SO, IRRITABILITY is one of the symptoms during recovery period after a concussion, huh? 'Yon ba ang reason kung bakit iritable ang boyfriend ko ngayon? Nag-Google ako gamit ang phone ko ng tungkol sa concussions kahit nasa ospital ako at puwedeng magtanong sa mga doktor o nurse. Nagpapalipas lang naman kasi ako ng oras habang nakaupo sa couch dahil hindi kami nag-uusap ni Tray. He's acting like a child. Pagkatapos magdala ng early dinner nina Tita Trina sa'min, umuwi siya ng bahay kasama si Trish. Pero babalik daw sila mamaya para magdala ng mga damit at iba pang gamit ni Tray. Sina Patrick at Happy naman, umuwi na pagkatapos naming kumain. Nagpaiwan si Gardner dahil halos kasabay lang niya. Sasamahan daw muna niya kong magbantay sa boyfriend ko. Speak of the handsome devil... "Yo,"

