Sa kabilang sasakyan naman ay isinakay si Anthony na nagwawala at iyak nang iyak. Hindi nito alintana na dumurugo ang kamay niya at paa dahil nabaril siya roon. Ang tanging nasa isip niya ay si Daneliya. "Buhay siya, 'di ba? Buhay si Daneliya!" He cried helplessly. Paulit-ulit niyang naaalala kung paano nito sinalo ang pinakawalan niyang mga bala. Her frail body caught the bullet and she was shot on fatal points. Humagulhol si Evans at napailing iling. Hindi niya matatanggap kapag tuluyang nawala si Daneliya lalo na kapag maalala niya ang katotohanan na siya ang may gawa no'n. "Please, save her!" sigaw nito. Ang isa sa mga nagbabantay rito ay sinamaan siya ng tingin. "Ikaw ang bumaril sa kaniya, 'di ba? Kasalanan mo kapag namatay si Miss Daneliya. At hindi namin alam kung anong k

