Napalingon si Daneliya sa pinagmulan ng boses na 'yon. It's indeed Evans. Her eyes widened. Galit na galit ang ekspresyon nito at malalaki ang hakbang na lumapit sa kaniya. Nang hilain siya nito ay saka lang siya binitawan ni Garett.
Evans held her face and examined her whole body. He saw the bloody scratch on her hand that Priscilla made. Ang buhok rin ni Daneliya na magulo at mukhang nasubunutan ay napansin nito. His face turned livid then he confronted Garett. Malakas nitong tinulak ang step-father niya, naghahamon ng away ngunit hindi man lang natinag ang lalake sa kinatatayuan nito.
"What did you do to her, huh?" Galit na galit na sinabi ni Evans. "Ano'ng ginawa mo sa fianceé ko, Garett!"
Napakurap si Daneliya at pilit na hinila palayo ang kasintahan sa walang kibo na si Garett.
"Evans, no! Hindi ito gawa ni Sir Garett. Please, stop. Umalis na tayo rito..." she said with a pleading voice.
Evans clenched his jaw saka dinuro sa mukha si Garett.
"Once I learn that you touch my woman again, papatayin kita Garett!" gigil na sigaw nito.
Garett just stared at his step-son then glanced at Daneliya. Nang mapansin iyon ni Evans ay tila lalo itong nagalit at aamba ng suntok sa lalake na di hamak na mas maganda ang pangangatawan at tindig sa kaniya.
With all her strength, Daneliya pulled Evans away from Garett.
"Babe, please!" she uttered.
Hindi niya mapigilan isipin na sa sitwasyon na 'yon na pareho si Evans sa ina nito na kapag galit ay walang ibang gustong gawin kung hindi manakit. As if they forget being civilized and just turn barbaric.
Mabuti at sa sandaling iyon ay nakinig si Evans sa kaniya. Hinila siya palayo ni Evans doon at naiwan sa sala si Garett na pinagmamasdan ang pag-alis nila sa mansion ng mga Alejandro.
Diretso silang sumakay sa kotse na nasa labas kung saan may driver na rin agad. Pag-upo nila sa backseat ay agad siyang niyakap ni Evans, puno ng pagkasabik. Daneliya closed her eyes and forced herself to calm down from the confrontation that just happened. Dahan-dahan niyang niyakap pabalik ang lalake.
"Are you okay?" Evans whispered tenderly. "Iba ang inaasahan kong madadatnan. Were you hurt?" he added.
Umiling si Daneliya habang nakapikit. She wants to tell him the truth, that Priscilla hurts her physically pero hindi pa siguro ngayon. Hinigpitan niya ang yakap sa kasintahan.
"Misunderstanding lang. But what's important is you're here, Evans. Hindi ka man lang nagsabi..."
Kumalas silang dalawa sa yakap ngunit magkalapit pa rin ang mukha nila. Evans touched her cheeks lovingly.
"Of course, I wanted to surprise you and Mom. Ang inaasahan ko ay nagdi-dinner kayong dalawa then iyon ang madadatnan ko. But what I saw is that jérk. Bakit ka ba niya hawak? Did he hurt you?" Agad nag-transition ang expression nito sa kalmado patungo sa galit.
Agad umiling si Daneliya at ngumiti saka hinaplos ang mukha ni Evans, pinapakalma ito.
"No, hindi niya ako sinaktan. Kalimutan na muna natin iyon." Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag iyon nang hindi mababanggit na si Priscilla ang may gawa no'n sa kaniya. "Let's focus on us. Miss na miss kita, Evans."
Evans smiled then caged her face in between his large palm. Magaan siya nitong hinalikan sa labi kaya napapikit si Daneliya, dinama ang halik ng boyfriend. But then, a weird feeling started to spread on her chest as he kissed her. Ang isang kamay ni Evans ay humaplos pababa sa leeg niya pababa sa balikat at mukhang tutunguhin ang dibdib niya.
Napamulat si Daneliya at iniwas ang mukha at katawan sa binata. Hindi niya mapigilan isipin kung ano ang nararamdaman niyang kakaiba. It is as if her gut is telling her something.
