"Oh tatabi ka sakin maraming tao baka pagtinginan ka!" Sarkastikong sabi ni Dexter pagkaupo ni Leslie sa tabi nya sa canteen ng eskwelahan. Maya maya ay pinagtitinginan na sila ng mga estudyante na kanya kanya ng bulungan. "Ano ba tinitingin tingin nyo hindi ko girlfriend si Leslie." Malakas na pagkakasabi ni Dexter kaya natahimik sa canteen. Natigilan naman si Leslie. Tinitigan niya si Dexter at binabasa ang mga reaction nito. Iniiwasan naman siyang tignan ni Dexter na nakatingin sa ibang direction. Dati ay parati nitong sinasabi na sila na at gf sya nito. Naisip niyang nagbago talaga si Dexter simula noong gabi na tinanggihan nya 'to sa kotse. Hindi niya napigilan ang sumama ang loob kay Dexter. "Hindi talaga kami nito kahit kailan hindi!" Malakas na pagkakasabi din ni Leslie. "Huw

