_________________________________
~CELINE POV~
"Celine??"
Lumingon ako dun sa pinanggalingan ng boses
SI Gerald pala ang tumawag sa akin…
Tumayo ako at naglakad ulit ngunit naramdaman ko namang sumunod siya sa akin
"Celine ano bang nangyayari sa iyo??!!. Hindi kita maiintindihan!. Ayaw mo'kong kausapin, yung mga tawag at texts ko Hindi mo sinasagot. Ano bang problema??"
Huminto ako at hinarap siya…
At naglakad ulit
"Baby ko naman!. Kausapin mo naman ako!. Pumunta ako sa bahay niyo para kausapin ka, pero palagi mong sinabing busy ka!. Kausapin mo naman ako plss!. Para maiintindihan kita kung bakit ka ganyan ngayon!"
Huminto ulit ako at hinarap siya
"Ano bang nangyayari sayo baby ko??"
"Anong nangyari Ge?? Itanong mo sa sarili mo?!!" singhal ko sa kaniya at naglakad ulit
"Huh?? Anong ibig mong sabihin??"
Napahinto naman ako dahil humarang siya sa dinadaanan ko
"Baby ko" naka pout pa niyang sambit
"Can you please stop calling me baby ko??. Mas lalo lang akong nahuhulog sayo eh!, alam mo ba yun?!!!"
Nagsimula nang mamuo ang tubig sa gilid ng mata ko
"Tapos kapag hulog na hulog na ako. Ta's, malalaman ko na lang na si Klea pala yung gusto moo!!"
"Saan mo naman Nakuha yan??. Hindi si Klea ang gusto ko"
"P*ta ka naman Ge!!. Huwag mo na akong gawing tanga paa!!"
Bahagya nang tumulo ang mga luha ko…
"Ge, alam mo. Paasa ka eh!. Umasa ako sa'yong hindi mo ako sasaktan. Umasa ako sayong hindi mo na ako papaiyakinn!!!. Kasi Ge, nag promise ka dba??. Saan na yung promise mo??"
Patuloy pa din ang mga luha ko
"Alam ko Ge na wala akong karapatang masaktan dahil walang tayo. Pero, DAMN!. Ito talaga yung nararamdaman kooo!!!"
Napayuko na lang ako sa kakaiyak
___________________________________
–GERALD POV–
Gustong-gusto kong yakapin ngayon si Celine, punasan ang mga luha niya and apologized to her. But I can't!
"Ge, sobrang sakit lang na makita kayong palaging magkasama. Nagtatawanan!, nagkukuwentuhan. Ok nga lang sa akin nung una, pero habang tumatagal. Nasasaktan na ako!"
Tumayo siya
"Celine" tanging na sambit ko
'Ito na nga yung sinasabi ko eh!. Nangyari na talaga ang hindi ko inaasahan!'
"Ge, mahal ko ang kaibigan ko. Mahal ko si Klea. Mas piliin ko na lang na masaktan ang sarili ko keysa masaktan siya"
Tatalikod na sana siya ng mabilis kong nahawakan ang mga kamay niya
At…
Hinalikan siya sa labi. Baka sa paraang ito, bumalik na yung dating Celine na kilala ko
Ng biglang…
Nakaramdam na lang ako ng may mainit na kamao ang dumapo sa bandang pisngi ko. Kaya nasubsob ako sa lupa
"Gasper!!"
'Gasper?? Sino yung lalaking yun??'
Hinawi ko muna yung buhok ko para masilayan yung lalaking nanuntok sa akin. At dali-daling tumayo
Medyo masakit yung pagsuntok niya sa akin ah?!
____________________________
–CELINE POV–
"Celine, bakit ka hinahalikan ng lalaking yan?!"
Nakita ko sa mga mata niya ang galit at alala
"At bakit ka tila galing sa kaiiyak??. Did he??"
Hindi ko naman siya sinagot. At binalingan ng atensyon si Ge, na nakatayo na ito
"Hey you!!. Who are you??" ani Gasper at tinuro pa si Ge
"Ikaw ang dapat kong tanungin nyan !!. Sino ka?? At bakit ka nangingialam sa amin ah??!"