"Sumama ka sa akin, babe. Sa hotel muna ako mag-stay," he said softly.
Napakurap si Daneliya saka marahan na umiling. "Sorry, babe. Hinihintay ako sa bahay. I need to go home now."
Kumunot ang noo ng lalake. "Pero babe, I just got home from America. Miss na miss kita. Gusto kitang makasama ngayon. Please..."
Nginitian niya ang lalake at malambing na hinaplos ang pisngi nito. "Let's have quality time next time, okay? As much as I want to, hinihintay ako sa bahay, babe. At ikaw, you need to rest kasi ang haba ng biyahe mo. I am sure you're tired."
Evans sighed, his face looking defeated. "I wanna rest with you."
Niyakap ni Daneliya ang kasintahan habang nakangiti ngunit napawi rin iyon. May kakaiba pa rin siyang nararamdaman. "Babawi ako sayo," aniya, pilit na pinasaya ang boses.
Naramdaman naman niya ang excitement ni Evans. "Make sure, babe. I'll wait for that!" masaya nitong saad.
Evans dropped her off sa tapat ng bahay nila. Gusto nitong magpakita sa pamilya niya pero minabuti muna ni Daneliya na huwag dahil 'di niya alam ang magiging reaksyon ng Mama niya. Nahihiya siya na baka hingian nito si Evans. Kaya sinabihan niya na lang ito na next time na lang bumisita sa kanila at magpahinga na sa hotel na pananatilihan nito ngayong gabi.
Hindi agad siya nakatulog ng gabing 'yon. It was so unexpected na uuwi si Evans. She's beyond happy. Siyempre ay miss na miss niya 'to dahil five years ba naman silang hindi nagkita. She's been longing for his hug and finally, she's able to feel his embrace again.
Napawi ang ngiti niya nang maalala ang kakaibang nararamdaman niya kanina nang halikan siya nito. It's like, something is wrong. Nakagat niya ang labi saka humawak sa dibdib. Kinabahan lang kaya siya dahil ngayon niya na lang ulit 'to nakasama?
Kinabukasan ay maaga siyang nag-asikaso para hindi na siya mahuli sa pila ng libreng sakay. Pagdating niya sa hotel ay nabigla pa ang mga workmate niya na minsan niya lang nakikita dahil iba ang shift ng mga 'to.
"Ang aga mo, Daneliya. Sipag mo naman!" tukso sa kaniya ng isa.
She smiled. "Umiwas lang sa traffic," dahilan niya.
Pagdating sa locker room ay doon muna siya tumambay, kinain ang nabili niyang pandesal na binaon niya. Wala pang message sa kaniya si Evans, siguro ay tulog pa ito ngunit maya-maya ay tumawag ito.
"Good morning, babe. Where are you?" tanong nito.
Awtomatiko siyang napangiti. "At work, Evans. Pero hindi pa naman nagsisimula shift ko—"
Bigla na lang namatay ang tawag. Kumunot ang noo niya at napatitig sa cellphone niya. Nagkibit-balikat siya. Siguro ay may bigla itong gagawin.
Maya-maya ay dumating na sina Lindy at Edith. May dala pa nga na pagkain para sa kaniya ang dalawa na kinain din naman niya dahil nakakahiya naman kung tatanggihan niya pa gayong nag-abala ang mga ito na dalhan siya.
Maya-maya ay bumukas ang pinto ng locker room at dumungaw ang isa sa maintenance boy ng hotel.
"Daneliya, may naghahanap sayo," nakangisi nitong saad.
Kunot-noo siyang napalingon dito at napatayo nang sunod na dumungaw sa pinto si Evans.
"Evans?" Hindi makapaniwalang saad niya.
Her fiance flashed his charming smile. "Babe! Hi! Tara, ipinagpaalam kita, wala kang shift ngayon."
Napakurap siya. "Huh?" Lito niyang tanong. "Saan tayo pupunta?"
He smiled. "Let's have a date."
