Kinabukasan ay para bang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Siguro dahil naisip niya ang mga sinabi ko kagabi? “Ready ka na? Last shoot na natin ito ngayon tapos bukas pack up na tayo,” Si Vicky nang iayos pa ang buhok ko sa likod. “Itong shoot na ang dapat na may kasama ako, hindi ba?” tanong ko nang agad naman siyang lumapit sa akin at may ibulong sa tainga ko. “Ang pogi ng partner mo, Madam!” Sunod no’n ay kung tignan niya ako ay may pang aasar pa. “Aba’y syempre! Sinong kukuha ng pangit na modelo?” Iling-iling ko pang sagot sa kaniya. “Well! May iba’t-ibang mga models, Madam! Alam mo naman ang partner mo ang need lang ay katawan.” Sabay kindat pa sa akin. “Ikaw kasi ang bida sa shoot na ito. Dagdag lang ang partner mo syempre.” Nag-inarte ako na para bang tuwang-tuwa sa kani

