Napabalikwas ako ng bangon sa ingay ng katok Mula sa kwarto, kong nasaan ako ngayon.
Nang mapag tanto kong Nandito parin ako sa condo kong saan ako hinatid ni kuya Erwin kagabi.
Kaagad kong tinungo Ang pinto para pag buksan kong sino Ang nasa labas.
Pag-buksan ko ay bumungad sakin Ang isang hindi pamilyar na muka.
"Goodmorning!!
bati Niya sakin sabay kurot ng pisnge ko.
napa kunot naman Ang muka ko habang nakatingin sa kanya.
"Naku girl Ang gandang Bride naman pala nito.
Anito at lumingon sa likod Niya.
may isa pang hindi din pamilyar na babae na ngayon ko lang napansin.
Sa Tanya ko ay halos mag kaidad lang kami.
Nanatili akong naka tayu sa harapan nila.
Maya-maya pa ay nag lakas loob akong itanong kong Tama ba Ang narinig ko na sinabing bride!
Ahm hello!
bati ko sa kanila.ngintiian lang ako ng isang babae na naka upo sa sofa habang Ang bakla naman ay nanatili sa harapan ko na naka ngiti din sakin.
Maari ko bang malaman kong sinu Ang ikakasal? seryoso na tanong ko sa kanila.
nag palipat lipat Ang tingin ko sa dalawa na nasa harapan ko.
"You mean! hindi mo pa alam na ngayon Ang kasal mo girl?anito at hinila naku paupo.
Halos walang boses na lumalabas sa mga bibig ko at nag patuloy parin sa pag sasalita yung bakla na hindi ko naman na pinapansin.
Wala sa sariling iniwan ko sila at nag tungo ako sa kusina para mag almusal.
Matapos kong mag almusal ay naligo naku.
pakiramdam ko manhid na manhid Ang buong katawan ko hindi ko akalain na ngayon pala mismo magaganap Ang kasal na napag-kasunduan namin ni Tito Dam.
Bumuntong hininga nalang ako at mabilis ng naligo dahil kinakatok na AKo ng bakla.
bilisan kuna daw dahil aayusanbpa Niya ako.
Inayusan nila ako ng babae na Kasama Niya kanina.nang matapos akong bihisan .
ay kaagad akong minik up-pan Habang pinag mamasdan ko Ang muka ko sa harap ng salamin suot Ang napaka gandang wedding gown ay hindi ko maiwasang maluha habang pinag mamasdan Ang sarili ko.
Napakaganda ko,Ngunit Masaya sana kong sa taong mahal ko ako makakasal.
At hindi sa ganitong sitwasyon.
Ni hindi ko man lang nakikita Ang muka ng mapapangasawa ko.
hindi ko din naman ito mahal panu ko ito pakikisamahan?ni hindi ko nga din alam kong anong klase ng lalaki ito.
Kong hindi lang sirugo nang yari Ang aksidente na naging dahil nang panga-nganib ng buhay nila mama at papa ay siguro wala ako sa sitwasyon na ito.
Namalayan ko nalang Ang pag tulo ng ma-init na luha Mula sa Mata ko.
Mabilis ko itong pinahid
baka biglang mairita Ang bakla na nag me-make-up sakin.
"Anu kaba naman girl dapat maging happy ka sa araw ng kasal mo.anito at nag patuloy na sa ginagawa.
ilang oras din akong inayusan ng bakla at nang matapos ay kaagad kaming lumaba ng condo.
hawak nilang dalawa Ang dulo ng gown ko.
Kaagad ko naman napansin si kuya Erwin na driver nila tito.
Nang mapansin Niya kaming palabas na ay kaagad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan.
Habang nasa sasakyan ako papuntang simbaham ay hindi ko maiwasang mag alala para sa kalagayan nila mama at papa.
Kaya kinuha ko Ang cell phone Mula sa sling bag na dala ko.at tinawagan ko si Tito Dam.
ilang sigundo lang ay kaagad naman itong sinagot.
"Hello iha,dumaan paku ng hospital. para kamustahin Ang lagay ng mga magulang mo.
at ayun sa doktor ay medyo bumuti na Ang lagay ng iyong ina at ama sa katunayan nga ay nag kausap na kami ng iyong ama Ang mama mo naman ay natutulog pa.
