Chapter 9: Sabay

1623 Words
TONIO Napapayuko ako para sulyapan ang aking pantalon. Unti-unting tumitigas ang alaga ko dahil sa paghawak ni Camilla sa tyan ko. Sa tuwing may nadadaanan kaming bako ay napapahaplos siya sa abs ko. Napapalunok ako sa sarap. Naamoy ko ang kanyang pabango. Magaan sa ilong ang samyo niya. Nakadikit din ang gilid ng kanyang papaya sa aking likuran. Sa tuwing pepreno ako ay humihigpit ang kapit niya sa akin. Tumatalbog ang malambot niyang dibdib sa likod ko. Kung ano-anong kalaswaan ang naglalaro sa utak ko. Kapag sumasagot siya sa mga tanong ko ay lumalakas ang pintig ng puso ko. Para niya akong binubulungan sa tenga. Unang beses akong nakalapit sa kanya ng ganito kakonti ang distansya. Lalong tumindi ang libog ng katawan at ligaya sa puso ko. --- CAMILLA Bumaba kami sa isang supermarket na may murang paninda. Sinamahan ako ni Tonio sa loob para may kasama akong maghawak sa trolley. Habang pumipili ako sa mga naka-de-latang mushroom ay may napansin akong mag-asawa na kumukuha ng mamahaling corned beef. Hawak ng buntis na babae ang tyan niya at inaakay naman ng isang kamay ng lalaki ang likuran ng kanyang asawa. Napasulyap ako kay Tonio. Binabasa niya ang pakete ng mga de-lata habang hawak niya ang trolley. Para rin kaming mag-asawa. Binura ko kaagad ang sumagi sa isip ko dahil nakakaramdam ako ng kilig. Sa tono pa lang ni Tonio kapag kinakausap niya ako, alam kong wala siyang gusto sa akin. Nang maisakay niya ang mga pinamili namin sa tricycle ay nagmaneho ulit siya pabalik ng club. Nabawasan na ang hiya ko at ako na mismo ang kumapit ng mahigpit sa kanyang katawan. Wala naman siyang reaksyon kahit na paminsan-minsan ay hinihimas ko ang kanyang mga pandesal. Sanay akong makakita ng mga lalaking malalaki ang tyan. Nariyan si Roger na nasisilipan ko, ang mga parokyano ng mga babae namin sa bar at ang tatay kong manginginom. May mga malilibog din namang mga Koreano at Chinese na estudyanteng suki ang mga entertainers namin, gaya ni Violet. Magaganda ang hubog ng katawan nila pero walang dating sa akin kasi parang mas makinis pa sa balat ko ang mapuputi nilang katawan. Kaya para sa akin, lamang na lamang itong katawan ni Tonio. Pinoy na Pinoy ang kulay pero malinis. Mabango parati ang amoy at hitsura. At kahit na mahigit anim na buwan na akong nagbabantay sa club ay ni minsan, hindi ko pa siya nakitang naghubad. Nasisilayan lang namin ang hubog ng kanyang katawan dahil parati itong naka-sando at naka-vest kapag nagtatrabaho. Bibilugin at matitigas ang balikat at braso nito kaya alam naming batak ito sa paggy-gym. Kaakibat ng kanyang mapanuksong katawan ay ang kanyang hitsura. Hindi talaga maikakaila na guwapo siyang binata. Kaya kahit sa ganito man lang na paraan, maramdaman ko ang sarap ng may nahahawakang lalaki na gaya ni Tonio. --- TONIO Napapaubo ako sa tuwing umaabot sa ibaba ng dibdib ko ang mga daliri ni Camilla. Hindi ko kasi maiwasan ang pag-untog ng gulong sa mga butas ng kalsada kaya napapahagod ng hindi sinasadya ang mga daliri niya sa akin. May hapdi ang pakiramdam ko sa ibaba dahil may naiipit