CAMILLA
"Diba doon ka sa kabilang daan? Bakit ka na naman nandito?"
Tumitig lang si Tonio sa akin. Kahit na pinapakita kong tumututol ako sa kanya, laking pasasalamat ko na rin dahil may kasama akong naglalakad sa madilim na daanang ito.
May kung anong kilig din akong nararamdaman sa atensyong binibigay sa akin ni Tonio. Mula nang ihatid niya ako noong isang araw ay nagsimula na siyang kumatok sa puso ko. Siyempre, nililihis ko ang aking sarili na mag-isip ng kung anu-ano dahil sigurado naman akong hindi niya ako gusto.
Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko ang halik niya.
Narinig ko ang pagngisi ni Tonio. Lumingon ako sa kanya at umiwas siya ng tingin sa akin. Nakapaloob sa bulsa niya ang kanyang mga kamay habang sumisipol at pangiti-ngiti.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Naiinis kong tanong.
Lumingon siya sa akin at tumigil sa pagsipol.
"Sungit mo! Bawal bang sumipol?”
“Oo naman! Hindi mo ba nakikita? Ang dilim na ng kalsada?”
“Oh, ngayon? Pag-aari mo ba itong inaapakan ko?"
"Hindi, pero nakakarinding pakinggan. Madaling araw na, gumaganyan ka pa rin. Tsaka bakit ka ba nandito? Ano'ng trip mo at sinusundan mo ako?"
Tumigil sa paglalakad si Tonio. Suminghap siya ng malalim. Mukhang napindot ko na naman ang inis niya sa akin.
"Bibili ako ng mani sa may kanto, Ma'am. Hindi po kita hinahatid, Ma'am. Nagkataon lang pong pareho ang daan na tinatahak natin. Huwag kang masyadong ma-feeling, Ma'am. Okay na, Ma'am?"
Lalo akong nanggigil. Pumadyak ako sa maalikabok na daan para ilabas ang inis ko. Tumawa ulit siya sa aking ikinilos.
Naglakad ako ng mabilis. Iniwan ko siya para hindi na ako makapagsalita pa ng ikapapahamak ko.
Naiinis ba ako kasi hindi ko siya mapatumba sa usapan? Oh nagdaramdam lang ako kasi nalaman kong hindi ako ang tunay niyang pakay kung bakit siya nandito?
Ano ba itong nangyayari sa akin.
"Dahan-dahan sa pagmamaktol. Baka matisod ka."
Lumingon ako sa kanya at inirapan ko siya. Halos tumakbo na ako para inisin lang siya.
Nagulat ako nang bigla niya ako pinigilan. Hinila niya ang braso ko at muntikan pa akong mabundol sa kanyang katawan.
"Bitawan mo ako!" Sigaw ko.
Ngumisi siya. Nagpumiglas ako sa kamay niya pero inalog niya ako ng malakas. Medyo nahilo ako sa kanyang ginawa.
"Kumalma ka nga! Para kang grade one!"
"Bitawan mo nga ako! Ang lagkit ng kamay mo! Amoy alak!"
"Oh."
Binitawan nga ako. Muntikan pa akong masagasaan sa bus. Buti na lang ay nahila niya ulit ako palabas ng kalsada.
"Ang kulit mo kasi! Ayan!" Sigaw niya.
"Ano bang pakialam mo? Doon ka! Kung bibili ka ng mani, maghiwalay tayo. Doon ka!"
Tinikom ni Tonio ang bibig niya at itinaas ang kanyang mga nakalamukot na kamay. Pagkatapos ay nagpalabas siya ng mahabang "ahhhhhhh!" sa pagka-irita niya sa akin.
"Hinahatid nga kita! Kaya ako nandito sa likod mo na parang anino! Hindi mo na naiintindihan? Saan naman ako makakahanap ng mani ng ganitong oras? Mani mo lang ang gusto kong kainin!"
