Kabanata 8

3205 Words
Kabanata 8 "Disaster" Sinabayan ko si Illias sa paglalakad. Ihahatid ko siya hanggang sa kanilang sasakyan. Uuwi na sila. It's late night already. Si Illiad ay nasa loob pa kausap si Daddy, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Malamang tungkol iyon sa negosyo. Hindi ko makuha kung bakit hangang-hanga si Daddy sa kanya. Magaling daw si Illiad sa negosyo. Hindi ko na mabilang ilang beses ko 'yong narinig sa bibig ni Dad. Gusto na rin yata ni Dad na gawing anak siya. Napa-ismid ako sa ideyang 'yon. Huminto kami nang nasa tapat na ng kanilang sasakyan. Isang itim na karaniwang sedan. Luma na 'to, ah. Sa dami ng kotse nila why would they pick this one? Nagsasawa na ba sila sa mga mamahaling gamit? Illias turned to me, lumagpas ang tingin niya sa akin kaya napasulyap din ako sa likuran ko. Nasa may pinto na si Illiad. Tumigil lang at mukhang may huling paguusap pa sila ni Daddy. Binalik sa akin ni Illias ang tingin niya kaya hinarap ko na ulit siya. "Thank you sa pagpunta... and sa gift," sabi ko. Ngumuso ako at bumuntong-hininga. "Paki sabi rin kay Tita that I love her gift... Uhm..." I badly want to ask him kung iyong camera galing din kay Tita, pero hindi ko masabi. I am hesitant at nahihiya rin. I don't even know saan nanggagaling ang hiya. I don't understand myself too for being so fussy about it. Isn't enough that I received a lavish gift from their family na hindi naman unang beses? They're very generous kaya nga minsan napi-pressure sina Mommy at Daddy. "Sure," aniya nang hindi ko na nadugtungan ang sinasabi. "Sige, I'll go back inside na." I waved my hand then turned my back. Nagsimula akong maglakad. Mabagal lang ang bawat paghakbang ko. My eyes flew to the main door. My eyes instantly fixed on Illiad na naglalakad na rin. Wala na si Daddy sa pinto. Nakagat ko ang labi ko nang magkakasalubong na kami. Malaki naman ang pathway, pero hindi ko magawang lumiko kahit kaunti. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko habang pabilis nang bilis ang pintig ng puso ko. Kusang huminto ang mga paa ko sa paghakbang nang nasa harapan ko na si Illiad. He stopped walking, too. Mariin na siyang nakatitig sa akin. It's very obvious dahil sa maliwanag na lamp post sa gilid lang ng pathway. "I did my consequence," na wika ko dala ng kaba. Tinaasan niya ako ng kilay bago humalukipkip. Yumuko pa siya. Dahil sa ginawa niya mas lalo niya lang pinapakita ang agwat ng tangkad namin. He is towering over me. I have been beside tall guys, pero hindi naman ako ganito ka uneasy. Lagpas na ata ng six feet ang height niya. He could pass as PBA player. "One month 'di ba? I did it. You can ask Mommy or Daddy if naggastos ba ako," sinubukan kong yabangan ang boses ko para maitago kahit konti ang kaba. I raised my chin para kunyari diretsong nakatingin sa kanya, pero sa ilong niya naman naka pirmi ang mga mata. He didn't said a word. Suddenly, I felt stupid bringing this up gayong isang taon na ang lumipas. For sure he doesn't remember it anymore. Embarrassment washed over me. Siguro napaka immature ko para ipagmayabang pa iyon sa kanya. Stupid, Rowin! The corner of his lips twitched. There's that evil and amused smirk again na laging nagpapa-irita sa akin. To save a bit of my face, umirap na lang ako at nilagpasan na siya. Gustuhin ko mang takbuhin ang papuntang pintuan pinakalma ko ang sarili ko. I walked with poise. Pumikit na lang ako ng mariin sa kahihiyan. Pinigil ko ang sarili kong lingunin siya hanggang sa makapasok ng pinto. I sighed and immediately ran for the stairs. Nasalubong ko si Ate Rose. "O, ingat baka madapa ka," paalala niya. I got inside my room and throw myself on the