comment section. Happy reading everyone!
Parang kailan lang nahihirapan pa akong hanapin ang tailoring shop ng school namin dahil sa lawak nito na parang SM MOA at ngayon, ito na mag-uumpisa ng muli ang klase namin. Second semester na ng utang taon ko sa college. Pagkatapos ng limang b'wan second year college na ako! Ang bilis lumipas ng panahon nang di mo namamalayan.
Nasa loob kami ng library ng mga kaklase at barkda ko na sina Dianne ang pinaka matalino sa aming lima, si Aiza, Jenely Diaz , Jackie at ako Jenelyn Meyer. Para hindi kami malitong pareho ni Jenelyn Diaz napag pasyahan naming tawagin ako bilang Meyer ngunit sa paglipas ng mga araw Jen na lang ang tawag nila sa akin at si Diaz naman ay Bhembhem na palayaw naman niya.
"Jenelyn Meyer, tatawagin ka naming Meyer ok? Para hindi tayo nalilito ako naman Bhembhem or bhem nalang bahala na kayo," ani Bhem habang sinusuklay ang hanggang bewang niyang buhok.
"Okay," sagot ko naman sa kanya.
"Siya nga pala Meyer, may gustong manligaw sayo payag ka ba?" Tanong nito sa akin na akala mo'y nagtatanong lang kung magkano ang kilo ng karne habang naglalagay na naman ng foundation sa mukha. Maarte kasi talaga itong si Bhembhem sa aming lima. Ako naman ang walang ka arte-arte sa aming magbabarkada. Tamang suklay at tali lang sa mahaba kong buhok ay okay na sa akin. No foundation, no lipstick, no cologne. Just simple as that.
"Sino na naman 'yang ipapakilala mo sa akin, Bhembhem?" Tanong ko sa kanya habang nagbabasa ng paborito kong Romance Novel.
Itinuro nito ang isang lalaki na naka tingin na sa deriksyon namin ng mga oras na iyon. Siya si Mark, HRM student----ang naging pangalawa kong boyfriend kung saan labis akong nasaktan. Moreno at katamtaman ang taas niya. Maganda rin ang kulay brown niyang mga mata. Hindi ko siya crush o anuman . Kusang nahulog ang loob ko sa kanya sa araw-araw na panunuyo nito sa akin kaya umasa ako na magiging okay ang relasyon namin dalawa.
Nanligaw si Mark sa akin at pagkatapos ng isang b'wan sinagot ko siya. Minahal ko si Mark dahil nga hindi ko siya naging crush at natutunan ng puso ko na mahalin siya, kahit pa sabihin ng mga kaibigan ko na ang tanga-tanga ko dahil pumayag ako sa kundisyon niya sa relasyon namin. Hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ito dahil ang gusto ko lang ay ang matawag na girlfriend niya ay sapat na sa akin. It makes me feel assured na wala ng makakaagaw pa kay Mark sa akin dahil boyfriend ko na siya. Ganito siguro talaga mag-isip ang nga katulad kong dalawang beses pa lamang nagka boyfriend.
September 28, nasa library kami ni Mark ng hapong iyon at doon ko siya sinagot. Desisyon na akala ko ay magiging masaya na ako habambuhay dahil naging boyfriend ko na ang taong mahal ko.
"Meyer, subukan natin kung magiging okay ang relasyon natin pero sa isang kondisyon,"
"Kondisyon? Ano 'yon?" Nagtataka kong tanong. Bakit may kondisyon?
He smiled as sweet as lips candy while holding my hands.
"Walang mag-sasabi ng I love you ni isa sa atin."
Bahagya akong natahimik. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Bakit hindi ko pwedeng sabihin na mahal ko siya? Kunot noo ko siyang tinitigan. Wala akong nakikitang bakas ng pag alinlangan sa mukha ni Mark. Bahagya lang itong nakangiti na naghihintay ng isasagot ko sa kanya. Sa ilang minuto kong pananahimik, bandang huli pumayag na rin ako. Ano man ang dahilan niya hindi ko na inalam pa ang mahalaga boyfriend ko na siya. Pwede ko namang sabihin na mahal ko siya sa sarili ko at sa matatalik kong mga kaibigan.
Sa loob ng mahigit dalawang b'wang relasyon namin ni Mark naging masaya ako. Lagi kong pinaparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit sa simpleng pagpunta ko sa mga event ng club niya sa school kung saan gumagawa sila ng mga pastries at ipinamimigay sa loob ng campus.
