"Kumapit ka lang sakin!" Mahigpit naman niyang kinapit ang mga kamay niya sa balikat ni Dexter. Pinulupot naman ni Dexter ang mga kamay sa bewang niya. Napatitig siya kay Dexter na namumungay ang mga matang nakatitig sa kanya. Hindi na siya nakaiwas ng ilapit nito ang mukha sa kanya at halikan siya sa labi. Kahit nakalublob sila sa dagat ay nararamdaman ni Leslie ang mainit na haplos ni Dexter sa likod niya. Natigilan sila ng marinig ang boses ng mga taong paparating. Napangiti at napayakap na lang sila sa isa't isa. Naisip naman ni Suzet na magpakuha ng picture kay Darwin sa dagat. "Darwin picturan mo ko!" Binigay niya kay Darwin ang cellphone nya at nagpose sa dagat. Nag-enjoy naman si Darwin sa pagkuha ng picture kay Suzet dahil natititigan nya ito ng matagal. Nang mapansin na pina