bed. Lumubog ang kama. My face landed on the soft mattress. I groaned and kicked in the air. Tumihaya ako at sinapo ang magkabilang pisngi. Sobrang init na para bang nabilad ako sa araw. Nang kumalma na ako napatitig na lang sa ceiling. What I did back there kept on replaying inside my head. Mas lumala tuloy ang hiyang nararamdaman ko. I should have shut my mouth! Pagkalipas ng isang sandali, I reached for my phone na nasa nightstand. I checked my social media notifications. Kapansin-pansin ang isa sa mga nag-friend request sa akin sa f*******:. Kayzer Eone Romualdez. Napatingin ako sa palapulsuhan ko kung nasaan ang bigay niyang bracelet. Suot ko pa rin. I returned to my phone. I clicked the notification icon to see his profile. Bumungad ang profile picture niyang naka-uniporme. Ang kanyang cover photo at picture kasama ang parents niya at mukhang kapatid niyang babae. Nag-scroll ako at napansing wala namang gaanong naka post sa wall niya... parang si Illiad at Illias. I shook my head nang maibalik na naman sa isip ko si Illiad. Bumuntong-hininga ako. I stopped scrolling and accepted his friend request instead. Pagkatapos ma-click ang confirm, binaba ko muna ang cellphone ko para tanggalin ang bracelet. I stood up and looked where I placed ang box nitong bracelet. Nang mahanap sa isa sa mga drawers, sinilid ko du'n ang bracelet. Tinali ko ulit ang ribbon. I returned the box kung saan ko 'yon nilagay. It's not really that fashion, although cute, kaya baka magamit ko lang iilang pagkakataon. Bumalik ako sa kama at humiga pagilid. Pinulot ko ang phone na nasa unan. I clicked may phone para umilaw. May message ako sa Messenger galing kay Kayzer. Kayzer Eone Romualdez: Hi. Naging malikot ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na magcha-chat siya agad. Kaka-accept ko pa lang sa kanya. I am contemplating whether to reply or not. Halata pa namang online ako. I might offend him kung hindi ako makaka-reply. So, I started typing my short reply. Rowin Phyllian Eduavez: Hello. Thanks for the bracelet, it's cute. Napatitig muna ako sa screen at ilang beses na binasa bago pinindot ang send. My message was immediately marked "seen." The icon now show's he is typing. May reply nga siya agad. Kayzer Eone Romualdez: Welcome. Glad you like it. I don't know what to say anymore. Nag-thank you naman na ako and he said, welcome, okay na siguro 'yon? Habang nalilito pa ako may bago ulit siyang message. Kayzer Eone Romualdez: Can I ask you out? Sunod-sunod na ang dating ng mensahe niya. Paputol-putol. Kayzer Eone Romualdez: Just a friendly coffee date Or manuod ng sine? Depende sa gusto mo. I panicked dahil hindi ko alam paano mag-react at ano ang dapat kong tugon. I read his message again para sana mapag-isipang mabuti ang reply ko. He sent another message, marahil nagtataka siya kung bakit ang tagal kong mag-reply. Kayzer Eone Romualdez: Hindi ka ba papayagan ng parents mo? Hindi pa naman ako kailan man nakapagpaalam kay Daddy to go out with a guy. Hindi rin naman kami lumalabas ni Illias ng kami lang. We see each other in events kung nasaan din ang parents namin. But I am sure hindi naman magagalit si Daddy if ever magpaalam ako ngayon. Hesitant lang talaga ako kahit gusto ko ang ideyang lumabas kasama si Kayzer. It's my curiosity again. Nagdadalawang isip ako dahil ngayon ko lang siya nakilala. I just know his name and as my schoolmate. Papayag ba ako? Dati naman kasi, I was asked to go out. Iyon ngang kaklase ni Illias, but I was young back then at isa I knew the guy as one of the biggest jerk in school kaya madali lang balewalain at tanggihan. I can't deny, I am bit interested in Kayzer. Siguro nga curiosity