***XALENE's POV*** “Oh, bakit nakabusangot ka?” kaka-accept ko pa lang sa video call ni Corinne ay puna niya agad sa nakasandamukal kong mukha. “Wala lang akong tulog,” pag-amin ko. “At bakit hindi ka nakatulog? Akala ko ba’y ang komportable ng kinaroroonan mo?” Hindi na naaalis ang pagtataka sa kanyang mukha. Kung kailan ayaw ko sanang pinapansin ako ay ngayon pa nangungulit ang bruha. “Komportable nga. Ang kaso may dumating na impakto,” wala sa sarili na nahimutok ko tuloy. “Huh?” Natigil ang paglalagay ni Corinne sa mga labada niya sa washing machine. Ipinatayo niya sa kung saan ang cellphone niya kaya nakakapaglaba pa rin siya kahit na ka-video call niya ako. “Sinong impakto?” I rolled my lazy eyes. Tamad na tamad talaga ang pakiramdam ko na gumising kaya pati sa na sa pagsasali

