Tulala lamang si Demone kaya hindi niya namalayan ang muling paglabas ni Fourth sa banyo. Hindi mawala sa kanyang isip ang mga narinig tungkol sa usapan ng asawa't Senior Alvarez. "You're awake." Napakurap kurap siya at bumalik ang naglalakbay na isip ng maramdaman ang malambot na labi ng asawa sa kanyang noo at labi. "Lets go down stair I will cook breakfast for you." Tugon nito, hindi pa man siya nakakatayo mula sa pagkakasadlak sa kama ng bigla siya nitong buhatin na tila bata. Napayakap ang kanyang mga braso sa leeg nito habang ang mga braso't kamay ng huli ay nakasalo sa kanyang pang-upo. Napangiti siya ng ito mismo ang nagpulupot ng mga hita niya sa bewang ito. "Bakit mo ako binubuhat kaya ko namang maglakad?" napahigikhik na tanong niya dito. Nakangising kumindat si Fourth hab

