~KLEA POV~
*DINGDONG
*DINGDONG
Pagkabukas ko naman sa gate sa bahay ni Pauline ay si Aling Cely kaagad yung bumungad sa akin
"Magandang umaga po!" masiglang sambit ko at nagmano sa kaniya
Si Aling Cely kasi is, siya yung pinaka close ko sa lahat ng kapitbahay namin dito. Siya muna ang magbabantay kay Khiera ngayon. Siya din ang nagbabantay noon
"Magandang umaga din sayo" wika niya
"Pasok po muna kayo"
Pumasok naman siya...
…SA LOOB NG BAHAY…
"Pagpasensyahan niyo po talaga ah?! Kayo lang po ang maasahan ko dito sa kapitbahay natin. Upo muna kayo!" sambit ko at umupo naman siya
Nandito pala kami sa dining
"Ano ka ba Klea!. Okay lang sa akin yun!. Ako lang din naman ang mag-isa sa bahay namin!. Tsaka, nakakatuwa din yang anak mo!" dinig kong wika niya
Nagkuha kasi ako ng mainit na tubig para kapehan
"Ganon po ba. Pero, huwag po kayong mag-alala. Sabi ni Pauline kagabi, nakahanap na raw siya ng yaya ni Khiera" ani ko habang nilalagyan ng mainit na tubig ang tasa niya
"Bakit pa kayo maghahanap??! Nandito lang ako! Okay lang naman yun sa'kin!"
Umupo muna ako bago nagsalita
"Eh salamat na lang po Aling Cely. Need din po kasi nung babae ng trabaho" ani ko at binigay sa kaniya yung kape
"Sige. Naiintindihan ko. Sabihin mo dun sa babae ah, na bibisita din ako dito. Gusto ko din siyang maging kumare"
"Sige po! Makakaasa po yan!"
Nagsimula naman kaming kumain
Ilan sandali pa'y dumating na din yung anak ko at halata pa itong kagigising lamang
"Good morning mommy!" wika niya at niyakap ako
"Good morning din anak!"
Humiwalay namn siya sa akin
"Good morning po Aling Cely!" masiglang bati niya
"Good morning din sayo"
"Anak, samahan muna kitang manghilamos para kumain ka na din" ani ko at tumayo na
___
(~FAST FORWARD: SCHOOL~)
Nakarating naman akong ligtas sa paaralang ito
Wala pala si Pauline kanina kasi, maagang pumasok. Madami pa raw siyang gagawin
'Alam kong magiging maayos si Khiera sa pangangalaga ni Cely'
Pagkatapos kong ipakita ang ID ko sa guard ay nagsimula na akong maglakad ng biglang…
"MA FRIEND!!!" isang malakas na sigaw na mula sa likuran ko
Alam ko kung sino yun. Walang iba kundi ang best friend kong bruha
Heheheh
"Hoy ikaw!! Ang aga-aga nambubulabog ka na! Ang ingay-ingay ng bunganga mo!!"
"Sorry ma friend, hindi ka ba nasanay??"
"Nasanay. Tara na nga lang! Baka ma-late pa tayo neto eh!" wika ko at tinalikuran na siya
Hindi siya yung best friend ko noon ah?! Yung hiningan ko ng tulong?! Hindi siya yun. 1 year pa kaming mag best friend
(~FAST FORWARD~)
–CELINE POV–
Whazzz up everybody!! Im Princess Celine Aquino. 19 years old
Pareho kami ni Klea 19 din siya. But we still in Grade 10. Nahuli kasi ako sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay
Back to the story na tayo. Ayokong magpamala MMK sa inyo. Heheheh
*Bell rings*
Ay salamat at recess na!
Tumayo naman ako at lumapit kay Klea na papalabas na ngayon sa room
"O ma friend! Saan ka pupunta?! Mali kasi ang dinadaanan mo patungong canteen" wika ko. Nakita ko kasi. At may dala pa siyang mga bondpapers
"Taska, ano yang hawak mo?! Hindi ka pa ba magre-recess?!"
"Ah eto! Wala ito! May nag-utos lang sa akin na ipapabigay" aniya
"O sige. Magrecess ka muna ma friend"
"Huwag na! Hindi pa din kasi ako nagugutom. Mauna ka na lang!"
