PAALAM

1874 Words
Ang chapter na ito ay pasilip sa susunod na kuwento na ang pamagat ay 'Dimasha's Luna'. Inenjoy namin ni Apollo ang pag-sstay sa Japan hanggang sa maka-balik kami sa Pilipinas. At nang maka-uwi kami labis ang saya ng buong team dahil tapos na pero ako.... Umiiyak. "LUNAA!!!!!!!!" malakas na sigaw ni Dimasha ang nagpabulahaw sa loob ng condo ni Luna. "L-luna" umiiyak na sabi ko habang naka-tingin sa kaniya na yakap-yakap ni Dimasha. "LUNAAAA" at hindi ko na napigilang hindi sumigaw hanggang sa mapaluhod ako. Tinapos niya nga lang yung shooting. Niyuyugyog siya ni Dimasha para gumising pero hindi na nagigising si Luna. "Luna.... Gumising ka... G-gumising ka..." Umiiyak na sabi ni Dimasha. "LUNAAAAA!!!!" dahan-dahan akong lumapit kay Luna at hinawakan ang malamig niyang kamay. "Nanaginip ako.... Sumigaw si Dim habang hawak ang malamig na katawan ko....Pakiramdam ko.... Pag-tapos ng shoot na'to.... Iiwanan ko na si Dim" "N-natalo na naman tayo.... Nakakapagod na Luna.... Lunaaaaaa... " At dahan-dahang binitawan ni Dimasha si Luna at inihiga ng maayos sa kama nito at ako naman ang yumakap sa katawan ni Luna. Lumuhod siya sa santong nasa table sa gilid ng kama ni Luna. "Sa ngalan ng Ama..... Ng A-anak" umiiyak na sabi ni Dimasha. Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi niya at umiyak na lang habang yakap si Luna. "Nagawa mo.... Natapos mo yung shoot, Luna... Proud ako sa'yo" umiiyak na sabi ko at hinalikan ang noo niya. Nang maka-labas may dumating na ambulansya at kinuha si Luna. Bawat madaanan ko ang bukang bibig ang pagkamatay ni Luna. Bawat building na may TV na napanuod ko pagkamatay ni Luna ang nakikita. Bawal tao na nadadaanan ko pagkamatay ni Luna ang binibigkas. "Luna... Daya ka" napa-luhod ako sa sakit na nararamdaman ko na ang bestfriend ko patay na sa harap ko. Bumuhos ang isang napaka-lakas na ulan. Na tila lubos din itong nagdadalamhati. Dinamdam ko ang buhos ng ulan kasabay ng pag-tulo ng luha ko. "Ang parusa na kahit kailan hindi matatakbuhan nino man.... Ang parusa ng kamatayan na naka-kabit na sa buhay ng tao" umiiyak na sabi ko at tumayo. Isang malakas na kulog ang narinig ng lahat na nakapag-bigay takot sa iba pero lungkot aa akin. Tinitigan ko ang kalangitan at umiyak. Nang maka-rating ako sa bahay namin mabilis na niyakap ako ni Tiyang. "Smile.... M-magiging maayos din ang lahat...." "Tiyang.... Si Luna yun.... Si Luna yun.... Kinuha na nila si Luna.... Tiyangg!!!" Halos pasigaw na sabi ko. "Kaibigan ko yun...." Patuloy pa din akong umiiyak habang inaalala ang mga pinagsamahan namin. ** Apollo"s "LUNNAAAAAAAAAA!" isang malakas na kulong ang narinig sa kalangitan. Ramdam na ina ang kalungkutan ni Dimasha. "Kapatid" hindi na ako nagulat ng bumaba galing sa kalangitan ang mga kapatid ko. Tinitigan niya si Luna at niyakap muli. "Alam mo.... Evria tama ba ako?" Nalulungkot akong makita ng ganito si Dimasha. "D-dimasha" "Alam mo... Alam niyo ni Sakria tama ba?.... Alam niyo lahat na nasa kalangitan ang mangyayari...." Galit na sabi ni Dimasha habang pinagmamasdan ang katawan ni Luna. Nang bumukas ang pinto ng kalangitan mabilis na lumuhod kami nang makita si Ina. "Ako si Ina... Ang Ina ng lahat at