Kabanata 16 "Big" I am not sure how I managed to pickup my clothes, put in on, grab my bag and left that unfamiliar motel while still trembling. Patakbo akong lumayo sa lugar na 'yon hanggang sa makakita ng masasakyan. Huminto ang jeep dahil hindi na raw sakop ng kanyang ruta. Pinababa ako. Wala sa sarili, I just picked a bill on my wallet at inabot ang bayad. Bumaba na ako. Tinawag ako para sa sukli ko pero tuloy-tuloy na ang takbo ko. I just want to go home. Hinarang ko ang padaang taxi kaya huminto ito. Nanginginig ang labi ko habang sinasabi ang address ng bahay namin. "Naku, pasensya na, Miss, ang layo." Bumaling ako sa bag ko at kinuha ang lahat ng natitirang pera. Hindi ko na binilang. Inabot ko sa driver lahat. Agad kong hinila ang kamay ko hindi paman tuluyang nakukuha ng

