Katulad ng inaasahan, tila hinahanap hanap ni Antonella ang dagat. Habang nasa bahay na sila ay puro ito kwento tungkol do'n. "I miss swimming Mama. Tapos hindi ako kasakay ng boat. Exciting sana," saad nito at ngumuso habang nakatutok ang atensyon sa pagbuo ng puzzle. "Marami pang next time, baby. No worries, kapag may chance, babalik tayo roon. Then we will go swimming, sasakay tayo ng boat, at marami pang gagawin." Tumingin sa kaniya ang bata. "Can we go there na just the two of us, Mama? Daddy might suddenly want to leave early again pagkasama siya, eh." Napangiti si Dahlia. That must be nice na silang dalawa lang dahil magagawa nila ang gusto nila. Malaya sila at walang sudden outbursts. Walang manipulation at limitations. Just pure happiness and enjoying the moment. That would