na rin. Dahil hindi ko magawang mag-decide tumawag ako kay Khloe. Naiwan ko ang conversation namin ni Kayzer. Hindi ko rin naman alam ang tamang isasagot. Khloe picked up my call. Masaya agad ang bungad ng boses niya. Mukhang may magandang nangyari maliban sa graduation namin ngayong araw. "I have something to ask," inunahan ko na siya bago pa siya makapag-simulang magkwento. Matatagalan akong makakapag-reply kay Kayzer nito. "Ano 'yon?" "Kilala mo si Kayzer Romualdez na taga kabilang section?" "Oo, ka-chat ko nung second year 'yong kaibigan niya. Bakit, ano'ng meron?" "Uhm..." I sighed. I need to tell her the whole story. Ayaw ko sana, but... "Kasi inaaya niya akong lumabas. Papayag ba ako?" Naitanong ko rin pagkatapos sabihin ang nangyari kanina after ng graduation rites. She laughed rudely. Napakunot ang noo ko. What's so funny? Kung tumawa siya para siyang kinikiliti sa sole niya. "Khloe, I am asking you. Ano ba?!" Huminga siya ng malalim at itinigal na ang nakakainis niyang tawa. "Bakit ka naman sa akin nagtatanong? If you wanna go out with him then say, yes. Kung ayaw mo naman tell him na ayaw mo." "I just knew him." "So, what?" "Isn't off?" "Ang alin?" "Kasi..." I can't really organize my thoughts. Ito namang si Khloe mukhang hindi naiintindihan ang punto ko. She is a go-getter. Ako rin naman, but it's only applicable on material things. This is a different case. "Do you want to go out with him, Rowin?" "I want... to try." "Then go. See for yourself. Just try," susug niya sa akin. "You're sixteen, Rowin, date a lot." I drew a deep breath. "It's just a friendly date," pagka-klaro ko. "Tss. Friendly, my ass. No guy would ask you out just to be friends with you." She speaks like an expert. Malapit niya na akong ma-convince. Sa aming dalawa siya ang may strict na parents pero mas marami pa siyang experience sa akin. "O-okay." "Now, that's nice. You want some tips?" Even if I can't see her, I can visualize her haughty smirk. "Not now. Wala pa naman siyang sinabi kung kailan." I cut our talk and went back on Kayzer. Nagaalangan na akong mag-reply dahil ang tagal naming nagusap ni Khloe. Nawala na nga ang binubuo kong sentence kanina sa isip ko bilang reply. Rowin Phyllian Eduavez: Kailan ba? I'll ask permission kay mommy at daddy first. I send it. Hindi ko na kailangan maghintay. Nagta-type na siya agad. Naghintay ba siya? Kayzer Eone Romualdez: Sa Monday sana. Rowin Phyllian Eduavez: Okay. I'll chat you kapag payag sila Mommy. Kayzer Eone Romualdez: Sure. Sure. Sunday lunch na ako nakapag-paalam kina mommy. Nagmamadali kasi sila tuwing breakfast. Tulog na ako tuwing umuuwi sila sa gabi. Hectic ang schedule nila this days. Also, hindi ko alam paano magpaalam. This is the first time. Medyo nahihiya ako. Kung paghingi ng pera o pagpapabili ng gamit, ang dali lang naman. "Dad, can I go out with a friend bukas?" Napatingin silang dalawa ni Mommy sa akin. "Sinong kaibigan?" "Remember the guy at the graduation, Dad? Siya po." He shifted her gaze to mommy. Para silang nag-uusap sa mga mata. Nagkibit-balikat si Dad as if it's no big deal. Mommy just smiled. "Where are you two going?" "Sa coffee shop po, Dad, and maybe movie sa cinema?" Tumaas ang kilay niya pero wala namang sinabi. It's still a yes. Good thing wala na silang ibang tanong. I am not prepared pa naman. Dahil pinayagan na ako, I was kind of excited sa pagpili ng susuotin. I am confused on what to wear kaya kahit ayaw kong kay Khloe kumunsulta, wala akong pagpipilian. I am so sure she has a lot to say. Unnecessary things. Nag-video call ako sa kanya after I texted her. "Don't be so... so sosyalera!" aniya nang ipakita ko ang mauve dress ko. It's new. Galing Hong Kong pa 'to. "Just be casual! 