Naiyak ako sa sobrang kasiyahan ng marinig Ang ibinalita ni Tito Dam.
kaya hindi ko nanaman napigilan Ang maiyak.
sobrang mahalaga sakin Ang mga magulang ko kaya kahit sariling kaligayahan ko ay kaya kong itaya para sa knila.
"Iha susunod na AKo sa simbahan.
total malapit lang naman dito.
baka Mauna pa ako sa inyo ni erwin.anito
saka nag paalam na sakin at nag pasalamat naman ako dito.
Patuloy Ang pag Agus ng mga luha ko sa nararamdaman kong kasayahan para sa mga magulang ko.
at hindi ko na nga halos naisip na kasal ko ngayon sa kong sino mang nilalang ng lupa.
basang basa na Ang muka ko ng mga luha.pakiramdam ko din ay nasira na Ang make-up ko.
wala naman akong paki-alam sa kasal na ito Ang mahalaga ay Ang mga magulang ko.
Naramdaman ko na lamang na huminto Ang sinasakyan namin.
Kaagad namang umikot si kuya Erwin para pag buksan ako.
pag-ka baba ko ng sasakyan ay my lumapit naman saking babae.at inalalayan Ang dulo ng gown ko.
Habang nag-lalakad ako papasok ng simbahan ay hindi ko alam kong ano Ang magiging reaksyon ko.
dahil wala naman dito Ang isip ko.lumilipad Ang isip ko kong panu kaagad maka punta kila mama at papa.
para lang akong tuod na nag lalakad.
Hindi ko naman pinag tuunan ng pansin Ang loob ng simbahan kong ano Ang ayus ito o kong magarbo ba ito
dahil gusto ko nang matapos Ang kalukohang kasal na ito para maka punta na AKo kaagad sa hospital.
Dahil namimiss kuna sila mama at papa.
halos isang buwan din akong hindi nakakapag bakasyon sa kanila Mula nong mawalan ako ng trabaho.
kong di ko pa mabalitaan Ang nangyari kahapon ay hindi pku naka uwi.
Agad Naman pumako Ang mga Mata ko sa gwapong lalaki na naka-tingin lang sakin habang nag lalakad ako patungo sa altar.
na hindi ko makikitaan ng kahit anong reaksyon sa mga Mata.
Naka upo ito sa welchair.
ito na kaya Ang anak ni Tito Dam?
tanong ko sa aking sarili.
Ngunit kaagad naman nakuha ng atensyon ko. Ang pag lapit sakin ni Tito dam.
mabilis siyang naglakad patungo sakin.
Nakangiti siya sakin at inabot Ang aking kamay pinag salikup Niya sa kanyang mga braso.
at nag lakad kami sa kinaruruonan ng lalaking naka welchair.
Nang maka rating kami sa lalaking naka welchair,ay agad Niya akong pinasa dito.
"Meet my son iha!.siya ang nag iisa kong anak si ralf.
anito at bumalik sa pwesto Niya kanina.
Hindi ko naman maiwasan mailang sa lalaking ngayon ay hawak ko na Ang kamay.Patungo sa altar.
Dahil naka welchair ay sa kamay ko siya hinawakan.
habang tulak-tulak naman siya ng may edad na babae sa likuran.
Nang makarating kami sa altar ay lumuhod ako para mag kapantay kami ni ralf.
Mabilis natapos Ang seremonya ng pare.
nag palitan kami ng I do"tango lamang Ang kanyang nagiging ganti sa tuwing tatanungin siya ni father.
Hindi din pala ito nakakapag salita.maliban sa naka welchair ay hindi din maka-pag salita.
halos mag diwang Ang isipan ko sa mga nasaksihan ko.
dahil hindi naman pala nakakagalaw Ang mapapangasawa ko at baldato ito.
at hindi makakagawa ng mga bagay bagay na ginagawa ng mga mag Asawa.
Lihim pa akong nakangiti at nang mag angat ako ng tingin.
ay nakita ko sa Mata Niya Ang Saya.
ramdam ko din Ang pag higpit ng pag kahawak Niya sa kamay ko.
Narinig ko nalang Ang pag-sabi ni father na "YOU MAY NOW KISS THE BRIDE"
malakas naman nag hiyawan ang mga bisita na nasa likod namin.
