Nang tanghali ay sabay sabay silang kumain. Antonella already knows how to feed herself pero hindi pa iyon gano'n kalinis at hinahayaan niya lang ito. But Yohan, he can feed himself really clean. Talagang pino na ang mga galaw nito. As if at a very young age, he is forced to mature quickly. Magana itong kumain. Ang dami nitong nakain at sarap na sarap sa luto niya. It made her heart flutter that the kids enjoyed her cooking. Worth it ang time at effort niya kapag nasasarapan ang mga ipinapagluto niya. They took a nap during the afternoon. At nang hapon na talaga at hindi na gano'n ka-init, inilabas niya ang dalawa para naman hindi ma-bored sa loob ng bahay nila. Antonella immediately ran towards her playmates while Yohan just stood there and hesitated. Nilapitan ito ni Antonella saka

