Elara Pov "Umph!" ungöl ko. Pilit ko siyang inilalayo sa mukha ko. Pagod ako tapos papagurin niya rin ako. Kahit halik lang nakakapagod rin kaya ito. "I miss your lips, my sandwich," sabi nito habang magkadikit ang aming mga noo. Nagkikiskisan ang aming mga ilong na parang nahiya ang ilong ko sa tangos ng ilong nito. "Ang corny mo! Hindi ako tinapay, sir! Huwag mo akong tawaging ganyan!" simangot ko. Mahina naman itong tumawa. Kumalas na ako sa pagkakayakap niya sa akin, pero hindi niya ako pinakawalan. Narinig ko ang marahang pagbuga niya sa hininga bago bahagyang lumayo ang mukha niya mula sa akin. Pero nanatili pa rin ang noo naming magkadikit. Para bang kahit ang maliit na distansya ay hindi niya kayang tiisin. "Alam mong ang tagal kong hinintay 'to," bulong niya, punô ng em

