[Present]
Napakurap si Daneliya nang biglang may humatak mula sa kamay niya ng litrato nila ni Evans 5 years ago dahilan para matigil siya sa pag-alala ng nakaraan. Paglingon niya ay nakita niya ang nakasimangot na mukha ng kaibigan niyang si Lindy.
"Tinitignan mo na naman picture niyo imbes kumain ka pa riyan!" yamot nitong saad.
Daneliya chuckled and tried to get the picture from her friend. "Nami-miss ko lang siya. Alam mo naman busy siya masyado, halos 'di kami nakakapag-usap these past few months."
Napailing ang isa niyang kaibigan na si Edith. "Duda talaga ako sa jowa mong 'yan, Daneliya. Masama kutob ko diyan."
Natawa siya at tinanggap mula kay Lindy ang binalik nitong litrato nila ni Evans. She smiled while staring at their photo but sadness slowly spread on her chest.
"Huwag gano'n, Edith..." Mahinahon niyang saad. "Mahal ako ni Evans kaya kung anuman ang naiisip mo, mali 'yon."
Nagkibit-balikat ang kaibigan niya. Si Lindy ay umupo sa harap niya. Nasa food court sila ng isang mall na kalapit lang ng hotel kung saan sila nagtatrabaho.
"5 years na siya sa America, Daneliya. These past few months, hindi maayos communication niyo. Malawak masyado ang mundo niya. Hindi mo ba naiisip na mayroon siyang iba?"
Umiling si Daneliya at inipit na ang picture nila ni Evans sa dala niyang journal. She pursed her lips and looked at her friends with an assured expression then smiled. "Evans promised me, he will be loyal and faithful to our relationship. Isa pa, he already proposed to me, remember?" she uttered.
"Online!" Mariin na saad ni Edith, mukhang dismayado. "Rason niya gustong-gusto niya na maging fianceé ka para pag-uwi niya rito sa Pilipinas, magpapakasal na kayo. Wala man lang ka-effort effort na proposal? 'Yung singsing, pinakita lang din sayo sa video call niyo. Naku! Napaka naman ng long time boyfriend s***h fiance mo, Daneliya."
"You deserve more than that kaya!" segunda naman ni Lindy. "Deserve mo ng bongga na suprise proposal tapos diamond engagement ring."
Daneliya giggled because of her friends' words. "I appreciate na gano'n ang tingin niyong deserve ko but contented ako sa binibigay ni Evans sa akin na effort at pagmamahal."
Tumaas ang kilay ni Edith. "Talaga ba? Eh, nitong mga nakaraang taon, paunti nang paunti efforts niya sayo. Barest of the bare minimum na ang binibigay niya sayo, 'day!"
Daneliya just smiled and glanced at her wristwatch then she stood. "Almost done na ang lunch, guys. Balik na tayo," aniya saka binitbit ang bag niya.
Ang mga kaibigan naman niya ay dali-daling nagligpit ng mga gamit nila na kanina niya pa paunti-unting ginawa kaya handa na agad siya.
She immediately thought of her friends' remarks. Totoo naman 'yon. No'ng bago sila at sa mga unang taon ng relasyon nila ni Evans ay bonggang-bongga sa efforts at pagbigay sa kaniya ng oras ang kasintahan. Nang tumuntong ito sa America ay gano'n pa rin. Nakagagawa ito ng paraan para i-surprise siya kahit malayo ito. Pero nitong nakaraang mga taon, siguro simula ng ikadalawang taon ni Evans sa USA ay do'n nagsimulang magbago sa mga efforts niya ang lalake.
But she understands it. Mas naging busy ang lalake ngayon sa pag-aaral nito at sa pag-training sa pag-handle ng business nila ng Mommy niya roon sa America. Basta't hindi nagkulang sa assurance at pagmamahal sa kaniya si Evans, kontento na siya. Wala na siyang pake kung nawala na ang mga surpresa at efforts nito dahil mas mahalaga sa kaniya ang pagmamahalan nilang dalawa kaysa kahit anumang material.