"Uhh... okay," aniya saka nilingon ang mga kaibigan niya na curious na tinitignan si Evans saka makahulugan na tumitig pabalik sa kaniya. Nilingon ni Daneliya si Evans saka inilahad ang mga kamay sa harap ng dalawang kaibigan. "Mga kaibigan ko pala, babe. Si Lindy at Edith."
Evans smiled. "Hello, Lindy... Edith. Nakekwento kayo sa akin ni Daneliya. Thank you for taking care of my fianceé. May dala pala ako para sa inyo."
Tuluyan na itong pumasok at inabutan ng tig-isang paperbag ang dalawa.
Napakurap si Lindy. "Ah, para saan 'to?"
"Just a small token of gratitude for taking care of my Daneliya."
Tumango si Edith at nginitian ang lalake. "Salamat. Nice to meet you, Evans," saad nito sa tonong civil lang.
Ramdam niyang hindi pa rin kumbinsido masyado ang dalawa sa kasintahan niya dahil nga sa mga naganap nitong nakaraan lang na alam ng mga ito.
"Let's go, babe," aya na sa kaniya ni Evans.
"Ipinaalam mo ba talaga ako? Is it okay if I leave now?"
Evans smirked at her. "Ako pa ba? Ninong ko ang may-ari nito, remember?"
Nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya bago sila tuluyang umalis. Paglabas nila ay dumiretso sila sa kotse ni Evans na walang driver na naghihintay. Mukhang si Evans ang magmamaneho ngayon ng kotse.
"Alam na ba ng Mom mo na narito ka na sa Philippines?" Tanong ni Daneliya habang sinusuotan siya ni Evans ng seatbelt.
Umiling ito at ini-start na ang pagmamaneho matapos no'n. "I wanna spend time with you first before going to her. Baka maging busy na agad ako once malaman niya. But maybe I should surprise her later, may birthday party siya. Punta tayo?" Nakangiti na saad nito.
Napakurap si Daneliya at agad umiling habang nakangiti. "A-ah, huwag na Evans. Mas mabuting ikaw na lang ang pumunta roon. Spend time with her na kayo lang, na hindi ako kasama."
Kumunot ang noo nito saka nilingon siya saglit. "Why? Dapat kasama ka, babe. She's your future mother-in-law..."
Mabilis siyang nag-isip ng dahilan. Ayaw niyang pumunta roon. Malala ang nangyari last night. Baka magkaroon pa ng eskandalo sa birthday party nito.
"Hindi rin kasi ako pwede mamaya, babe. Nagpapatulong sa akin si Dane sa school project niya and I already promised to him," pagsisinungaling niya saka binigyan ng ngiti ang lalake. "Marami pa naman next time. For now, kayo na muna. For sure matutuwa nang sobra ang Mom mo."
Evans nodded while his lips were pouting a bit. "Gusto sana kitang kasama ro'n but then..." he sighed. "I understand. Di bale, you're right. Marami pang next time. And bibisita ka rin naman talaga most of the time sa bahay because I'll stay there."
Alanganin na tumango si Daneliya. Isipin niya pa lang ay parang ayaw na niya agad pumunta roon. Na-trauma na yata siya sa pakikitungo sa kaniya ni Priscilla.
Dahil pareho naman silang nakapag-breakfast, dinala muna siya ni Evans sa isang boutique para bumili ng dress at sandals dahil nga nakauniform pa siya. It was a simple summer dress and three inch sandals.
Una nilang pinuntahan ay ang isang napakalaking museum na kabubukas lang. Ninong din ni Evans ang may-ari no'n. Daneliya realized how big his connections are. More likely, connections ni Priscilla. Ang binuo talaga nitong social circle ay mga alta, 'yung mahirap abutin. After that, they also went to a coffee shop. Do'n na sila nag-lunch dahil may mga heavy meals naman do'n like pasta, chicken, at iba pa.
Ang sunod naman nilang pupuntahan ay somewhere sa Tagaytay kaya lumabas sila ng Maynila. Habang nasa biyahe ay masaya silang kumakanta sabay sa music na tumutugtog. It suddenly stopped when Evans received consecutive messages then someone called him like it was urgent. Sisilipin pa lang sana 'yon ni Daneliya ngunit agad dinampot ni Evans ang cellphone na tila takot na makita niya.
