Happy ❤ *** "Nasa Hongkong pa rin sina Bomi at Tray," excited na pagkukuwento ko sa boyfriend kong si Gardner habang nakadapa ako sa kama niya. "Sa Disney Hotel naman sila nag-check in. Ang bongga ng Christmas gift ni Tray!" "Well, Tray is rich," sagot ni Gardner habang naglalagay siya ng food sa coffee table na nasa tabi ng kama. Siya ang nagluto ng spaghetti, lumpiang shanghai, fried chicken, at fruit salad na nakahain ngayon. Mag-isa lang siya sa condo niya dahil nasa ibang bansa ang parents niya. At may date naman ang kakambal niya ngayon. Para hindi siya malungkot, pinuntahan ko siya rito para samahang salubungin ang New Year. "Sure ka ba na hindi magtatampo ang parents mo kasi dito mo sasalubungin ang New Year?" "Pinayagan naman nila ko," katwiran ko. "Saka ngayon lang naman ako