Napanganga ako. Hinampas ko ng napakalakas ang kanyang braso. Imbis na masaktan siya ay tinawanan pa niya ako.
"Bastos ka talaga! Buwisit!"
"Ikaw kasi!"
"Bakit mo ako hinahatid? Mukha ba akong baldado?"
"Haissst! Hiraaaap, tangina naman, Camilla! Ang hina ng kukote mo! Sa tingin mo, bakit kita hinalikan? O gusto mo yata, ispelingin ko pa para maintindihan mo."
Bigla akong natigilan. Nagkatitigan kami. Kinakamot niya ng banayad ang namula niyang braso dahil sa pamamalo ko. May bakas ng hiya ang ngiti niya sa akin.
Biglang may bumusinang jeep. Kapwa kami napatingin sa sasakyan.
"Sasakay ka ba, miss?" Tawag sa akin ng driver.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakanganga lang ako at nakatulala sa tsuper. Muli akong bumaling kay Tonio.
"Sakay na." Utos niya.
Parang naging sunud-sunuran ang mga paa ko. Sumakay ako sa jeep at iniwan ko siyang nakatayo sa gilid ng kalsada. Sumakay ako sa dulo ng jeep upang makita ko pa siya habang papalayo ako sa kanyang kinatatayuan. Hindi naman siya kumaway sa akin. Naglakad lang ito pabalik sa kinaroroonan ng bar ng nakabulsa pa rin ang mga kamay.
---
VIOLET
Naunang nahiga si Roger sa akin. Iniwan ko siya sa kuwarto. Kinakalabit niya ako kanina pero wala talaga ako sa mood na makipagtalik sa kanya.
Binubulabog ako ng kanyang napipintong paglisan. Inisip ko kung magkano ang kinita ko ngayong gabi. Wala man yatang dalawang libong piso.
Napailing ako.
"Tangina, wala na ngang anda, sunog pa ang baga." Wika ko sa sarili ko.
Pinitik ko ang dalawang puwit ng yosi na nasa tabi ko. Pangatlong sigarilyo ko na ito at hindi pa rin ako nakakaramdam ng satispaksyon. Hinahanap ko ang kakaibang epekto ng pagkahilo para kahit papaano ay matakpan ng usok ang naguguluhan kong utak. Pero tila ang mailap din sa gusto ko ang yosi dahil nasanay na ang baga ko sa usok.
Hinimod ko ang mukha ko pataas sa aking buhok.
"Tangina, tataya na yata ako ng lotto simula bukas." Bulong ko.
Pera. Pera lang talaga ang problema ko. Umiikot ang buhay ko sa pera.
Habang nag-iisip ako ng paraan kung paano ako makakahirit ng malaking halaga kay Roger bago siya bumalik ng ibang bansa ay bigla kong naisip ang vault ni Ma'am Lerma. Tumatak sa akin ang basta-bastang mga pera na nakapaloob doon. Bago pa maisara ni Camilla ang lalagyanan ay nasilayan ko na ang laman.
Tiba-tiba ako kapag nakakulimbat ako doon. Pero si Camilla lang ang may alam ng kumbinasyon ng mga numero…
Ito ang katagang naiwan sa aking utak.
Natutuliro na ako. Mas nananaig sa akin ang pamimita kong makahanap ng mapagkukuhanan ng pera kaysa sa makapangatwiran ako ng tama.
Hindi talaga matanggal sa utak ko ang vault. Ito lang kasi ang namamayagpag na paraang naiisip ko na pinakamadaling kuhanan ng malaking halaga. Sa pagka-desperada ko ay nagsimula na akong bulungan ng demonyo. Gusto ko talagang makakuha ng pera doon at alam kong si Camilla ang susi sa plano ko.
"Kung si Camilla lang ang tanging nakakapasok sa kuwarto ng vault, siya lang ang mapapasala kapag nagkulang ang pera doon... Tama. Si Camilla lang... Kailangan kong malaman ang passcode ng vault... Paano... Paano...Paano…" Paulit-ulit na sambit ko sa aking sarili.
