Naiinis na tiningnan ni Kharen ang kaibigang si Marco na abala sa pagtipa sa keyboard nang computer nito. Kung alam lang niya na wala itong maitutulong sa napakalaking problema niya ay hindi na sana siya nag aksaya pa nang pagod na pumunta sa bahay nito.
Napabuntong hininga na naman siya. Pang ilan na ba iyon? Walanghiya kasi itong baklang 'toh walang kwentang kaibigan. Imbes na damayan ako parang walang pakialam na nag fafacebook lang simula nang dumating ako sa bahay niya.
"Ang lalim nun ah? kung makahinga ka daig mo pa ang nangangailangan ng oxygen." wika nito habang nanatili pa ding nakatutok ang mata sa monitor nang computer.
"Kapag hindi ka nakinig sa akin ikaw ang papasakan ko ng oxygen sa ilong." Inis na sabi niya.
Gulat na lumingon ito sa kaniya. "May problema ka ba?"
"Hindi ba halata?" Nararamdaman niyang ilang sandali pa at mauubos na talaga ang pasensiya niya.
"Wala ka naman sinabi kanina ah.. akala ko makikitambay ka lang. Hindi ka naman nagtext na may problema ka at kailangan mo nang kausap. Basta ka na lang nagpunta dito."
Kapag minamalas nga naman. Naturingan ngang may kaibigan siya ubod naman nang katangahan. Siya pa pala ang mali nang lagay na iyon.
"Oo na ako na ang mali.. Pasensiya na po among tunay hindi ko man lamang sinabi sa iyo na may problema ako at kailangan ko nang kausap,kaibigan,kapamilya,kapuso at kapatid."
"Ano ba kasing problema?" saglit lang siya nitong tiningnan.
Nagningning pa ang mga mata nito nang makita nito sa computer ang larawan ng isang lalaking walang pang itaas na damit.
"Bongga!.. ganito dapat ang mga nakaadd sa f*******: ko. Ay! Add as friend lang wala bang add as Boyfriend? Hehe.."
"Marco!"
"Oo na makikinig na ako. Go!." Natatawang baling nito sa kaniya.
"May writer's block yata ako." Naiiyak na sabi niya sa kaibigan. Tanging ito lang ang pinagsabihan niya noon. Nahihiya siyang sabihin iyon sa mga magulang niya baka sisihin pa siya ng mga ito dahil sa katigasan ng ulo niya.
Sa Batangas siya lumaki at nagkaisip. Ang gusto ng mga magulang niya ay sumunod siya sa yapak nang Ate Cathy niya na isang nurse sa ibang bansa. Dahil isa siyang masunuring anak ay hinayaan niya ang mga ito na magdesisyon sa buhay niya. Ang katwiran niya noon ay para sa ikabubuti naman niya ang kagustuhan ng mga magulang niya kaya ayos lang sa kaniya kahit na madalas ay kagustuhanng mga ito ang nasusunod.
Ang ate Cathy niya ang nagpaaral sa kaniya nang magkolehiyo siya. Hindi man sila mayaman ay masasabi niyang napakasuwerte niya dahil kahit papaano ay hindi niya naranasang maghirap na katulad nang ibang tao. Parehong guro ang kaniyang mga magulang kaya ganoon na lamang kaimportante sa mga ito na makapagtapos siya ng pag aaral.
Ang kaso nga lang hindi siya nakatapos. Hindi niya natupad ang pangako niya sa Ate niya at sa mga magulang niya na magtatapos siya at susunod siya sa kapatid niya sa ibang bansa. Nasa ikalawang taon siya noon sa kursong nursing ng maisipan niyang tumigil sa pag aaral.
Ilang buwan din siya noong hindi kinausap ng ama dahil sa sobrang sama ng loob. Sino nga ba namang ama ang matutuwa sa isang anak na tambay at ayaw mag aral? Hindi niya masisisi ang mga ito kaya para walang masabi ang mga magulang niya ay inako niya ang lahat nang gawaing bahay sa loob ng isang buong taon. Kahit man lang sa ganoong paraan ay mabawasan ang galit ng mga ito sa kaniya.
Pero isang araw habang siya ay nagninilay nilay sa loob ng bahay nila ay nakita niya ang nagkakalat na gamit ng bunsong kapatid niya. Inis na pinagdadampot niya iyon hanggang sa makita niya ang isang bagong biling pocketbook nito. Hindi siya mahilig magbasa kaya hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya para basahin ang buod o teaser niyon sa likod. Nang magustuhan niya ang kwento at binuksan niya ang unang pahina ay agad na naagaw nang anunsiyo doon ang atensiyon niya. Ayon sa nabasa niya ay naghahanap ang nasabing publication ng mga bagong romance writer. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa agad siyang sumali.
Nahirapan siya noong una dahil hindi agad natanggap ang unang manuscript na pinasa niya. Patuloy lang siyang nagtiyaga at hindi siya sumuko kahit na nahihirapan siya. Dahil na rin siguro sa determinasyon niya ay nagbunga ang lahat ng paghihirap niya. Isa na siya ngayong writer at proud siya sa trabaho niya.