Isang araw, alas-dos ng hapon sabado iyon wala kaming pasok. Namimis ko talaga si Mark. Sa loob ng isa't kalahating b'wan ng aming relasyon naging masaya ako sa piling niya. Gumagawa ako ng paraan para makapag-usap kami kahit pa mahirap para sa akin. Sa panahon ngayon sino bang mag-aakalang wala akong cellphone?. Yes! Wala akong cellphone at lagi akong nanghihiram sa pinsan ko na nakatira rin sa bahay ng lola ko.
Malayo kasi ang pinapasukan nito sa mismong bahay nila kaya doon na siya tumutuloy sa lola ko at umuuwi na lang t'wing sabado ng gabi sa kanila. Kasabwat ko 'yon sa mga kalokohan ko lalo na sa pagkakaroon ko ng boyfriend. Lahat ng mga naging boyfriend ko ay patago. Pinagbawalan kasi ako ng mga magulang ko na magkaroon ng boyfriend, saka na raw 'pag tapos na ako ng pag-aaral.
Hiniram ko ang cellphone ng aking pinsan para makapag-send ng message kay Mark. Kahit wala akong cellphone bumili ako ng sarili kong simcard at ini-insert ko lang iyon sa cellphone ng pinsan ko kahit paano may privacy pa rin ako.
Pumunta ako sa likod ng bahay namin para hindi ako makita ng lola at lolo ko na gumagamit ng cellphone. Nakakapagod kasi magsinungaling kapag nagtanong sila kung bakit may hawak akong cellphone. Nakakainis.
Nagsimula na akong mag type ng message para kay Mark.
Ako: Kamusta Mark? Saan ka ngayon? Anong ginagawa mo?
Ilang minuto muna ang lumipas bago ito sumagot sa text message ko.
Nang maramdaman kong nag-vibrate 'yong cellphone na nasa bulsa ng short ko, agad ko iyong tiningnan. Dahil wala naman akong ibang ka-text alam kong galing kay Mark ang message na iyon.
Mark: Dito lang sa bahay na nonood ng t.v. Ikaw? Nanghiram ka na naman ng cellphone sa pinsan mo?
Ako: Dito lang din sa bahay, nagbabasa dahil may long quiz kasi kami sa lunes. Ok lang naman sa pinsan ko eh, saka sarili ko namang simcard ang gamit ko.
Mark: Ah ganun ba? Sige mag-aral ka lang diyan.
Ako: I love you, Mark.
Bago ko ni-send ang huling mensahe para sa kanya, ipinikit ko muna ang aking mga mata bago pinindot ang keypad. Ilang segundo, minuto at oras ang dumaan hindi na nag-reply si Mark. Pinagalitan ko nang husto ang aking sarili. Para akong baliw na sinasabunutan ang sarili kong buhok. Siguro kung may nakakakita lang sa akin nang mga oras na iyon, aakalain nilang baliw nga ako. Baliw na nga siguro talaga ako.
Lumipas ang lunes, martes, miyerkules, huwebes, biyernes, sabado at linggo na walang message galing kay Mark. Pagkatapos ng isang linggong katahimikan sa aming dawala, sa wakas! nakipagkita na rin siya sa akin.
Nasa ilalim kami ng punong kahoy sa school ng araw na iyon. Nakangiti pa ako sa kanya habang inalalayan niya akong makaupo sa ilalim ng punong kahoy na nilagyan pa niya ng panyo para hindi madumihan ang white uniform ko. Ang sarap sa pakiramdam nakakataba ng puso dahil kahit sa simpleng gesture lang na iyon, malaking bagay na iyon para sa akin. Siguro dahil minsan lang kaming magkita kahit pa iisang campus lang pinapasukan namin.
Ilang minuto nang katahimikan ang namagitan sa amin pagkatapos naming makaupo bago nagsalita si Mark.
"Jen, sa tingin ko nahuhulog na yata talaga ang loob mo sa akin," sabay kuha ng kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.
Alam ko na kung anong ibig sabihin ni Mark. Usapan namin na walang magsasabi ng I love you sa amin eh, anong magagawa ko, mahal ko siya pero hindi ko pwedeng sabihin!
"Sorry, Mark, kung nasabi ko man na mahal kita pero totoo 'yon, mahal na talaga kita, Mark," sabay iwas ng mga mata ko sa kanya. Feeling ko kasi tutulo na ang mga luha ko ng mga oras na iyon. Mahal ko siya pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya nakakabaliw lang naman ang ganun.
