Na-enjoy talaga nila ang pagtampisaw sa dagat. For a while, Dahlia felt free and relieved. Nakalimutan niya ang mga iniisip niya at tanging kasiyahan lang ang naramdaman dahil sa bagong experience kasama ang anak. Hinayaan na lang niya na naroon si Anthony para panatilihin silang ligtas. Nang medyo sumakit na ang init ng araw ay umahon na sila. Basang basa sila at dahil hindi naman siya naka proper swimming attire kung hindi naka-dress, binalot siya ni Anthony sa tuwalya dahil bumakat ang suot niyang underwear sa puti niyang dress. Bumalik sila sa villa para magbanlaw at magbihis. Nagpahinga lang sila saglit saka lumabas muli para sa lunch. As she expected, Margie was waiting for them outside to assist them. "Best time po talaga mag-swimming nang maaga tapos bandang mga alas-tres ng