Ilang buwan na siya noong nagsusulat nang maisipan niyang sa Maynila na manirahan. Tutol ang mga magulang niya sa naging pasya niya ngunit walang nagawa ang mga ito kaya hinayaan na lamang siyang umalis ng Batangas.
Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya kapag sinabi niya na kahit isang simpleng kwento ay walang pumapasok sa isip niya ngayon. Baka masisi pa siya nang wala sa oras.
"Baka naman stress ka lang.. try mo magbakasyon sa ibang lugar. Tapos doon ka gumawa nang nobela mo."
"Ginawa ko na.. 'wa epek eh."
"Mag soul searching ka muna."
"Pang mayaman lang iyon tange!"
"Bakit mayayaman lang ba ang may soul na dapat isearch?"
"Mayayaman lang ang may mga pera pang search nang nawawalang soul nila." Pagtatama niya dito.
"Marami ka namang pera ah?. Samantalang dati halos hindi kita nakakasama dahil nagmomongha ka sa loob ng bahay mo."
"Tinatapos ko lang ang mga story ko kaya ganoon."
"Bakit ngayon?"
"Wala akong tatapusin na story dahil wala ngang pumapasok sa utak ko. Sa isang pitik lang nawalan ako nang ganang magsulat."
"Naku! May mga kilala akong writer ganiyan din minsan. Mabilis lang yan girl. Makakarecover ka din."
"Kailan pa? Paano na ako kakain? Paano na ang mga bills ko? bahay,tubig,kuryente at telepono. Paano na ang bunsong kapatid ko na si KC. Nangako ako sa kaniya na ibibili ko siya ng bagong cellphone next month. Paano na si Aling Yolly ang sipag pa naman niyang maglaba nang mga damit ko. Paano na ang mga readers tiyak na naghihintay na sila ng next story ko." Natatakot talaga siya.
Paano kung forever na ang pagkakaroon niya ngayon ng writer's block? tiyak na katakot takot na sermon ang aabutin niya sa mga magulang niya kung bigla siyang uuwi nang luhaan sa Batangas. At saka isa pa gusto niya ang ginagawa niyang pagsusulat. Natutuwa siya na kahit papaano may mga tao na napapasaya niya at kinikilig sa mga nobelang ginagawa niya.
"Kailan pa ba nagsimula 'yan?" concern na tanong ni Marco sa kaniya.
Kailan pa nga ba nagsimula ang writer's block niya?
Nang magpasiya siyang manirahan sa Maynila ay nakilala niya si Ian. Niligawan siya nito at agad naman niyang sinagot. Aminado siya na noong mga unang buwan nang pagiging magnobyo nila ay hindi siya seryoso dito. Udyok lang siguro nang kuryusidad kaya sinagot niya si Ian kahit hindi niya ito masyadong gusto.
Sa anim na buwan nang pagiging magnobyo nila kahit papaano ay natutunan na niya itong mahalin. Mabait at mapagmahal na nobyo si Ian kaya wala silang naging problema sa relasyon nila.
Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan niya. Hiniling nito na may mangyari sa kanilang dalawa. Agad siyang tumutol sa gusto ng nobyo niya. Pilit niyang ipinaliwanag dito na hindi niya ibibigay ang sarili niya sa lalaki hangga't hindi sila naikakasal. Ang buong akala niya ay naintindihan siya ni Ian pero hindi pala.
Nagulat na lamang siya isang araw nang makipagkita ito sa kaniya at sinabi nito na kailangan na nilang maghiwalay. Siya pa ang sinisi nito kung bakit kailangan nitong putulin ang relasyon nila. Kasalanan ba niya kung ayaw niyang pumayag na may mangyari sa kanila at ngayon ay buntis ang bestfriend nito. Kung umayon siya sa kagustuhan nito siya sana ngayon ang nagdadalang tao. Ano na lamang ang sasabihin nang mga magulang niya?
Nang matapos ang anim na buwan nilang relasyon noon ay nahirapan siyang magsulat. Ayaw man niyang isipin na kinakarma siya sa katigasan nang ulo niya ay parang ganoon na nga ang nangyari. Wala siyang ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto at makipagtitigan sa computer niya maghapon. Ang dami nang nagtatanong na mga readers kung kailan ulit siya magrerelease ng bagong nobela niya. Pero wala talaga siyang ganang magsulat at halos mabaon na nga siya sa utang.
Isang araw habang siya ay nakatunganga naisipan niyang magbukas ng computer niya. Dapat na siyang kumilos baka magising na lang siya isang araw wala na siya kahit isang singkong duling kung hindi pa siya mag uumpisa na magtrabaho. Sawa na siya sa maghapon na ang kinakain niya lang ay Skyflakes. Kabisado na niya ang butas sa isang pirasong skyflakes dahil iyon lang maghapon ang pagkain niya. At malamang isang buong taon siyang kakain ng Skyflakes kung hindi pa siya magpapaawat sa katamaran niya.
Nang magpasiya siyang buksan ang f*******: niya para tingnan ang mga mensaheng nandoon ay nabago ang mood niya. May nag tag sa f*******: niya ng larawan ng isang gwapong lalaki na agad nakakuha ng atensiyon niya.