Nang muli ko siyang harapin ay naka ramdam ako ng kong anung bara sa lalamunan ko.
Nakita ko Ang pag Agus ng mga luha sa mga Mata Niya.
oh my god!umiiyak siya mahina kong bulong.
"Kiss na !!
Rinig kong sabi ng isang bisita.
Kaya humarap ako sa kanya .
lumapit ako sa kanya para maabot Niya Ang labi ko.
Ngunit hindi naman pala ito nakaka-kilos.
hindi ako naka ramdam ng kong anong pagkailang sa lalaki.pakiramdam ko ay napaka lapit ng loob ko sa kanya para bang nag kakilala na kami sa nakaraan.
Sinulyapan ko Ang Gawi ni Tito Dam.sumisenyas siya ng kiss gamit Ang dalawa Niya mga daliri na ikinangisi ko.
Kaagad naman itong ngumiti sakin.
nakuha ko na agad Ang ibig sabihin nito at walang atubili na humarap ako sa lalaki at hinalikan ito sa mga labi.
Nakita ko naman Ang bahagyang pag pikit ng mga Mata Niya.
ramdam ko din Ang marahang pag buka ng mga labi Niya na ikinainit ng muka ko.
Amoy na amoy ko din Ang napaka bangong hininga nito.
Nang akmang Gagalaw Ang labi Niya ay mabilis akong napatayu.
sobrang bilis ng kabog ng dib-dib ko.
my kong anung mga paru-paru Ang nag lalaru sa tiyan ko ng maramdaman ko Ang halik ng lalaki.
Hindi ko maintindihan Ang ganitong pakiramdaman.
Na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.
halos namumula na din Ang mga pisnge ko.
Mabilis kong iniwas Ang tingin sa lalaki na ngayon ay naka upo parin sa welchair.
hindi naman siya gumagalaw dahil nga sa kalagayan nito.
Pero biglang napadako Ang paningin ko sa ibaba ng puson Niya.
pakiramdaman ko ay halos mabulunan ako.
Ramdam ko pa Ang pamimilog ng mga Mata ko. sa mga nakikita ko sa harapan ko.
na lalong ikina-pula ng pisnge ko.
Tama ba itong nakikita ko.bumubukol Ang harapan Niya?
tanong ko sa isip ko habang naka titig sa baba niya.
kaya mabilis kong iniwas Ang pangin sa parting iyon baka mapansin na AKo ng mga tao na nanduon.
Anu nalang Ang iisipin ng mga ito.
Baka isipin nila pinag nanasaan ko Ang baldodong lalaking ito.
pero inferness Ang gwapo gwapo Niya kahit baldado siya at mukang Ang yummy.
Napakagat labi nalang ako sa mga kalukohang naiisip ko .
sa harap pa talaga mismo ni father at sa loob ng simbahan.
Kaya wala sa sariling natampal ko Ang aking nuo.
Napansin ko naman angbiglang pag angat ng pang upo Niya baka sa gulat Niya sa lakas ng pag kakatampal ko sa aking nuo.
Matapos Ang naganap na kasal ay kaagad akong nag tungo sa hospital kong saan sila mama at papa naka admit.
ipinahatid naman ako ni Tito dam.kay kuya erwin matapos kong mag paalam na dadaan muna ako sa hospital.
pag-ka baba ko ng sasakyan ay mabilis akong nag lakad patungo sa room na sinabi sakin ni Tito .
naipalipat na daw Niya Ang mga ito .
pag bukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad na gising na si mama.habang naka ngiti sakin.
kaagad ko itong nilapitan at niyakap hinalikan ko din ito sa nuo.
Anong nangyari? tanong ko dito na umiiyak.
ngunit tahimik lamang si mama at Lalo pang humigpit Ang pag kakayakap sakin.
tinapik tapik ko naman Ang likod nito at hindi na nag tanong pa dahil naramdaman kong umiiyak na si mama. Ayaw ko naman na baka ma Trauma siya sa aksidenteng nangyari.Kaya minabuti ko nalang na wag na munang mag tanong dito.
ngunit nakakapag taka lang na walang ka galos galos si mama.