Pagbalik nila sa hotel ay nagsipilyo muna siya at freshen up. May ilang minuto pa naman siyang natitira. Matapos no'n ay nag-clock in na siya muli at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
Isa siyang receptionist sa isang 5 star hotel sa Manila. She has other dream jobs and aspiration but she had to forget it for some reason.
"Hi, welcome to Stanford Hotel and Casino, how can I help you today?" aniya habang may magandang ngiti na bungad sa lumapit na customer sa kaniyang desk.
Matapos ang shift niya ay dumiretso siya sa locker room. She immediately reached for her phone and checked for messages. Pagbukas niya ng mobile data ay maraming messages ang pumasok ngunit ni isa roon ay wala galing kay Evans. She sighed and forced a smile.
Nagsimula siyang magtipa. "Hi, babe! End of shift ko na. How are you? Always take care of yourself! I love you!" She pressed the send button after that.
"Sabay na tayo palabas, Daneliya!" aya sa kaniya ng mga kaibigan.
Nilingon niya ang mga 'to saka tumango at kinuha na ang bag saka lumabas sa locker room.
Naglalakad na sila sa may reception area ng hotel para lumabas nang masipat ni Daneliya ang pamilyar na mukha palapit sa reception desk. Their eyes met and she immediately felt the indifference on them. May mga kasama ito.
Bumagal ang mga hakbang niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang bumati o huwag na lang dahil alam niyang hindi nito iyon magugustuhan. But she wanted to be polite.
Nang makakasalubong niya na ito ay ngumiti siya at tumigil sa paghakbang.
"Good evening, Madam Priscilla," banayad ang boses na bati niya sa babae.
Katulad ng palagi ay napakaganda ng postura at pananamit na ito. She won't be a fashion icon for nothing. Tila laging may pupuntahan na fashion event sa tuwing nasa labas, at kahit pa sa loob ng bahay. Iyon si Madam Priscilla.
Sa tagal na nila ni Evans, Madam pa rin ang tawag niya rito dahil hindi nito tanggap na tawagin niya itong Tita. And to not anger or irritate her, pinili niya itong tawagin na lang no'n.
Tumaas ang kilay ni Priscilla. Ang mga kasama nito na malamang ay mga business partners and associates ay napatingin sa kaniya nang may bahid ng ngiti sa kanilang labi.
Nilagpasan lang siya ng ginang. Napakagat siya sa labi at pinagmasdan ang paglampas nito habang ang kasama nito ay sumunod na rin sa babae ngunit napasulyap pa sa kaniya.
"That girl greeted you, Priscilla! You ignored her..." saad ng isa, nagtatakha.
"Who's that?"
"Just no one. My former maid," malamig na ani Priscilla.
Daneliya sighed then glanced at her friends who were watching her.
"She's too pretty to be a maid," komento ng isa pang kasama ng ginang.
Ang kaibigan niya na si Lindy ay pinagmamasdan ang ekspresyon niya.
"Mommy 'yon ni Evans, 'di ba?" tanong nito, naninigurado.
Tahimik na tumango si Daneliya at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Hindi mo na dapat binati. A woman like that doesn't deserve respect. Hindi ko makakalimutan 'yung mga kalmot at pasa na natanggap mo sa bruha na 'yon," saad nito habang yamot na yamot ang mukha.
Edith shook her head. "Hindi ka talaga deserve ng pamilyang 'yan. Girl, maghanap ka na ng iba tutal si Evans naman nagiging wala ng kwenta sayo. Ang nanay naman niya, bruha."
Umiling si Daneliya. "Huwag na kayo magsalita ng ganiyan. I still respect his mother. Mama siya ng boyfriend ko. At si Evans... He's just busy, okay?" marahan niyang saad.
