Kabanata 19 ALMOST KISS SCENE "Nabusog ka ba?" tanong ni Lucien sa akin pagkaupo namin sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam ang isasagot ko kasi paano ako makakakain ng maayos kung panay titig niya sa akin. Gosh, nakakailang kaya iyon. "H-Hindi ko po..." "Hindi mo nagustuhan ang pagkain sa restaurant?" agad na tanong nito. Hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita eh, sumabad na agad. "Hindi ko po alam ang isasagot ko po. Masarap po ang pagkain wala po akong sinabi na hindi po masarap," sagot ko agad. "Then what?" takang tumingin ito sa akin. "Eh, kasi paano ako makakakain ng maayos at marami kung bawat galaw ko nakatingin ka. Para akong priso dahil sa pagtutok ng paningin sa akin. Bantay sarado, hayyyy!" buntonghinga ko pa. Naiiling na natatawa itong tumingin sa akin. Amuse na naman

