“KEIFER” YOU’RE wrong, Aeone. Hindi ka pangit. Maganda ka pero itinatago mo lang ang gandang `yon… Bulong ko sa sarili ko. Kung pwede nga lang na sabihin ko sa kanya iyon, ginawa ko na. Ngayon ay alam ko na—ako pala ang dahilan kung bakit ganoon si Aeone ngayon. Naawa din ako kasi ang tingin pala niya sa kanyang sarili ay isang pangit. Pati self-confidence niya ay nawala na rin pala. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang magiging epekto ng pag-reject ko sa kanya. Nakakakonsensiya tuloy. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat. Sayang… kung mag-aayos lang sana siya, magiging napakaganda niyang babae tulad noong mga bata pa lang kami. Balak ko pa naman sanang magpakita sa kanya bilang si Keifer pero umurong na ako sa balak na iyon. Hindi magandang plano lalo na’t man-hater pala siya. Haaa

