"SA TINGIN mo ba ang pagtalon diyan ang solusyon sa lahat ng kinakaharap mo ngayon?" Napalingon siya dahil sa baritonong tinig na iyon. "Sa tingin mo kapag tumalon ka diyan masasagot lahat ng tanong na gumugulo sa isipan mo? Hahayaan mo bang mawala ka na hindi buo ang pagkatao mo dahil sa mga lihim na matagal na itinago?" "Hindi mo ba gustong tanungin ang asawa mo kung ano nga ba talaga ang dapat mong malaman? I'm sure he will tell you anything, this is the perfect timing. Mr. Gonçalvez arrested after you run away, hindi siya pumalag dahil aminado siya sa mga nagawa niya. Sasayangin mo ba ang pagkakataon na kilalanin ang tunay mong pagkatao at kung saan ka nabibilang?" Napatitig lamang siya kay Volt Castillion na prenteng nakasandal sa pader na kinatutungtungan niya. He's calm and relax

