6th Chapter: Makeup or Makeout? [NEW]

970 Words
OF COURSE, wholesome ang date namin ni Tray kahit pa kaming dalawa lang ang nasa condo ko ngayong gabi. Ewan ko ba kung bakit nag-expect ako na magiging SPG ang ganap namin tonight. Pero konting disappointment lang naman ang na-feel ko. I can't complain because I'm having a good time right now. Nagtayo kasi si Tray ng tent sa gitna ng living room, nag-prepare ng red wine, at naka-couple pajamas pa kami. But wait, there's more! Ang laki ng smile ko nang mag-start na ang BIGBANG DVD concert tour na isinalang niya sa laptop niya kanina. "Thank you, Tray," nakangiting sabi ko sa kanya habang magkatabi kami sa loob ng tent at parehong naka-lotus position, saka ko inangat ang hawak kong BIGBANG VIP lightstick na kasama rin sa mga regalo niya sa'kin na puro BIGBANG merchandises. "Ang tanga ko kasi when it comes sa pag-order online kaya never akong nag-try bumili ng Kpop merchandises kahit gustong-gusto ko." Tiningnan ko ang tatlong pang BIGBANG DVDs, mga poster, at ang complete set ng BIGBANG Krunk Bear keychain. "These merchandises must have cost a fortune." Tiningnan niya ang boyfriend niyang nakangiti lang habang nakatingin sa mukha niya. "Hindi mo naman kailangang gumastos for me, eh." "But I want to pamper you, Bomi," giit naman niya. "Matagal ko nang in-order ang mga 'yan pero ngayon lang dumating. Pero sakto lang kasi alam kong nagtatampo ka sa'kin. May pam-peace offering ako." Nag-pout ako sa revelation niya. "The fact na aware kang nagtatampo ako sa'yo, big deal na sa'kin. Usually kasi, kapag nagtatampo ako, wala kang alam hanggang sa makalimutan ko na rin kung bakit ako nagalit sa'yo." Namula ang mukha niya at napakamot bigla ng kilay. "Maybe I'm slowly learning how to be a proper boyfriend?" Natawa ako sa sinabi niya. "Alright, I accept that." "I'm sorry for being insensitive, Bomi," halatang puno ng regret na sabi niya mayamaya. "From now on, mas magiging matapang na ko." Naintindihan ko lang ang sinabi niya nang nag-iba siya ng posisyon: umupo ang boyfriend ko sa likuran ko hanggang nasa pagitan na ko ng mga hita niya. Pagkatapos, niyakap niya ko at pinatong pa ang baba niya sa balikat ko. "Okay ka pa ba d'yan, Tray?" natatawang tanong ko sa kanya. "Ngayon ka lang naging ganito ka-bold sa pagyakap sa'kin, ha?" "My heart is beating like crazy right now," pag-amin naman niya sa nahihiyang boses. "Crazy in a good way. I wonder why I haven't done this before. I'm such a loser." Napangiti lang ako, saka ako sumandal sa dibdib niya. His solid body was warm and he smelled really, really good. "Yep, this feels nice." "Bomi, you smell really nice," bulong niya, saka ko naramdaman ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. "And you feel... so s-soft." Natawa lang ako ng mahina. "Kung madalas mo lang akong niyayakap, hindi ka na siguro ma-a-amaze ng ganyan. But thank you, Tray." He just let out a contented sigh. Nag-concentrate naman ako sa panonood sa BIGBANG. Patawarin ako ni Tray pero nang makita ko sa screen ang nakangising si GD, hindi ko napigilang kiligin. "Jiyong oppa, ang guwapo mo talaga!" hindi ko napigilang pagtili habang tinataas pa ang VIP lightstick ko na para bang nasa concert talaga ako. "Anakan mo ko, please!" "Hala, hindi puwede." Gulat na nilingon ko ang boyfriend ko (na pansamantala kong nakalimutan dahil kay G-Dragon) at napansin kong nakasimangot siya. "Huh?" "Hindi ako papayag na anakan ka ng Koreanong 'yan– or ng kahit sino for that matter," naka-pout na kontra ni Tray. "Hindi puwede, okay?" "It was just a common Pinay fangirl thing to say, Tray," natatawang paliwanag ko naman. "Hindi ako seryoso do'n. Saka as if naman papatulan ako ng isang GD." "Bakit naman hindi?" Lalo akong natawa. "Ano ba talaga? Papayagan mo ba kong magkaanak kay GD o hindi?" She's not making sense, alright. But she loves teasing her boyfriend. Lalo na ngayong pulang-pula na ang mukha niya. "Siyempre, hindi ako papayag," seryosong sagot ni Tray. "You're my girlfriend, Bomi." In one swift move, he did something I never thought he would: he gently pushed me to the floor. Ang sunod na namalayan ko, nakahiga na ko sa sahig habang ang boyfriend ko naman, nakapatong sa'kin. Nakatukod ang mga kamay niya sa magkabilang-gilid ng ulo ko habang nakatingin siya sa'kin– deretso sa mga mata. And boy, his gaze is heated as he licks his lips without breaking eye-contact. Napalunok naman ako sa anticipation nang bumaba ang mukha niya sa'kin. Nang mapansin kong papikit na siya, pumikit na rin ako. Nag-ki-kiss naman kami pero ngayon lang uli sa lips kaya excited ako. Kahit pa smack lang 'yon. But I was wrong. His lips were pressed harder and longer than usual against mine, then, they started to move. Awkwardly and hesistantly. It's obvious that he doesn't really know what he's doing, but he's not stopping and he becomes more and more eager as seconds pass by. Na-freeze naman ako pero nang makabawi ako, sinabayan ko na rin ang paggalaw ng lips niya hanggang sa may harmony na kami. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na 'yong baby boy ko, marunong nang i-nibble at i-bite ng lips ko! Totoo ba'to? Did he just graze his wet and warm and soft tongue on my lower lip as if asking permission to enter my mouth? OMG, grab na natin 'to, mare! I opened my lips to grant him entrance. Then, his tongue started to play with my tongue. Shyly, at first. Pero mabilis ding natuto at naging mas confident si Tray dahil mayamaya lang, mas lumalim at mas naging masarap na ang kisses namin hanggang sa nag-mo-moan na ko sa bibig niya. It barely registered to me that my arms are now wrapped around his neck while his weight is crushing me. Wow, saan 'to papunta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD