"PARDON?" kunot-noong tanong ko kay Happy na busy sa sinasagutan niyang Math equation kaya nakayukyok ang ulo niya sa table. "Sasagutin ka lang daw ni Gardner kapag nakapasa ka sa same university as him?" Nagpanggap ang best friend kong si Happy noon as Gardner's girlfriend para umiwas sa mga baliw nitong ex. Yep, kahit tahimik at suplado si Gardner eh player naman pala ang loko. Pagod na raw siya sa pagiging chickboy kaya ginamit niya si Happy bilang shield. Eh etong best friend ko naman, na-in love talaga talaga kay Gardner. Hindi ako boto sa supladong player na 'yon pero sino ba ko para pigilan ang happiness ni Happy, 'di ba? Kaya heto, suportado ko ang "panliligaw" niya kay Gardner. Kahit lunch time na, naiwan kami sa classroom para magsagot ng workbook. "Yes," seryosong sagot ni Ha