'Yong hindi obvious na pinaghandaan?" I sighed. "Ano ba dapat?" Naka-ilang damit na rin akong pinakita sa kanya. Wala pa rin siyang mapili. "Just wear jeans. You can never go wrong with that." "Hmm... Tumango ako. I ran to my cabinet where my jeans were placed. Naghanap ako sa hanay ng mga lighter color. Pumili ako ng tatlo at dinala sa harap ng monitor ng mac. Pinakita ko sa kanya isa-isa. "Second one," Iyong highwaist na may minimal rip ang pinili niya. "Pair it with a crop top." We finalized what I am going to wear and look for tomorrow. Doon natapos ang gabi ko. Hinatid ako ng driver sa mall kinabukasan. It's 2:15 in the afternoon. Sa kupad kong kumilos late ako ng 15 minutes. Na sa napagkasunduan na naming coffee shop ni Kayzer. Tinulak ko ang glass door at pumasok. I gracefully turned my head to look around. Dahil konti lang ang customers, nakita ko agad siya. I walked with my face held high. Dama ko ang paglalakad ko dahil sa suot na heels. I am wearing a jeans and plaid crop top na may flounce sleeves. Nakasabit sa balikat ko ang bigay na bag ni Illiad. I find it perfect match for my attire today. "Hi," I greeted Kayzer. His expression is the same noong graduation. Kabado pa rin siya. "Akala ko nagbago na isip mo," he laughed a bit. I smiled nang pinaghila niya ako ng upuan. "Ano bang gusto mo? Ako na mago-order. Sumulyap ako sa menu board. "Frappuccino Java Chip." "Anything else?" parang nagulat siya na iyon lang ang akin. Tipid akong umiling at ngumiti. Iniwan niya na ako para mag-order sa counter. I looked around once again. I am surprised of my calmness. I fished for my phone. I'll just text Mommy na nandito na ako. Hindi nagtagal bumalik na si Kayzer. Umupo siya sa katapat kong silya. He's wearing his awkward smile again. Napatitig ako sa kanya. Nakasuot siya ng puting collared shirt. He looks neat. Medyo pormal ang dating niya. I am quite confused kung bakit iba ang dating niya kay Illiad. When Illiad's wearing a collared shirt it looks casual on him. Agad ko ring napagtanto ang pinagkaiba nila. Loose tingnan ang kay Kayzer while Illiad fits his lean shoulder and chest. I groaned inwardly. Why would I compare them? Illias is way older! At bakit siya pa ang pinagkumparahan ko why not Illias? "So..." he drawled. "How are you?" "I am good. Been doing nothing. Sa bahay lang. Ikaw?" I decided to talk more dahil nabo-bother akong kabado siya sa harap ko. He seems unsure in his movements and words. "Ganoon din." "Saang school ka magco-college?" i decided to throw another question nang hindi na siya naka imik. "Ateneo. Computer Science." I nodded. He was about to ask me nang tawagin na ang pangalan niya. Kaya tumayo na siya at kinuha ang order namin. I sighed a bit. I understand na nahihiya siya, but can he talk more? Nagsisimula na akong makaramdam ng regret sa pagpayag ko. And I feel bad about it. I know naman he is trying pero kasi... My thoughts buffer when I saw who's entering the café. Siguro nanlalaki pa ang mga mata ko. I blinked. I even squinted may eyes para lang masiguro kong sino ang kapapasok lang na customer. It's Illiad. Kasama niya si Illion. Hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong magtago. Ayokong makita niya ako. Now, I am really wann leave. Yumuko ako. Mabilis ang pagkuha ko sa phone ko sa loob ng bag. "Rowin are you okay?" tanong ni Kayzer. Nakabalik na siya dala ang order namin. He carefully placed my cup of frappuccino before going back to his seat. "Are you sure iyan lang sa'yo? I can order again.". "This is fine... Uhmm..." Napasulyap ako sa counter. Kasalukuyang nago-order sila Illiad. "Okay na 'to..." Napasimangot