May bumukas na pinto sa loob ng apartment ko. Nagulat ako at nahimasmasan. Tumayo ako para tignan kung nagising si Roger. Nakausli ang pintuan ko sa sala kaya puwede kong masilip ang loob. Napansin kong umihi si Roger sa banyo. Naka-brief lang ito at naka-sando.
Babalik na sana ako sa pagtatambay nang biglang may napansin ako sa kakaibang ikinilos ng aking boyfriend. Paglabas niya sa banyo ay tinitigan niya ang pintuan ng kuwarto ni Camilla. Lumingon ito sa sala pati na rin sa harapan ng apartment. Nagtago ako para hindi niya ako makita.
Nang silipan ko siya ulit sa loob ay napansin kong bukas na ang kuwarto ni Camilla.
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Bakit siya pumasok sa kuwarto ng ka-bahay ko?" Tanong ko sa sarili ko.
Paglabas niya ay may bitbit na siyang maliit na saplot. Kulay dilaw ito na panty ni Camilla.
Nanlaki ang mga mata ko.
Inamoy-amoy ni Roger ang underwear ng aking ka-bahay at dinilaan pa ito.
"Ate, gising ka pa?"
Napabalikwas ako. Binubuksan ni Camilla ang gate. Lumingon ulit ako kay Roger. Ipinasok niya ng mabilis ang panty ni Camilla sa kanyang brief at tumakbo papasok ng kuwarto namin.
"Ate." Usal ni Camilla.
Niyugyog niya ang aking braso.
"Ano'ng nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo?" Usisa niya.
"Ah—Ano kasi—Kakalabas ko lang. Magyoyosi sana ako. Isasara ko sana ang pinto pero nagulat ako nang tawagin mo ako." Palusot ko.
Inamoy ako ni Camilla.
"Nagyosi ka na eh. Amoy sigarilyo ka."
“H-Hindi. Dumikit lang siguro ang amoy ng bar. Hindi pa kasi ako naliligo.” Katwiran ko.
“Ah… Oh sige. Ipang-iinit kita ng tubig. Hintayin mo ako, ha?” Sagot naman niya sa akin.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang pumasok na si Camilla sa loob ng apartment. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumungo siya sa kanyang kuwarto. Pagkatapos noon ay napasandal ako sa dingding.
“Pinagjajakulan ba ng boyfriend ko si Camilla? May lihim ba siyang pagnanasa sa kanya?”
Nawirduhan ako sa aking sarili. Sa halip na magselos ako ay wala akong maramdamang galit sa puso. Iba ang tumatakbo sa isip ko.
Umupo ulit ako sa harapan ng gate. Humithit ako ng ilang beses bago ako nakabuo ng pasya.
Gagamitin ko si Roger. Kung hindi niya ako mapagbibigyan sa gusto ko, pakikinabangan ko siya. Malakas ang dating ng boyfriend ko kahit na matanda na. Magaling siyang mang-akit ng babae. Wala pang karanasan sa pagtatalik si Camilla. Sigurado ako na bibigay siya kay Roger.
Gagawin kong pain ang boyfriend ko para makuha ko ang gusto ko kay Camilla. Iba-blackmail ko si Roger.
“Tama… Tignan ko lang kung hindi ako susundin ng magaling kong boyfriend. Gigipitin ko siya. Sasabihin ko sa kanya na isisiwalat ko ang lihim naming relasyon sa asawa niya kapag hindi niya ako sinunod. Pero kilala ko siya. Kapag nagsabi ako na galawin niya si Camilla, tiyak kong masasabik iyon. Baka nga ayain pa akong makipag-threesome sa kanilang dalawa.” Isip ko.
Doon ko ipapasok ang balak ko. Sisisguraduhin kong hahanap-hanapin ni Camilla ang pagbabayo ng boyfriend ko sa kanya. At ang magiging kapalit—ang passcode ng vault.