Naging mailap na sa akin si Rino,maaga itong umaalis at minsan hindi ito umuuwi sa bahay,gusto ko mang sumbatan siya ngunit wala akong lakas ng loob na gagawin yun sa kanya,ang inaalala ko ay paano si Junior ang kinabukasan ng anak namin,hindi sapat ang pagtitinda ko ng kakanin para buhayin ko siya.Kung uuwi naman ako sa amin,tiyak magtataka ang mga magulang ko,ramdam ko pa na hindi pa nila ako lubos na napatawad sa maaga kong pagbubuntis at pagpapakasal,dismayado kasi sila lalong lalo na si Papa,malaki kasi ang kanilang expectation na makatapos ako sa pag aaral at matulungan ko si papa sa munti naming negosyo. Bakit ngayon pa ito nangyari sa amin ni Rino gayung mas guminhawa na sana ang buhay namin dahil may permanente na itong trabaho at malaki ang pasahod sa kanya ni pareng Gabriel. H