Napailing si Lindy saka nagkibit ng balikat. "Sige, sabi mo, eh!" iritadong saad nito.
Daneliya sighed. Naiintindihan niya ang dalawa niyang kaibigan. Alam ng mga ito ang iilang detalye ng pinagdaraanan niya sa kaniyang lovelife at mukhang mga ubos na ang pasensya nito pero siya, she's choosing to stay.
Naranasan niya na ang mahalin nang sobra ni Evans. It feels like heaven. Kahit ano'ng hirap pa ang pagdaanan niya sa kamay ng ina nito, sapat na kapalit no'n ang pagmamahal ng fiancé niya. Medyo nagbago lang ito ngayon malamang ay dahil sa pagiging abala. But anytime soon, sigurado siyang babawi ito.
Isa pa, hindi alam ni Daneliya kung ano ang pakiramdam ng mahalin ng isang mother figure kaya wala siyang standard kung ano dapat ang trato sa kaniya ng ina ni Evans na si Priscilla.
Pag-uwi niya ay agad siyang sinalubong ng mga kapatid niya, nanghihingi ng pera para sa mga bayarin at project sa school, hindi pa man siya halos nakakapasok sa bahay nila.
"Sige, sige. Don't worry Daniella. May natabi pa naman ako," aniya habang iniisip kung kailan ang sunod na sweldo niya.
Napasimangot si Daniella. "Ate kasi, kulang binibigay mo sa akin. Nakakainis manghingi lagi kaya," iritadong saad nito.
Senior high na ito. Maldita man ito, pasalamat pa rin siya dahil napakasipag din nito mag-aral at talagang competitive. Ang problema, nagigipit siya dahil sa pagiging competitive nito.
"Kailangan bongga 'yung presentation ko, ate kaya ang dami kong kailangan. Sana ate next time huwag mo na tipirin sa pag-abot sa akin ng allowance ko, late na, ngayon pa tuloy ako makakabili kasi late ka na rin dumating. Nag-aaral naman ako nang mabuti!" Dagdag nito saka hinablot mula sa kamay niya ang inaabot niyang pera dito.
Napabuntong-hininga siya at pinanood ang pag-alis nito sa bahay nila para bilhin ang mga kailangan nito.
"Ate, ako, may field trip kami. Kulang ang bigay ni Mama sa akin ng 200 ate," saad naman ng kasunod ni Daniella na si Dane.
Ito naman ay grade 8. Halos mapahawak sa noo si Daneliya ngunit pinigil niya ang sarili at hindi ipinakita ang stress sa kapatid. She forced a smile at hinalungkat ang wallet niya.
Binilang niya ang mga araw. Limang araw pa bago ang sahod niya pero 700 pesos plus na lang ang pera niya, pamasahe pa niya at pangkain. She swallowed hard then handed the 200 pesos to her younger brother.
"Salamat ate!" saad nito saka humalik sa kaniya at tumakbo na patungo sa kwarto nito.
Pabagsak siyang napaupo sa sofa sa sala nila saka hinubad ang sapatos niya. Halos bagsak ang katawan na naglakad siya patungo sa kaniyang kwarto para magbihis. Hinilot-hilot niya ang talampakan na nananakit dahil magdamag ba naman siyang nakatayo habang napakataas ng heels dahil na rin receptionist siya.
Napaangat siya ng tingin nang may kumalampag sa pinto niya. Naroon ang Mama niya na nakapameywang at nakatingin sa kaniya.
"Pambili ng bigas at ulam? Wala pa tayong pagkain. Late ka na dumating, Mallory. Ginugutom mo naman kami!" iritadong saad nito.
Kumunot ang noo niya. "Ma, hindi po ba kabibili lang natin last week ng isang sakong bigas? Marami din po akong biniling mga karne at ibang pwedeng ulamin, nasa ref po."
