FIVE YEARS LATER… “Mommy, look!” Ipinakita sa akin ni Harley ang dalawa niyang kamay na tadtad ng stars. “Ang galing ko po, ‘di ba? Lagi po kasi akong nagtataas ng kamay at lagi ko pong nasasagot ang lahat ng tanong ni titser, Mommy!” Napangiti ako ng malapad. Kinder garten na ang anak ko at masasabi ko na matalino siya at bibo. Kamukhang-kamukha siya ni Uncle Hadley. "Talaga, Baby?" "Opo, Mommy!" Parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. Magandang lalaki rin kasi si Harley at talaga naman na nakuha niya ang alahat sa ama niya na hanggang ngayon ay hindi ko na alam kung ano'ng buhay na meron sila ng pamilya niya. Sa kasalukuyan ay masasabi ko na masaya ako at kontento dahil sa pagdating ni Harley sa buhay ko. Siya kasi ang dahilan kung bakit puno ng kasiyahan ang puso ko. Hindi na a

