PEXUS HINDI SA PAG-IBIG umiikot ang lahat ng bagay sa mundo, iyon ang paniniwala ko noon lalo noong mga panahong sinubok ako ng pagkakataon. Simula bata ay naging abala ako sa iba't ibang training dahil gusto ng aking ama na sumunod sa kanyang yapak. Aminado akong halos lahat ng illegal na ginagawa ng samahan mula sa mga Gonçalvez ay walang tanong kong sinusunod dahil iyon ang tungkulin ng aming pamilya, ang paglingkuran ang mga Gonçalvez sa abot ng aming makakaya. I'm a bad man. Hindi ko itinatanggi 'yon, sa dami ng kasalanang nagawa ko sa mundo kahit siguro sa empyerno ay malabo akong tanggapin. When my parents died doon mas lalong nasira ang buhay ko, not literally but I am broken in the inside. Para akong patay na naglalakad at kumikilos ayon sa sinasabi ng utak ko but I am dead emo

