HABANG PAPASOK ng kabahayan ay pinipilit ni Den na wag ipahalata ang pagkirot ng sakit sa kanyang ulo dahil sa hangover, hindi niya namalayang naparami ang kanyang inom. Ngayon ay pinagsisisihan niya ang ginawa dahil sa sakit ng ulo. Inayos niya ang suot bago taas noong naglakad papasok ng bahay nila ni Fourth. Mapait siyang napangiti dahil sa isiping iyon, hindi siya parte ng bahay na ito dahil alam niyang hindi siya ang totoong asawa kundi ang kanyang kapatid na si Demone. "Good afternoon ma'am." Bati ng guwardiya na agad niyang sinuklian ng ngiti. "Magandang hapon din." Ganti niya. Akmang mararating na niya ang bungad ng sala ng makarinig ng ugong ng paparating na sasakyan. Napairap siya ng wala sa oras dahil kilala na niya kung kaninong sasakyan iyon, kay Fourth. Hindi rin naman

