Ilang araw ko nang napapansin na umaalis si Uncle sa gabi sa pag-aakalang tulog na ako at bumabalik siya bago pa man sumikat ang araw. Ang hindi niya alam ay gising ako sa tuwing umaalis siya at ganoon din kapag umuuwi siya. Sa tuwing umuuwi siya ay marami siyang pasalubong sa akin. Iyon siguro ang paraan niya para makabawi sa akin. Wala pa rin namang nagbago sa pakikitungo niya sa akin dahil maalaga pa rin siya at hindi ako pinapagawa ng mga gawaing bahay. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit umaalis siya ng hindi nagpapaalam sa akin. “Baby, wala na pala tayong masyadong stocks,” untag niya sa akin habang tinutupi ko ang mga damit namin na ipinalaba niya kay Aling Mildred. Sa sobrang busy niya sa kaaalis ay hindi na niya nagagawa ang mga trabaho rito kaya kumuha na siya ng tao