Nagtataka naman ako sa kaniya
"O sige. Ikaw bahala"
___
(~KLEA POV~)
Nandito na pala ako sa room ng mga college. Hinahanap ang Ethan na yun!. Bwesittt!! Hindi ko naman alam kung anong kurso niya
Haist! Mabuti na lang at magtanong
"Excuse po!!"
Nakuha ko naman ang atensyon nung tatlong lalaking nag-uusap
"Yes miss?!" ani nung isa
Nakita ko namang tinapik nung dalawa itong kausap ko
"Gusto ko lang po sanang magtanong. If, kilala niyo po ba si Ethan. Ethan Daniel Rivera po?!"
'Napakagalang ko 'noh?!'
"Bakit miss?! Anong kailangan mo sa pinsan ko?!"
Napalingon naman ako sa may gilid ko ng biglang may nagsalita
'Waahhh!!! My ghoodd!!! Apaka gwappoo!!!'
"Tol Gerald! Ikaw pala yan!"
Nasa harap ko naman yung gwapong nilalang
"May ibibigay lang po ako sa kaniya"
"Come with me. Sasamahan kita kay Insan"
___
(~ETHAN POV~)
Nandito ako ngayon sa canteen, umiinom lang ng softdinks na mag-isa
Ng biglang …
"INSAN!!"
Napatingin ako doon sa lalaking sumigaw. Si Gerald, yung pinsan ko
Agad naman akong tumayo at niyakap siya
Tapos, umupo din kami
"Hey bro! Anong ginagawa mo dito?! Kanina ka pa nandito?!"
"Bago pa lang insan. 45 minutes ago. And guess what?! Dito na ako mag-aaral sa paaralan namin"
"Good!" ani ko at ininom yung natitirang softdrinks
"By the way, kaya kita pinuntahan dito kasi. May naghahanap sayong babae"
"Huh?! Sino?!"
Tumingin naman siya sa likod niya
"Hey beautiful girl!!!" tawag niya kay Klea na bumibili
Yes. Si Klea yung naghahanap sa akin
'Ano naman ang kailangan ng babaeng ito??'
Lumapit naman ito sa amin. At pinaupo pa ni Gerald
"Eto na si Ethan oh! Anong kailangan mo sa kaniya?!"
Yung bitbit niya kaninang bondpapers ay nilagay niya sa harap ko
"Wait script ba yan?!" Si Insan
"Yes bro. May bagong movie ako. And, siya yung magiging partner ko"
(~KLEA POV~)
"Oh! Congrats sa inyong dalawa!" Ani Gerald
"Salamat Insan!"
"Uhhmm… Maiiwan ko na kayo. Yun lang naman ang pinunta ko dito eh! Para ibigay sa kaniya yung script" wika ko at tumayo
"Sge ah?! Paalam!"
Tatalikod na sana ako sa kaniya para maglakad na papalabas sa canteeng ito dahil ayokong makita ang pagmumukha ng Ethan'ng 'toh ng biglang…
"Wait miss…! I didn't know your name pa!"
Tumingin ulit ako sa kanila at nakatayo na si Gerald ngayon. Yan yung sinabi kanina diba?! Gerald.
"I am Prince Gerald Fuentes miss, and you are?!…"
Tumayo naman din si Ethan
"Klea Nicole Aguas. Klea na lang!" ani ko at tinanggap ang kamay niya na kanina pa nakalahad
…
…
'Myghood! Ang pogi niya ta's ang cute pa! Plus! Mabait pa!'
"Hindi pa ba kayo magtatanggal ng kamay?!"
Napabitaw naman ako sa kamay ko ng magsalita si Ethan
'Panira talaga ng moment itong lalaking 'toh!'
"Nice meeting you Gerald"
"You too! Klea. Nice name"
"Maraming salamat. Sige, mauna na ako sa inyo" ani ko at tinalikuran na talaga sila
Bago pa man ako makatalikod ng pagtingin ko kay Ethan ay, parang angry birds ang kilay niya. At nakatingin ng masama sa aming dalawa ni Gerald
'Anyare sa kaniya?!'
–END OF PART 6–