Mabuti nalang po at Wala kayung gaanong sugat Ma?.mahinang tanong ko sa kanya habang hawak hawak Ang mga pisngi Niya na ngayon ay basa na ng mga luha.
Tumango tango lang siya sakin.
kamusta po Ang pakiramdaman niyo mama may masakit po ba sa inyo?hindi ko maiwasang itanong dito pero tahimik parin siya.
.
Nang muli kong lingunin si papa ay halos madurog Ang puso ko sa nakikita kong awa sa kanya.
nakita ko kasing naka sabit Ang kaliwang paa ni papa at may naka tusok na stainless sa tuhod nito.
pakiramdaman ko napaka sakit niyon.
maya maya pa ay nakita ko na Ang pag galaw ni papa .
bakas sa mga muka nito Ang pag daing sa sakit na dulot ng bagay na nasa tuhod Niya.
binitawan ko muna si mama at linapitan ko si papa sa kabilang bed.
Papa bulong ko sa malapit sa tinga niya.nakita ko naman Ang pag mulat ng mga Mata Niya.
kamusta po Ang pakiramdaman ninyo pa!.
hindi ko na napigilan pa Ang pag tulo ng mga luha ko.sobrang awang awa ako kay papa.
Maya-maya pa ay napansin ko Ang pag bukas ng pinto.
linuwal nito Ang lalaking kanina lang ay pinakasalan ko.tulak tulak ito ng isang babae na sa tingin ko ay ito Ang nag aalaga sa kanya.
kasunod nito si Tito Damnyan.
lumapit samin si Tito at tinapik tapik si papa sa balikat.hindi ko naman nakitaan si papa ng pag kagulat ganun din si mama.naisip ko na malamang ay nagkakilala na sila kanina.
bago kasi pumunta ng simbahan si Tito ay dumaan pa ito dito.
kaya binaliwala ko nalang iyon Ang mahalaga ay ok na silang pareho.
nang lingunin ko si Ralf'nakita kong naka tingin lamang ito sa akin.
Nag iisip pa ako kong sasabihin ko ba kila mama at papa kong anu Ang napag kasunduan namin ni Tito .
Pero pinigilan ko baka mastress pa sila Lalo pag nalaman nila na kinasal na AKo nang biglan sa baldado pa talaga.
Pero panu ko ba maitatago i-naka suot pa nga pala ako ng wedding gown.
Mariin akong tumingala at napapikit.
"LIGAYA anak!tawag sakin ni mama.
kaagad naman akong lumapit dito.iniwan ko si papa at Tito dam.na ngayon ay nag uusap na.
bakit ganyan Ang ayus mo?mahinaho na tanong Niya na hindi ko nababakasan ng pag tataka sa mga muka.muli siyang tumingin kay Ralf.
Ngunit binalingan ko ng tingin si Ralf na ngayon ay seryoso nang nakatitig samin
binigyan ko ito ng malamig na ngiti dahil mukang mabait naman ito at naaawa ako sa sitwasyon Niya.
sa katunayan ay Wala naman akong ibang nararamdaman dito kundi awa.
senenyasan ko Ang aling.ag tutulak ng welchair Niya palapit samin.na kaagad naman nitong sinunud.nang makalapit samin ay kaagad ko itong ipinakilala kay mama.
Mama siya po si Ralf" at Ralf siya Ang mama tes ko.naka ngiti kong pag papakilala sa isat- isa.nanatili parin namang nakatingin si Ralf.
ganun din si mama na naka ngiti na ngayon.
Asawa ko po! ma.walang alinlangan na sinabi ko kay mama.nagulat nalang din ako sa lumabas sa bibig ko.ganun ko kadali tanggapin na Asawa kuna kaagad ito.
Nanlaki Ang mga Mata ni mama nang sabihin kong Asawa ko ito. at hindi na nag salita pa.bagkus ay pinilit niyang nilapit Ang mga kamay Niya sa nuo ni Ralf. bless Ang tawag doon.
pinakilala ko din si Ralf kay papa.ganun nalang Ang kasiyahan Niya na naka lag Asawa na AKo.
Masaya daw sila na nakapag Asawa na AKo .at sa anak padaw ng kaibigan Niya.
kong alam lang nila Ang dahilan kong bat ako naka pag Asawa ng baldo ewan ko nalang.