Maaga akong nakarating sa campus kaya tumambay muna ako sa bench na nakahiwalay sa karamihan. Naupo ako habang dahan-dahan na binubuklat ang notebook ng babae. Hindi ko talaga alam kung papaano ko siya muling makikita.
"Ash, bakit nag-iisa ka ? Doon ka sa ibang bench tumambay! Hindi naaarawan agad ang lugar na iyan, maaaring may mga ibang nalilang na na riyan!" Napalingon ako kay Ma'am Sheryl. Nakatayo siya limang hakbang ang layo sa'kin.
Tumayo ako at balak ko sana siyang kausapin pero nagmadali siyang umalis.
Naglakad na lang ako patungo sa cafeteria, pero ang isang maputi na babae ang nakakuha ng attensiyon ko. Nandito siya, baka hinahanap niya ang diary book niya! Hinabol ko siya hanggang sa likod ng Science laboratory.
"Miss, here is your notebook. Sorry if I dare to open it," wika ko at ini-aabot sa kaniya ang notebook.
"Wait, saan ka ba nag-aaral? Paano ka nakapasok dito? Buti pinapasok ka ng guard, mahigpit pa naman iyon," dagdag ko. Narinig ko rin siyang tumawa ng mahina, pero ayaw niya talagang humarap sa'kin.
"I'm Ashere you can call me Ash. What's your name by the way?" Mas lalo pa akong lumapit sa kaniya.
"ASH, ANONG GINAGAWA MO DIYAN?" Agad akong hinablot ni Gillian.
"Meet---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil wala na ang babae. Saan siya dumaan?
"What?" mataray na tanong ni Gill
.
"Metyo nagugutowm na atwo," wika ko.
Napatawa siya dahil sa inasta ko."Cute. Halika na nga!" aniya at inakbayan ako.
"Ash, here!" Nakangiti si Ken habang naka-upo sa paborito naming spot sa cafeteria
.
"Ay wow, si Ash lang ang nilibre mo? Ang daya mo talaga!" Hinampas ni Gillian si Ken at naupo.
"Bumili ka ng sa'yo, ang taray mo sa'kin eh!" sagot naman ni Ken.
"Oo na, hintayin niyo ako!" aniya at tumakbo papunta sa counter.
Napatitig sa akin si Ken at ngumiti ito. Pero napansin ko mula sa mga mata niya ang babae na nakaupo sa tabi kong upuan. Agad naman akong napalingon, pero wala na ito.
"Are you alright?" Hinawakan ni Ken ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya.
Tumango ako at uminom ng tubig.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin. Nanghihina ba ang pananampalataya ko kaya ako nagkakaganito? This feeling is so strange. That girl, bigla-bigla na lamang siyang nawawala!
Kumain kaming tatlo na masaya. Sinubukan kong kalimutan ang mga kakaibang bagay na nakikita at nararanasan ko.
"By the way may nasagap akong balita tungkol sa paaralan nating ito," biglang k'wento ni Ken.
"Ano ang tungkol dito?" Humarap ako kay Ken at gano'n din si Gillian.
"May mga nagpapakita raw dito na mga ligaw na kaluluwa," nakangisi na k'wento nito.
"Totoo ba iyan?" Umirap si Gillian na animo'y hindi naniniwala.
"Oo nga. Maniwala ka kasi!" Hinawakan ni Ken ang balikat ni Gillian.
"Paano mo napatunayan na totoo?" asik naman nito.
"Basta totoo! Gusto niyo mag ghost hunting tayo?" natatawa na turan ni Ken.
"Hindi sila totoo. Gawa-gawa lang ito ng mga imahinasyon nating mga tao. And after death, aalis ang kaluluwa ng tao rito sa lupa," sagot ko.
"Paano ang mga namatay na walang hustisya, tiyak hindi sila aalis ng basta na lang." Napalingon ako sa sumagot.
Lumapit sa'min si Justine at naki-upo. "Yes, I'm a Christian, pero naniniwala ako sa multo. Besides, tayong mga Christian ang lapitin ng mga tulad nila," dagdag pa niya.
"Why us? Paano sila makalalapit kung malakas ang pananalig mo sa Diyos?" Hinarap ko siya kaya gano'n din ang ginawa niya.
"Upang subukin kung gaano ka katatag at hanggang saan aabot ang tapang mo," tugon niya.
"So, ano naniniwala ka na Ash?" tanong ni Ken. " May kakampi na ako." Tumawa pa siya habang nakatingin ng diretso sa'kin.