Dali dali niyang isinearch sa internet ang profile ng gwapong lalaki na nagngangalang Asihiro Yamamoto. Isang half Filipino half Japanese. Ayon sa mga impormasyong nakalap niya ay bente siyete na si Asihiro at binata pa. Isang sikat na modelo at car racer ito sa Japan man o sa ibang bansa.
Nang makita niya ang mga larawan at video ng mga laban nito sa internet ay muling nabuhay ang natutulog niyang dugo. Wala pang kalahating oras ang nakakalipas ay may nabuo na siyang kwento sa isip niya. Ganoon kalakas ang epekto sa kaniya ni Asihiro. Simula noon naging tagahanga na siya ng binata.
Dahil kay Asihiro kaya muling bumalik ang hilig niya sa pagsusulat na akala niya ay nawala na noong masaktan siya sa paghihiwalay nila ni Ian. Palagi niyang inaabangan ang mga laban nito sa internet. Marami din siyang alam tungkol dito dahil madalas siyang makipag chat sa ibang fans na nakakasalamuha nito sa Japan. Ayon sa mga Japanese Fans na madalas nakakasama ni Asihiro ay mabait daw ang binata. Dahil na rin siguro sa mga pagbibida at magagandang kwento ng mga taong katulad niya ay humahanga kay Asihiro kaya nahulog ang loob niya dito.
Siguro para sa ibang tao ay imposible pero para sa kaniya si Asihiro lamang ang dahilan kung bakit siya nakakapagsulat ng mga kwentong nagbibigay inspirasyon at kilig sa mga tao. Sa loob ng isang taong pagsusulat niya ay ito lamang ang bukod tanging inspirasyon niya at ang pamilya niya. Kadalasan sa mga lalaking bida sa nobela niya ay naglalarawan kay Asihiro. Matangkad,maputi ang balat, singkit ang mga mata, malaki ang katawan na alam niyang alaga nito sa workout, matangos ang ilong. Gustong gusto niya ang mga labi nito na kapares ng sa actor na si William Levy.
Dahil sa sobrang paghanga niya kay Asihiro, paulit ulit niyang pinanood ang palabas na Hana Kimi. Isa iyong Taiwanese drama na pinagbidahan ni Ella at Wu Zhun. Gusto niya ang nasabing kwento lalo na noong umuwi si Ella mula sa America para lang makita ang taong hinahangaan niya. Dahil din sa palabas na iyon kaya naisipan niyang magpunta ng Japan at manood ng laro ni Asihiro sa sunod na buwan. Pinag ipunan niya talaga ang pagpunta sa Japan halos hindi na siya lumabas nang bahay para lang hindi siya matuksong gumastos.
Pero ganoon na lamang ang panlulumo niya tatlong linggo na ang nakaraan nang lumabas sa Tv at Internet ang balitang naaksidente si Asihiro sa huling laban nito sa America. Alalang alala siya dito. Kulang na lang ay huwag na siyang matulog dahil maghapon at magdamag siyang nakaabang nang balita sa Tv at computer niya. Hindi pumayag ang mga kamag anak at kaibigan ni Asihiro na magbigay nang anumang salaysay tungkol sa aksidente. Ang huling balita niya ay nakalabas na ito ng ospital sa America. Pero walang nakakaalam kung nasaan ito ngayon. Kahit ang manager nito sa Japan ay tumangging magpainterview. Kaya ngayon ay sobrang nahihirapan talaga siya. Walang makapagsabi kung nasaang lupalop na ito nang mundo nagpapagaling ngayon. Ang tanging nakumpirma lamang nang mga taga hanga ay wala sa Japan si Asihiro ngayon. Imposible namang nasa Pilipinas ito dahil ang pagkakaaalam niya ay lahat ng kamag anak nito sa motherside ay nasa ibang bansa na.
Napabuntong hininga na naman siya. Hindi na niya talaga alam ang gagawin niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit sa pinakailalim na parte nang puso niya ay may nararamdaman siyang kakaibang pag aalala kay Asihiro. Simula nang maaksidente ito ay hindi na siya muling nakapagsulat. Ilang beses niyang sinubukan pero wala talagang nangyari. Kailangan na nga yata talaga niyang tanggapin ang katotohanan na uuwi na siya nang Batangas kahit ayaw niya.
"Ay! Sino naman itong Isabela na ito? hmp! Hindi ko siya iaadd. Para lang sa mga gwapong nilalang ang f*******: ko hehe." Nawala na naman sa kaniya ang atensiyon ni Marco.
"Baka nagwapuhan sa'yo." Tila wala sa sariling sabi na lang ni Karen.
Napadiretso siya nang upo nang maalala ang huling sinabi ni Marco. Isang magandang idea ang pumasok sa isip niya.
Isabela...Hhmm.... Bakit nga ba hindi? Matagal na din akong hindi nakakapunta sa ibang lugar. Kahit papaano naman pala ay may pakinabang ang kulugong ito. Kawawang Mica mapipilitan siyang ampunin ako ng mga ilang buwan lang naman.
Hehe!