na b*lbol sa matigas kong alaga. Parang nasasabunutan ang buhok ko sa doon sa tindi ng pagpupumiglas ng aking sandata. Hindi ko naman mai-kambyo ng maayos dahil nahihiya ako kay Camilla. Ginagalaw ko ng pasimple ang hita ko sa katawan ng motor para mailihis ko ang mga sumabit na b*lbol sa katawan ng alaga ko. Pero habang ginagawa ko ito, lalo lang akong tinitigasan dahil nakikiskis ang mga bayag ko sa upuan. “Kuya?” Tawag ni Camilla. Naubo ako. Tangina. Nakahalata yata. “Oh.” Sagot ko. “May girlfriend ka na ba?” Napapreno ako ng bahagya. Napausog siya palapit sa akin at naramdaman ko ang matinding pagsalpok ng s*so niya sa likod ko. “Aray. Dahan-dahan naman.” “Sorry.” “Tinanong lang kita kung may girlfriend ka, nataranta ka naman.” “May iniwasan akong butas. Pinagsasasabi mo dyan.” “Oh, ano nga? May girlfriend ka na ba?” “Wala!” Narinig kong tumawa siya ng paimpit. Mukhang nag-eenjoy yata siya sa panloloko sa akin. --- CAMILLA Ang sarap sa pakiramdam. Wala pa palang nagpapatibok sa puso ni Tonio. Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito na usisain siya habang nasa mood pa siyang sumagot. “Pihikan ka siguro no, kuya? Ang dami namang magagandang costumers sa bar.” “Bunutin mo nga ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko. Napapainit mo ang ulo ko.” “Ha? Ayoko nga. Baka kung ano pa ang makapa ko dyan.” “Bugok! Hindi mo naman isasaksak ang kamay mo sa loob. Hilain mo lang ang takip ng kaha. Hindi ko lang mabitawan ang manibela at nasa road widening tayo.” Nanggigil ako. Tinawag pa akong bugok. Tumingin ako sa gilid ng pantalon niya. Hapit na hapit ang tela sa kanyang hita. Nakahawak ako sa kanyang tyan tapos kakapain ko pa ang kanyang hita. Mamamasa na naman ang p********e ko nito. “Dalian mo.” Reklamo niya. Ipinasok ko ang mga daliri ko sa itaas ng kanyang bulsa. Pinilit kong abutin ang kaha. “Ehh-eeeem!” Pamamalat niya. Mukhang kagaya ko, nakakaramdam din siya ng libog sa aming ginagawa. Pagkakuha ko sa kaha ay naglabas ako ng isang piraso. Kinagat niya ito at ako na ang nagsindi gamit ang lighter niya. Nausukan na naman ako pagkatapos niyang humithit. “Kuya, bawasan mo nga ‘yang pagyoyosi mo.” Wika ko. Hindi niya ako kinibuan. Nang umiba ang direksyon ng hangin ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Pagkaalpas namin sa ginagawang daan ay bumilis na ang kanyang pagmamaneho. “Hindi ko kasi type ang mga costumers.” Sambit niya. “Ha?” Sagot ko. Hindi ko kasi masyadong marinig ang boses niya dahil lumakas ng huni ng motor sa bilis niyang magpatakbo. Inulit niya ang sinabi niya ng mas malakas. Sumigaw din ako para magkarinigan kami. “Eh sino ba kasi ang type mo? Mga G.R.O.?” “Gusto ko ng babaeng mabango, walang sabit, maganda, mabait at malaki ang dede!” Tinamaan ako sa malaki ang dede. Malusog lang ang akin pero hindi ganoon kalaki. “Ang bastos mo!” Tugon ko. “Mas bastos ka! Dati-rati kinakausap mo ako ng maayos. Tapos kamakailan lang, tinatawag mo na akong kuya!” “Eh anong gusto mong itawag ko sayo, Tonio? Eh halatang mas matanda ka naman talaga sa akin, ah. Ilang taon ka na ba?” “Bente-singko