Hindi niya mapigilan na pagmasdan si Anthony sa bawat ikinikilos nito. She is having second thoughts about him. Pilit niyang inalala ang unang kita niya rito simula nang magising siya. Mabilis siya nagtiwala rito kahit wala siyang maalala because of all the people who were always by her side, ang mukha nito ang naaalala niyang consistent. Ito ang palaging naroon. There was no day that he was not there since she woke up. Kaya nang sabihin nito na mag asawa sila, na kinasal sila matapos maging magkasintahan mula nang highschool pa lang, at ang dinadala niya ay anak nila, naniwala siya rito. Because he was gentle, kind, and patient with her. Walang tao ang magtitiis na alagaan ang tulad niya na ilang buwan comatose at nang magising ay tila lantang gulay. She was vulnerable and had only him