"Wala iyon sa akin, Jen, sorry kung nahulog ka nang tuluyan sa akin. I'm not worthy of your love, Jen. Salamat sa dalawang buwan nating relasyon, sana makahanap ka ng isang lalaking mas mamahalin ka at hindi ako ang lalaking nararapat sa iyo," aniya habang nakayuko ang ulo ng tiningnan ko siya.
Biglang gumuho ang mundo ko nang mga oras na 'yon. Karma na ba ito? Sa araw pa talaga ng monthsary namin? Hindi na ako nakakibo pa. Pilit kong pinapagana ang utak ko ngunit wala na ito sa tamang katinuan ng mga oras na iyon. Masakit mahal ko siya pero para sa kanya mali ang pagsasabi ko ng I love you. Mali ang mahalin siya. Bakit? Bakit?
Naramdaman ko nalang na hila-hila na ako ni Mark patayo mula sa pagkakaupo ko at tinungo namin ang canteen. Om-order siya ng pagkain. Hindi ko na tiningnan kung ano iyon. Kumakain ako ngunit walang lasa ang pagkain. Wala akong gustong gawin ng mga oras na iyon kundi ang umiyak nang malakas na malakas. Ang sikipsikip sa dibdib pakiramdam ko, anumang iras ay mawawalan ako nang malay sa sobrang sikip ng dibdib ko.
Sa itaas ng canteen na kinaroroonan namin nakita ko ang mga kaibigan kong sumesenyas ang mga ito kung okay lang ako. Malungkot na mukha lang ang isinagot ko sa kanila. Iyon na ang huling araw na nagkasama kami ni Mark. Araw na hindi ko makakalimutan.
Linggo pagpasok ko ng school nagulat ang lahat dahil nag-iba na ako. Malaking T-shirt at naka-short ako ng hanggang tuhod at rubber shoes ng kulay blue. Backpack na rin ang gamit kong bag at pati pagkilos ko nag-iba na rin parang naging boyish na ang dating ko pagkatapos ng break-up namin ni Mark.
"Jenelyn, okay ka lang?" Tanong ng mga kaibigan ko sa akin nang makapasok na ako ng classroom namin.
"Okay lang ako! No worries, nakakapagod kasi magdamit babae mas ok 'tong suot ko ngayon tomboy style." Sabay ngiti ko sa kanila.
Nakikita ko na sa school araw-araw si Mark ngunit ni Hi or Hello wala man lang itong masabi. Okay lang naman sa akin kung ayaw na niya pero kahit kaibigan man lang sana okay na sa akin 'yon. Minsan nang magkasalubong kami umiwas siya sa akin. 'Di nagtagal nalaman ko rin na wala pala talaga siyang gusto sa akin kundi ang kaibigan niya. Hindi ko na inalam pa ang dahilan kung bakit ganun ang nangyari wala na rin namang magbabago. Hindi na magiging kami ulit ni Mark. Hindi na mawawala ang sakit na naramdaman ko at nararamdaman ko hanggang ngayon.
Pagkatapos ng hiwalayan namin ni Mark, hindi na ako nakipag relasyon muna. Pagkatapos ng ilang buwan na wala akong love life mas naging masipag pa ako sa pag-aaral at in-fairness mas tumaas pa ang mga grades ko. Nakakasama nga talaga ang mag-boyfriend.
Dumating ang araw ng Intramurals Day namin at doon ko nakilala si Erwin, isang second year BSMT (Bachelor of Science and Maritime Transportation) student. Pinakilala na naman ni Bhembhem sa akin. Nasa basketball court kami ng hapong iyon ng ipakilala siya ni Bhembhem. Barkada kasi ng boyfriend ni Bhembhem si Erwin kaya naging magkakaibigan na rin ang dalawa.
"Kambal!" Tawag nito sa akin dahil medyo malayo ako sa kanila.
"Bakit?" Pasigaw na sagot ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at kasama niya si Erwin na nakasunod lang sa kanya.
"Kambal tigilan mo nga muna 'yang pagbabasa mo d'yan at may ipapakilala ako sa 'yo."
Itinigil ko naman ang pagbabasa ko saka hinarap ang mga ito. Agad nagpatuloy si Bhembhem sa pagpapakilala nito kay Luigi sa akin.
"Ito nga pala si Luigi, second year BSMT sa kabilang building ang room nila ka grupo natin ang section nila sa intrams," anito.
"Erwin, this is may kambal Jenelyn Meyer, or Meyer for short or kahit anong gusto mong itawag sa kanya," baling naman nito kay Erwin na nakangiti.
