"Ang ganda naman ng pangalan mo, Ma'am Daneliya," saad ni Sunny. Napatuwid ng tayo si Dahlia. Something feels right when Sunny acknowledges her as Daneliya. Pakiramdam niya ay may parte sa kaniyang bumabalik kahit dahil lang sa maliit na bagay na 'yon. "Really? You think so?" aniya habang nakangiti. Tumango si Sunny bilang sagot sa tanong niya. "Daneliya na lang ang itatawag ko sayo, Ma'am, ha? Mas unique kesa sa Dahlia," pagdadahilan nito. Lalo siyang napangiti at tumango. "Sure, Sunny!" aniya sa magaan na boses. "Sige, babalik na ako sa villa. Nice talking to you. Thank you for your time!" marahan niyang sinabi sa receptionist. Sunny gave her a thumbs up. "Balik ka rito bukas. Chikahan ulit tayo, Ma'am Daneliya. Pag-usapan natin kung ano ang reaksyon mo kung sakaling makita mo s