pa lang ako!” “Nineteen pa lang ako!” “Pareho lang ‘yan. Nasa tamang edad ka na para ikama!” Natigilan ako. Kinurot ko ang tyan niya sa inis ko. “Araaaay! Nagmamaneho ako!” “Ang bastos mo talaga!” Ngumisi lang ito. Hindi ko alam kung paano niya ako nahawa at nasabayan ko siya sa pagtawa. Pagbaba namin sa harapan ng bar ay salitan sila ni Kuya Vic sa pagpasok ng mga pinamili. Wala pang alas-singko ng hapon kaya malamang ay kami pa rin ni Tonio ang mag-aayos ng mga ito. Mamaya pang alas-sais ang pasok ng mga tagaluto at tagalinis at alas-nuwebe naman ang mga entertainers. Iniiwan nina Tonio at Kuya Vic ang mga plastic ng pinamili sa harapan ng kusina at ako naman ang nag-aayos sa freezer. Nailagay na nilang lahat ang mga ito sa paanan ng plastic na harang pero hindi pa rin ako natapos sa pagsasaayos. Pabalik-balik ako sa ref. Kahit na malamig sa loob ay pinagpawisan pa rin ako. Pinahid ko ang namuong pawis ko sa noo gamit ang pulsuhan ko at lumabas ako sa kusina. Nagulantang ako sa aking nakita. Nakaupo si Tonio malapit sa cash register. Unat na nakabukaka ang kanyang mga paa habang pinupunasan niya ang pawisan niyang katawan gamit ang kanyang suot kanina. Isinusumpa ko sa ngalan ng kanunu-nunuan, ito ang unang beses na naghubad siya sa loob ng bar! Nangingintab sa pawis ang kanyang malalaking dibdib. May pagka-dark red ang mga u***g at may kalakihan. Parang mga pandesal na nahilera ang kanyang mga abs sa patag niyang tyan. Napakalapad ng kanyang mga balikat. Kumibot ang aking b****a. Hindi ko magawang maihakbang palayo ang aking mga paa. Sarap na sarap ang mga mata ko sa aking nakita. Ibang-iba ang alindog nila ni Roger. Kung nakakahikayat sa kama ang alaga ng boyfriend ni Violet, itong si Tonio ay parang mapanakit sa katalik. Nakakanginig ng mga kalamnan, nakakapanghina—napakalinamnam. “Sa—Doon ka sa likod mag—maghubad…Tonio.” Paalala ko. Tumigil siya sa pagkuskos. Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumisi. “Tonio?” Usal niya. Hindi ko siya matignan ng diretso. Tinuro ko ang daan papasok sa likuran para utusang lumipat ng lugar. “Doon ka na, mag-aayos pa ako dyan. Malapit ng mag-alas-sais.” Isinabit niya ang damit niya sa kanyang balikat at tumayo. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa akin. Nang magkasalubong kami ay naamoy ko ang kanyang katawan. Magkahalong lalaking samyo at pabango ang nasinghot ko. Nagkaumpugan ang aming mga braso. Ang init ng kanyang balat. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking mga dibdib sa pagdampi ng kanyang balat sa akin. Bago siya pumasok sa likod ng club ay muli niya akong tinawag. “Camilla?” “Oh.” “Ano’ng oras ka uuwi mamaya?” “Depende kay Ma’am Lerma. Baka ako ang magkahera ngayong araw. Babawi muna ako sa pagka-absent ko kahapon.” “Sige.” Usal nito. Pumasok siya sa loob at nawala na siya sa paningin ko. Napapikit ako ng mga mata. Palihim kong sinuyod ang hiwa ng b****a ko sa labis na libog na naramdaman ko sa mga oras na iyon. Nagulat pa ako nang muli siyang magsalita. “Sabay na tayo mamaya.” Sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD