"TSS!" reaksyon lamang ni Jay sa ginagawa ni Kim. Titirik-tirik ang mga mata niya na napapatingala. As if naman magkaka-interes siya rito, eh, wala namang maumbok sa dibdib ni Kim. Kapatagan naman na may bato lang sa gitna siguro. Lalong nagtatawa naman si Sarah. "Ikaw talaga na bata ka!" pasimpleng ismid ni Kim naman sa pamangkin. Pinapasok ba naman agad sa kuwarto nito ang bisita. Pasaway talaga! Mas natawa pa si Sarah saka tumakas na. Nang-aasar lang talaga ang bata. "Fix your self. I have something to tell you. I'll wait you in the car," sabi na ni Jay nang wala na ang bata. His voice rising up a notch. Pumamulsa siya na siyang lalong nagpaguwapo sa ka.nya Ngumiti si Kim sa binata. Ngiting aso nga lang. Hiyang-hiya malamang ito sa kanya which is dapat lang. "S-sige po, sir." Isan