Justine is my churchmate.
Anak siya ng Pastor namin, pero hindi ko inaakala na naniniwala siya sa mga bagay na iyan.
"Gosh, natatakot na ako! Ash, huwag mo akong iiwan ha!" Humigpit ang yakap sa'kin ni Gillian.
"Bakit sila nandito pa?" tanong ko.
"Seeking for justice," sagot ng babae na napadaan. Ngumiti ito at agad nang umalis.
"She's right," sang-ayon ni Justine.
"Transfer na tayo, natatakot na ako rito!" nanginginig na sambit ni Gillian .
"Don't act like that! Ang laki mo na ta's takot ka sa multo lang?" saway ni Ken. Tinapik ko na lamang ang balikat ni Gillian kaya kumalma na rin ito
Narinig namin ang bell kaya nagtungo na kami sa first subject namin. Pumasok kami na tahimik at nagpaalam na si Justine. Sayang nga dahil hindi namin siya kaklase.
"Gill, huwag mong intindihin ang sinabi nila. Hindi iyon totoo," bulong ko kay Gillian ng naupo na kami.
"Paano kung totoo? Ayaw ko na makakita ng multo!" aniya. Bahagya akong tumawa kaya kumunot ang kaniyang noo.
"They doesn't exist okay?" sagot ko. Tumango naman siya at umayos sa pagkakaupo.
Maya-maya ay may lalaking pumasok sa classroom namin. "Excuse me, maaari bang magtanong?" aniya. Tumango naman si prof at pinapasok ito.
"Nandito ba ang Principal ninyo?" aniya.
"Nasa ibang bansa si Mr. Miguel Edward Steller, maaaring sa susunod na taon pa siya babalik," sagot ni prof.
"Gano'n ba? Ang anak ko kasi simula kagabi hindi na namin makausap ng maayos. Ayaw na rin niyang mag-aral dito dahil may mga multo raw na nagpapakita sa bawat cubicles. How true is it?"
Kinalabit ako ni Ken, at nilingon ko naman siya. "Hinahamon kita. Mamayang gabi, magpunta tayo rito, just to prove that they are real!" aniya.
"Huwag niyo akong isasali. Wala akong gusto na makakita ng mga ganiyan!" Dumukmo sa desk si Gillian. Napahawak naman ako sa bag ko. Should I agree or not?
"Hindi iyon totoo. Walang multo rito, baka kulang sa tulog lang ang anak ninyo," sagot ni Prof.
Umiling ang lalaki at nagbuntong-hininga. "Sino ang may-ari ng paaralan na ito?" Lumingon siya sa'min. "Gusto ko siyang makita!" aniya.
Bago lang kami sa paaralan na ito, kaya wala kaming masiyadong alam. The thing we only know is, they offer low tuiton fee. Maganda rin naman siya, bago ang mga gamit, pati ang designs sa wall halatang bago.
"Our Principal is the owner of this school."
So, this school is a private one? Pero bakit hindi namin alam iyon. Ang akala ko ay isang public ang unibersidad na ito.
"Babalik ako, at kapag napahamak ang anak ko, irereklamo ko ang paaralan na ito!" asik ng lalaki.
"Hindi naman ang paaralan ang may kasalanan," biglang sabat ni Gillian.
"Ha?" taka kong tanong.
"Ang Principal ang may kasalanan, kaya mag-ingat ka!" Muli siyang dumukmo at hindi na umimik.
Kinalabit ko siya pero hindi gumalaw. Ano ang sinabi niya kanina? Parang may alam siya, pero paano naman niya nasabi iyon?
"Oy ba't ka nangingiliti?!" bulalas nito.
"Ano ang sinabi mo kanina?" tanong ko.
Kumunot lang ang kaniyang noo. "Sinabi kailan?" Nag-isip siya at napakamot sa ulo.
"Wala kang naalala? May sinabi ka kani-kanina lang,"sagot ko pero umiling lang siya.
"Wala nga sabi!" giit niya.
"Ash!" tawag sa'kin naman ni Ken sa'kin. Kababalik lang niya rito, marahil ay nagtunngo siya sa comfort room. At napansin kong wala na rin pala si Prof, siguro nasa faculty sila.
"Yes Ken?" tanong ko.
"Nakita kita kanina na papasok sa comfort room. Nakabalik ka kaagad?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako lumabas, at mas lalong hindi pa ako nagtungo sa cr. Nagbibiro lang siguro siya, o baka tinatakot niya lang si Gillian.