Bakit kaya panay ngiti ng taong 'to. May nakakatawa ba?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinamayan si Erwin.
"Hello... nice meeting you, Meyer."
"Same here, Erwin, "
Pagkaraan ng ilang linggo naging kasa-kasama na namin si Erwin sa mga lakad namin pati sa pananghalian naging kasabay na rin namin siya. Isang hapon papunta kami ni Jackie ng library. Pababa na kami ng hagdanan nang makita ko siya na pababa rin ng ground floor. Nasa ground floor kasi ang library namin at nasa third floor naman ang room namin nagmamadali ito pero tinawag ko pa rin.
"Erwin! Regards daw sabi ni Alyssa." Tumingala at ngumiti ito kaya ngumiti na rin ako.
"Ang cute niyang ngumiti, Jackie."
"Kaya nga gusto siya ni Alyssa, diba?" Sagot naman ni Jackie sa akin habang busy na naman sa pagte-text.
Ang kaibigan kong si Alyssa ang may gusto kay Erwin Nang ipinakilala ito ni Bhembhem sa akin si Alyssa naman ay hindi na nawalan ng ngiti sa kanyang mga labi at 'yun nga inamin niya sa amin na gusto niya si Luigi.
Pagkatapos ng intramurals namin bakasyon na naman, tapos na ang examination day namin at ready na ang lahat para sa summer vacation. As usual wala pa rin akong plano, bahay lang at mag mukmok doon habang ang iba naman, ligo rito ligo roon kung saan-saan basta makasama lang ang kanilang mga boyfriend at girlfriend. Yung iba naman ay kasama ang mga barkada nila.
Bawal akong lumabas para gumala kapag walang pasok. Tanging tuwing pasukan lang ako nakakagala kasama ng mga kaibigan ko. Iba talaga kapag laking lola ka. Maraming bawal at naiintindihan ko rin naman 'yon. Dahil kapag may nangyari sa akin, ang lola ko naman ang sisisihin nila mama at papa na nasa probinsiya.
Pagkatapos ng mahigit isang buwan na bakasyon nagsimula na ulit ang pasukan. May Student Orientation ang school namin bago mag simula ang pormal na klase para sa mga new student.
Araw ng lunes at unang araw ng pasukan, nasa loob kami ng auditorium at nakaupo sa bandang likuran dahil hindi rin naman kami makikinig sa paulit-ulit na sasabihin ng speaker. Intended lang naman kasi 'yon sa mga new student.
Alam n'yo 'yong feeling na may nakatingin sa iyo na hindi mo malaman kung saan at kung sino iyon?
Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang isang lalaki na nakatitig sa akin eh ayaw na ayaw ko pa naman na may tumititig sa akin. I don't know why. Mayamaya ay tiningnan ko ulit at nagulat ako nang ngumiti na ito sa akin kaya inirapan ko siya.
'Sino naman itong mukong na ito, hindi ako bumibili ng ngipin bakit panay ngiti nito.' Bulong ko sa sarili.
"Tayo na guys! Nakakainis 'yong lalaki sa harapan natin papansin!"
Dali dali akong tumayo at lumabas ng auditorium at sumunod naman ang mga kaibigan ko.
"Meyer"! Tawag ni Bhem sa akin.
"Bakit?" Habang patuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Si Jeffrey 'yong tinutukoy mo crush nang karamihan gwapo diba?" Sumimangot akong hinarap si Bhem.
"Hindi ko siya kilala at wala akong pakialam kung maraming nagkakagusto sa kanya. Tayo na nga nandiyan na naman siya sa likuran natin."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Bhembhem at agad na akong umalis.
Araw ng sabado, wala kaming pasok at nasa bahay lang ako. Katatapos ko lang maglaba ng mga damit ko nang tumunog ang telepono namin.
"Hello? Sino 'to?" Rinig kong sagot ng aking lola.
"Oh! Dianne ikaw pala sandali lang at tatawagin ko si Jen nag lalaba siya sa likod ng bahay namin."
"Nay? Sino 'yan?" Papasok na ako ng bahay nang marinig kong binanggit ng lola ang pangalan ko.
"Si Dianne, gusto kang kausapin."
Agad ko namang kinuha ang telepono kay nanay at excited pa ako nang sagutin iyon.
"Hello Dianne!"
Narinig kong tumawa ang nasa kabilang linya.
"Who's this?" I asked in a low voice. Buti na lang nasa kusina na si nanay dahil kung nagkataon malalagot talaga ako.
Sana magustuhan niyo po.
Thank you.
Love Love
iamdreamer28