[BOMI] *** Dahil feeling ko eh sexy ako today, sinuot ko ang mga binili kong swimwear last week. Huli kong sinukat iyong black high waist bikini bottom na may kaparehang white halter top bikini. Nang humarap ako sa full-length mirror, na-realize ko na hindi ako masyadong satisfied sa katawan ko ngayon. Payat naman ang mga braso at binti ko. Nawala na 'yong pinaghirapan kong abs last year pero flat pa rin naman ang tiyan ko. "Wala akong boobs," reklamo ko habang nakatingin sa chest area. "Bakit ba kasi sobrang flat-chested ko?" Nagmamaktol pa rin ako dahil sa maliit kong boobs nang narinig kong tumunog ang doorbell. Mayamaya lang, bumukas na ang pinto. Hindi na ko nagulat kasi alam ko namang si Tray iyon. Saka talagang nag-do-doorbell muna siya kahit may duplicate copy naman siya ng ke

