GROGGY pa ko nang magising ako sa passenger seat ng kotse ni Tray. Hindi ko nga alam kung nananaginip ako o talagang puro bundok ang nakikita ko. Masakit ang ulo ko dahil sa hang-over pero mas matimbang ang confusion ko. "Where are we?" Nilingon ko si Tray na nagda-drive ng mga sandaling 'yon. "Baby boy? Sa'n mo ko dadalhin?" "Good morning, baby girl," nakangiting bati sa'min ni Tray. Nag-park muna siya sa tapat ng isang establishment. Pagkatapos, tinanggal niya ang seatbelt niya para dumukwang at i-kiss ako sa lips. "We're in Batangas." Napakurap-kurap ako. "Huh?" Natawa siya ng mahina habang iiling-iling. "Bomi, ikaw ang nagsabi na gusto mo ng bulalo. Kaya nagpunta ako kaninang 4AM sa condo mo para sunduin ka? You don't remember?" Napakurap-kurap lang uli ako habang inaalala ang mga