Namimili siya tuwing sahod niya para masiguro na kung sakali man maubusan sila ng pera, may makakain pa rin sila. Madalas na kasing nakukulangan sila sa sinasahod niya dahil palaging may mga unexpected na bayaran.
Kumunot ang noo ng ina niya. "Wala na 'yon malamang. Manghihingi ba ako sayo kung meron pa sa kusina? Wala na, Mallory. Nanghihingi sina Tita mo sa akin, malamang tutulungan ko 'yon." Inilahad nito ang palad. "Akin na, bilis! Lulutuin ko pa 'yon, anong oras na!"
Daneliya Mallory swallowed hard. Napakurap siya at binuksan muli ang kaniyang wallet. Sinilip niya ang natitirang pera do'n ngunit bago pa 'yon ay may humablot na sa 200 na nasa loob. Tulalang pinagmasdan niya ang paglakad paalis ng kaniyang ina.
Mula nang mamatay ang Papa niya ay hirap na hirap sila. They are barely surviving through her salary. Paano ba naman kasi ay maraming bayaran at idagdag pa ang hindi tamang paghawak ng Mama niya sa pera na inaabot niya rito at ngayon, pati ang stock nila ng bigas at ulam ay pinamimigay rin nito na akala mo ay mayaman sila at hindi rin nangangailangan.
Siya ay tipid na tipid sa sarili ngunit ubos na ubos ang pera niya dahil sa pamilya niya. But she can't complain. Iniisip na lang niya na responsibilidad niya na ang mga ito dahil siya ang pumalit sa kaniyang ama.
She picked her phone from her bag and checked for Evans' message. Iyon na lang sana ang pampalubag-loob sa stress na nararamdaman niya.
Her eyes widened when she received a message.
From: Babe
Hi, babe! I miss you so much. I'm really sorry for being unresponsive. I'm just really busy but I am okay. Take care of yourself too, okay? Miss na miss na kita. Babawi ako sayo, promise. I love you, Daneliya.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. She let out a sigh of relief and type a message to reply to him.
Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Akala niya pa no'ng una ay kay Evans ngunit galing pala 'yon kay Edith. Sinagot niya ito at bumungad ang mabilis na pagsasalita nito.
"Girl, ang bruha mong future mother-in-law, issue ngayon! Have you seen the news? Isang socialite, nagtataksil sa hunk na businessman live-in partner niya. Ang kabit niya, matandang mayaman na madaling mamatay!"
Napakurap si Daneliya. "W-what? Edith, ano'ng sinasabi mo? You mean, Madam Priscilla?"
"Yes! Pinagpalit ang napakagwapo niyang partner sa expired na hotdog dahil going bankrupt na raw si Garett!"
Napangiwi siya sa pinagsasabi ni Edith. Nang natapos ang tawag ay nagbukas siya ng social media. Malamang ay kakalat talaga ang issue tungkol kay Priscilla. Isa itong socialite, inaabangan ng mga netizen ang buhay nito dahil kilala ito sa pagiging fashionista at dati nga rin beauty queen.
Her lips parted while reading the articles. Lumabas ang litrato nito kasama ang isang half-chinese na business tycoon na talagang may edad na.
May lumabas din na picture ng partner nito ngunit mga lumang picture iyon. Probably, 5 years ago. Talagang pribadong tao naman talaga si Garett Adamson. Hindi makapaniwala si Daneliya na ipagpapalit ng ginang si Garett. Nakita niya kung gaano kabaliw ang babae sa partner nito. Priscilla is a very dominant and feisty woman but when Garett is around, akala mo ay isa itong maamong tupa.
But well, it seems like power and wealth is more important to Priscilla than love. Kaya kung totoo man ang balita na going bankrupt ang step-father ni Evans, naghanap na agad ang ginang ng mas makapangyarihan at mas mayaman dito.
Daneliya sighed. "Kumusta kaya si Sir Garett?" bulong niya sa sarili.