"I was not there. Nandito lang kami ni Gill," sagot ko, pero imbes na magulat ay tumawa siya.
"Hoy anong nakakatawa!" bulyaw ni Gillian.
"Wala, baka nagmalik-mata lang ako," sagot nito.
"Sorry guys, pero kailangan namin kayo i-dismiss nang maaga. Magbibigay na lang ako ng homeworks niyo for this subject." Nagsulat si Prof sa board, pero hindi gumagana. Umiling siya at kumuha na lang ng manila paper at doon nagsulat.
Nakita ko naman na natawa si Gillian. Hinawakan nito ang kamay ko at bumulong. "Demonyo sila!" Nagsitayuan ang mga balahabi ko at muntik ko pa siyang maitulak dahil sa sinabi niya.
"Hoy Ash, ba't hawak-hawak mo ang kamay ko? Saan na tayo pupunta?" tanong nito. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
Hinawakan ko ang balikat niya at nanalangin ako. Kakaiba ang nararamdaman ko. Hindi naman ako natatakot pero nagsisitayuan ang mga balahibo ko. Nagtaka naman sila Gillian at Ken sa ginawa ko, pero nginitian ko lang sila.
After copying our homework, lumabas na kami. Inakbayan pa kami ni Ken kaya lahat ng nadadaanan namin na mga babae ay nagbubulungan.
"Hey! Ash, p'weding makisabay?" habol ni Justine. Tumango naman ako kaagad.
"Mabuti iyan Jus, para may kasabay ang kaibigan namin. 'Di ba Ken?" nakangisi na wika ni Gillian. Tumango naman si Ken at siniko si Gillian.
"So, alis na kami Ash. Justine, ingat kayo!" paalam ni Ken at si Gillian naman ay kumaway.
Napalingon ako sa may gate pero napansin ko ang isang babae na masama ang tingin sa'kin. Tingin na para bang may nagawa akong mali. Ngumiti na lang ako sa kaniya at sumabay na kay Justine. Sumakay kaagad kami sa jeep.
"Ash, nakikita kita lagi pag umuuwi ka sa tuwing gabi na. Hindi ka nag-iisa," panimula ni Justine.
"Oo naman, hindi ako nag-iisa. Kasama ko si God!" nakangiti kong sagot.
"Maliban sa kaniya. Kasama mo siya lagi, hanggang sa pagpasok sa bahay niyo. May kapatid ka ba na hindi ko pa nakikilala?" aniya kaya nabigla ako.
Tumigil ako sa paglalakad. "Justine? Maliban kay Lord wala na akong inaasahan na maging kasama. Mag-isa akong umuuwi, at wala akong kapatid."
"Ah gano'n ba? Don't mind it halika na," aniya.
Ang bahay nila Justine ay kaharap ng bahay namin, pero ngayon niya lang ako nilapitan. Hindi kasi siya mahilig makipag-usap. Mahiyain kasi siya, pero siguro nag mature na siya kay Lord kaya lumabas na sa shell niya.
"Godbless, ingat ka!" paalam niya nang makarating na kami sa bahay.
"Godbless you too!" sagot ko at pumasok na.
Naka amoy ako ng mabango na pagkain. Papalapit ako nang papalapit sa pinto ay mas lalong lumalakas ang amoy. Hindi kaya umuwi na sila Mama at Papa?
Agad na akong pumasok at tumakbo patungo sa kusina. Pero wala namang nagluluto, wala ring tao. Napabuntong hininga na lang ako, marahil ay gutom na ako kaya kung anu-ano ang naaamoy ko.
Binuksan ko ang ref para maghanap ng lulutuin ko. Napansin ko ang dalawang pinggan na may laman ng prinitong itlog at mayroon ding monggo na paborito ko
.
"Wait, sino ang nagluto nito? May nagpunta ba rito? Sila Lola at Lolo ba? Pero bakit hindi nila ako hinintay?"
Kinuha ko na lang ang pagkain at dinala sa k'warto ko. Inilapag ko ito sa maliit kong mesa. After kong magbihis kumain na rin ako. Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain, nang biglang umalolong ang mga aso sa labas. I rebuke it, pero mas lumalakas lang ito.
Sumilip ako sa bintana, ngunit hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Am I just hallucinating? It can't be! Paano sila nakapasok sa loob ng bakuran namin? Paano?