"Ako si Gasper. Ex BOYFRIEND ni Celine" diniinan pa niya ang boyfriend
"Ex ka lang!. Ako yung bago!"
"Tsk! Wala akong pakialam!. Let's go na Celine!" sambit ni Gasper at lumayo na kami kay Ge
___________________________
–GERALD POV–
Bwesit na Gasper yun oh!. Siya ba yung lalaking iniyakan ni Celine noon?? Ang abnoy naman nun! Mas gwapo pa ako dun!
Susundan ko na sana sila ng may biglang isang tao na lumabas sa sulok. Si Tito Karl, siya muna ang namamahal sa school nato habang wala pa si dad
Teka… kanina pa siya dyan??
"Tito, kanina pa po kayo dyan??"
Palapit ito sa akin na ang dalawa niyang kamay ay nasa bulsa niya
"Oo ang sagot ko sa tanong mo. And I am glad to hear na, wala na kayo nung babaeng yun"
"Tito, katulad din pala kayo dad. Magkapatid nga talaga kayo"
Aalis na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita
"Hindi ako katulad niya Gerald!. Tayong dalawa ang pareho. Alam naman nating kung ano ang magawa niya kapag hindi natin masunod ang iniutos niya"
Tama naman siya
"Maiwan na kita. At tsaka, mag ready ka na din para bukas dahil dadating ang mommy at daddy mo. Pati na ang kapatid mo. May pa welcome back party dito sa school" sambit niya at nauna nang naglakad
___________________________
–ETHAN POV–
Salamat namn at wala ngayon ang plastik kong pinsan. Kaya its my time to shine noh?!. Pero paano ako magsisimula?? Hindi pa nga nawawala ang pagkainis ni Klea sa akin
Here she is. Mukhang kailangan niya ng tubig at pampunas. Nakita ko din si Reyna na may dala ngang tubig at towel, kaya pinigilan ko ito
"Uhm Reyna, puwede bang ako na lang ang magbibigay kay Klea neto??"
Ngumiti naman siya ng nakakaloka. Parang may something sa ngiti niya
"Ah okay Ethan!" aniya at ibinigay nga sa akin yung dala niya
Ngiting-ngiti naman ako papunta sa gawi ni Klea
.
.
.
"Ah Klea oh?!" sambit ko sabay abot
Tumingin naman ito sa akin. At nag-aalinlangan pang kunin
"Sige na! Kunin mo na!"
Kinuha naman niya ito at ininom kaagad ang tubig
Halata sa mukha niya na pagod na pagod na siya
Kinuha ko naman yung isang upuan. May uupo sana neto na isang staff. Bahala siya. Mas importante ang prinsesa ko
"Upo ka muna. Mukha kasing pagod na pagod ka"
Umupo naman ito tapos tumingin sa aking nakataas ang kilay
"Himala ka ata ngayon ah?!. Anong nakain mo Ethan at naging mabait ka??"
"Mabait naman talaga ako Klea"
…
_______________________________
–CELINE POV–
"So siya pala ang may-ari sa school nato" ani Gasper
Nandito na kaming dalawa sa canteen
"Tsk!. Wala akong pakialam!"
Tahimik lang ako dito. Naiilang pa din kasi ako na kausapim siya eh!
"Wala namang kayo ni Gerald diba?? Celine??"
"Ah oo"
___
"Uhm Celine??"
Iniangat ko naman ang paningin ko at tiningnan siya
"I'm so very sorry talaga for what I've done to you noon!. Sana mapatawad mo ako"
"Wala yun Gasper!. Past din naman yun. Past is past nga dba??"
"Yeah"
Ilang segundong tumahimik
"Uhm Celine?? Puwede na ba tayong makapagsimula ulit??"
"Ah… kasi… sabi ko nga diba. Pag-iisipan ko pa Gasper"
"Ah okay. Just like I said , I'm willing to wait"
Ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya
'Pano ba 'toh!. Ayoko namang paasahin siya!. Pero mas mahal ko si Gerald ngayon!'
'Lord, anong gagawin ko??'
–END OF PART 24–