Dahlia showed her two thumbs up. "You look so nice, Sunny. Ready na ready for today. Good luck, ha? I know you will do good!" pag-cheer niya pa rito. Napangisi ito sa sinabi niya. "Siyempre naman. Parating na pati sila. Dito ka lang sa malapit maglakad-lakad para makita mo na in person si Garett Adamson. Para din kapag nahimatay ka, malapit ka lang sa mga staff at maassist ka agad! Tapos makikita ko rin!" Natatawang saad nito sa kaniya. Napailing siya habang nakangiti. "Ikaw talaga, puro kalokohan, Sunny. Sige na, baka kailangan ka na ro'n," she said, encouraging her to go to her workplace. Nakita kasi niyang mas nagkagulo na ang mga staff at ang mga guard ay nagsasalita na sa kaniya-kaniyang walkie talkie. Malamang ay malapit na nga ang mga VIP. Kinawayan siya ni Sunny. "Dito muna