"Babe?" she asked in shock. Suspicious ang naging galaw nito lalo na nang mapansin niya na namutla ito.
Evans acted like he checked it for a second then he turned off his phone.
"Work. Hayaan mo na. I don't want us to be disturbed."
Hindi nakakibo si Daneliya. Once again, that weird feeling spread in her chest. Natulala siya sa daan na tinatahak nila. Pakiramdam niya ay nawala ang energy at excitement niya. Hindi niya alam kung bakit but she's just feeling like something is wrong.
"Are you okay, babe?" Evans asked when she turned silent.
Daneliya shook her head. "Wala..." tanging nasagot niya dahil 'di niya rin alam kung may problema nga ba.
Pagdating nila sa Tagaytay ay binisita nila ang farm ng kakilala nina Evans. May field pa roon na puro bulaklak. She forced herself to enjoy the moment but she just couldn't.
Pinakilala pa siya ni Evans sa mag-asawang owner. She tried her best to converse with them happily.
"Ang ganda-ganda ng fianceé mo, hijo. Kailan ba ang kasal?"
Evans chuckled. "You're going to be notified about it, Tito Ken. Sana ay this year. Siyempre invited kayo ni Tita Nora."
Napapalakpak ang ginang saka hinaplos ang braso ni Daneliya. She just smiled and listened to their conversation at minsan ay nakikisali para hindi naman siya tila bato roon.
Nang pauwi na sila ay hapon na. Tahimik pa rin siya.
"Is there something wrong, babe? Parang iba ang mood mo..." puna ni Evans.
Umiling si Daneliya at pilit na ngumiti. "Wala 'to, babe. Pagod lang siguro ako."
Evans glanced at her. Mukhang hindi ito kumbinsido. Iginilid nito ang kotse saka tinanggal ang suot na seatbelt at lumapit sa kaniya.
"Are you sure?" he asked softly then caressed her cheek.
Daneliya nodded. Evans stared at her then he kissed her lightly. Dinama lang iyon ni Daneliya. Maya-maya ay nagsimulang maging sabik ang halik sa kaniya ni Evans. Then she felt that her seat was reclining. Kasunod noon ay ang paghawak ni Evans sa hita niya paakyat.
Iniwas ni Daneliya ang mukha at marahan na tinulak palayo si Evans.
"Babe, no..." aniya at inilayo ang sarili.
Evans tried her again but she pushed him away. Pabagsak na bumalik sa pwesto niya si Evans at natahimik. He looks so mad. Maya-maya ay napahampas ito sa manibela dahilan para mapatalon siya nang bahagya.
"Five years na lumipas, babe. Hanggang ngayon, ganiyan ka pa rin!"
Daneliya's eyes widened. "Seryoso ka ba, babe? Nasa labas tayo, ganiyan ang nasa isip mo."
He glared at her, his eyes are bloodshot because of anger. "This car is tinted!" saad nito na tila sapat na 'yon para pumayag siya.
Umiling siya. "No, Evans."
Napahampas ito ulit sa manibela, sunod-sunod habang nagmumura. Napasiksik si Daneliya sa pwesto niya sa kaba. Nang tinignan siya nito ay halos 'di niya na makilala ang lalake sa sobrang galit sa mukha nito.
"Baba," he uttered.
Napakurap siya. "What?"
"Get off the fcking car, Daneliya!"
"Pero Evans—"
"Son of a btch! Sabing baba!" sigaw nito at muling humampas sa manibela na tila gusto na rin siyang saktan.
Nang hindi siya nakakibo agad sa takot ay inabot nito ang pinto sa gilid niya saka siya inalisan ng seatbelt at halos itulak palabas. Nang tuluyan na siya makalabas ay humarurot paalis ang kotse ni Evans at naiwan siya sa gilid ng daan, sa lugar na walang katao-tao at hindi niya alam kung saan.
Evans really left her alone.