ako nang matantong pinaka malaking cup ang in-order niya. Hindi ko 'to mauubos. Mabuti naman at nagsimula na siyang magkuwento. But I am not really paying attention. Distracted ako. Ang nasa isip ko na lang kailan kami matatapos dito. I sipped on my drink. Naging sunod-sunod nang mapansin ko ang pag-upo ng dalawang tao sa side namin. I almost choked. Napa-ubo ako kaunti. Naalarma si Kayzer kaya mabilis akong inabutan ng tissue. I am sure sila Illiad 'yon. Sa dami ng bakante bakit tumabi pa sila. Did they notice me? Gustong-gusto ko ng tumayo. Kung kanikanina pa kami rito, aayain ko agad na umalis na si Kayzer. Hindi na ako mapakali sa upuan ko lalo na nang marinig ang tawa ni Illiad. Why is he laughing? "Rowin?" Napakurap-kurap ako. "You were asking?" wala ako sa sarili ko. "Itatanong ko sana kung may gusto ka bang movie na panoorin. I've searched what are the new released films na showing dito." I swallowed hard. Hindi ako sigurado kong tama ba ang pakiramdam ko na may nakatingin sa akin... sa amin. I uncomfortably, shifted on my seat. Damn! What's happening to me? "May gusto ka bang panoorin natin?" "Huh?" Kumuyom ang kamao kong nasa lap ko. Muli ko na namang narinig ang tawa ni Illiad. Ano'ng nakakatawa? Gusto ko silang lingunin. I am being paranoid na ako ang pinagtatawanan niya. I composed myself. Tuwid akong umupo. Nakabuo na agad ako ng pasya. This may be rude, but I am not enjoying this anyway. "Kayzer..." "Bakit?" "I forget to tell you na—" "Phyllian," tawag sa akin ni Illiad. Napalingon ako sa side nila. Agad ko ring pinagsisihan. Bakit ako lumingon? The assholes' smirking. Si Illion ay blanko lang ang expression habang sumisimsim sa tubig niya. "Having a date?" He stood up. Napabaling ako kay Kayzer na nakatingin na rin kay Illiad. Look at this jerk. What does he think he's doing!? Lumapit siya sa table namin. "Suitor or boyfriend?" Tiningnan niya si Kayzer. Kung makatingin siya para niyang nilalait ito. "Were just friends," agap ko. "Friends. Hmm..." "What's your name boy?" Aba't! "Kayzer p-po... Sir." Illiad chuckled. Mas tumalim ang tingin ko sa kanya. Damn Illiad! "Sir?" umiling si Illiad. "So, do you like Rowin? Are you courting her?" "Po?" namilog ang mga mata ni Kayzer "Kayzer, don't mind him," iritado kong sabi. I glanced at Illion wala talaga siyang pakialam. Can he stop his annoying and stupid brother? May umingay na cellphone. It's not mine based on the ringing tone. Inilabas ni Kayzer ang phone niya. He was panicking. Malamang dahil kay Illiad. "Excuse me," aniya at tumayo. Sinagot niya ang tawag. Lumayo siya. "What are you doing?" I leered at Illiad. "Bakit ka ba nakikialam?" "That guy's pursuing you?" sabi niya. Parang hindi niya narinig ang sinabi ko. "So, what?" His lips protruded before he shook his head. "So you're fine dating a coward?" "What?" He shrugged his shoulder and went back on his seat na parang walang nangyari. Naagaw ang atensyon ko sa pagupo ni Kayzer sa silya. "I really need to go. I am so sorry, Rowin. I-I don't know how to explain this, but..." Balisa siya. "It's okay," sabi ko. "Are you sure? Susunduin ka ba? Puwede kitang ihatid..." He flinched. Pulang-pula ang mukha niya. He looked really embarrassed. Napakunot ang noo ko. "It's fine. You can go." Tinitigan niya ako. He sighed then looked at his phone na may tumatawag ulit. "I am really sorry," he said feeling defeated over something. I watched him leave the café. This is a disaster. This is my supposedly first date, but it's ruined. But despite being disappointed, I feel a bit lighter na natapos na. "Tinakbuhan ka?" I turned my head and glared at Illiad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD