Kabanata 11 "Gift" Biglang nabuhayan ang inaantok na mga mata ni Ate Rose nang makita akong pumasok. Nasa foyer siya, nakaupo sa couch. She waits for me sa tuwing ginagabi ako sa lakad. Saka pa lang siya natutulog kapag nakauwi na ako sa bahay. Sila mommy kanina pa siguro natulog. Anong oras na rin kasi. Tinitigan niya ako. Malamang nagtataka siya sa ayos ko. "Good evening Ate Rose," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Baka kasi may mapansin siya na kung ano. At baka rin magtatanong pa siya. "Thank you for waiting for me. You can go to your room and sleep now." Sasamahan pa sana niya akong umakyat sa kwarto ko para maghanda ng pamalit o ng bathroom, pero pinilit ko na siyang pumunta na sa kwarto niya. I drew a deep breath the moment I closed and locked the door of my room. Parang ngayon p

