Ngayon araw na ang kaarawan ni Uncle Hadley kaya ngayon na rin ang araw na sasabihin ko sa kaniya na nagdadalang-tao ako. Tatlong buwan na ang tiyan ko. Mabuti na lang talaga at maliit akong magbuntis kaya hindi masyadong halata. Ang mga positive results ng pregnancy test na ginamit ko ay nakabalot na. Excited na ako para mamaya. Excited na ako sa magiging reaction niya kapag naiabot ko na ang regalo ko. Sa kabilang bahay gaganapin ang magiging party niya. Sa katunayan nga niyan ay nauna na siya sa akin dahil nagpaiwan ako. Kanina kasi ay tinatamad pa akong kumilos kaya sinabi ko sa kaniya na mauna na siya. Halos thirty minutes lang naman akong maglalakad kaya medyo malapit lang. Nang sumapit ang alas-singko ng hapon ay nag-asikaso na ako. Mini-dress na kulay itim ang isinuot k

