⚠️ Violence warning/ Dark scenario "Mataas ang amount ng methamphetamine sa katawan nya kaya nakaramdam sya ng pagkahilo, panghihina ng katawan, drowsiness. Usually ganun ang side effect kapag nasobrahan. Yung ganung gamot sa ecst@cy madalas makita. Mabuti kinakaya ng katawan nya... Wala naman siyang sign ng physical o s****l abuse." Nabigla si Dexter sa sinabi ng Doktor na sumuri kay Leslie nang dalhin niya ito sa ospital matapos mawalan ng malay. Ecst@cy! Nagtaka si Dexter kung paanong nagkaroon ng ganun sa katawan ni Leslie. Imposible namang gumamit ito ng ganung droga. Alam niyang laganap sa eskwelahan nila ang ecst@cy at minsan na siyang natuksong gumamit nun. Kinontrol lang niya ang sarili para hindi siya malulong. Tinawagan niya ang kaklaseng si Neil at tinanong sa nangyari ng