ng buong kalangitan" malungkot na sabi niya dahil walang kahit sino man na ina na gustong makita ang kaniyang anak na nasasaktan. "Ay tinatanggal na ang parusa.... Sa Anghel na si Dimasha na simbolo ng pag-asa" Tinatanggal? Nagkatingan kaming magkakapatid ngunit si Dimasha ay naka-titig lamang kay Luna na wala ng buhay. "Patawad ina sa pag-tutol sa inyong salita ngunit sa aming alam na mahihinto ang parusa kung pipigilan ni Dimasha ng anghel na simbolo ng pag-asa ang pagkamatay ng kaniyang minamahal na si Luna" lakas loob na tanong ko. "Patawad ngunit... Ngunit mali ang akala niyo. Matatanggal ang parusa kung bago mamayapa si Luna ay alam niya ang nangyari sa kanila ni Dimasha" napatingin si Dimasha kay Ina. "A-anong ibig niyong sabihin?" Kinakabahang sabi ni Dimasha. "Ang parusa ay naka-patong kay Luna.... At hindi sa'yo anak ko... Humiling si Luna sa kalangitan na huwag kang parusahan at siya na lamang" "A-ano?" -Dimasha. "Ang parusa ay mawawalan siya ng buhay sa harap mo at matutuloy yun sa tuwing mabubuhay siya na hindi maaalala ang pagmamahalan niyong dalawa... At ngayon... Natanggal na ang parusa mo" "I-ibig sabihin.... Matatanggal ang parusa ko... Kapag naalala ni Luna ang pagmamahalan namin na matagal ng panahon bago siya mamatay?" Tumango si Ina. "Ibig sabihin.... Ibig sabihin ina.... Ina ... Lunaaaaaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Dimasha. "Sa ilang beses niyang pagkamatay at pagkabuhay muli, ngayon niya lamang natandaan ang lahat bago siya mamatay kung kaya't tapos na... Ang parusa mo anak ko... " "At anong kapalit? Makakabalik na ba'ko sa kalangitan?.... Makikita ko ba duon si Luna?" Pumatak ang luha ni Ina. "Patawad ngunit kapalit ng kalayaan at kapatawaran mo ang buhay niya.... Siya ang pumili ng desisyon para sa inyong dalawa.... Ang desisyon na hindi na siya maisilang muli sa kahit anong mundo at pagkatao man" Narinig ko ang mga pag-iyak ng mga babae kong kapatid kasama ang hinagpis ni Dimasha. "Ngayon sasama ka na ba sa akin sa kalangitan upang mapag-usapan ang iyong kapatawaran?" Tumingin si Dimasha kay Luna at umiyak ng muli. "Ako.... Ako si Dimasha ang anghel na simbolo ng pag-asa na nais humiling sa inyo na mahal na ina.... Na bawian ako ng buhay--" "Dimasha!" -Payra. "Mag-hulos dili ka kapatid ko" -Ako. "Parang awa mo na huwag mo 'tong gawin sa iyong sarili" -Aqua. "Mahal kong kapatid--" -Evria. "Na bawian ako ng buhay....At huwag ng ipanganak pa katulad sa tadhanang pinili ni Luna para sa aming dalawa" pumatak ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko. "Mahal kong kapatid" -Sakron. "Dimasha nandito pa kami" -Sakria. Pumikit si Ina kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. "Pag-usapan na'tin ito sa kalangitan" -Ina. "Hindi makakapunta si Apollo sa kalangitan kung kaya't dito na lamang... Hayaan niyo akong mamatay kasama at katabi ang mahal ko" lumuhod siya sa harap ni Ina. "Nakiki-usap ako.... Bilang anak mo na bawian ako ng buhay ngayon at huwag ng isilang pang muli sa kahit anong mundo at pagkatao man" Pumikit si Ina at pinagdikit ang dalawang palad niya at tumingala sa kalangitan. "Ama ang iyong anak na si Dimasha na anghel na simbolo ng pag-asa ay humihiling na... Bawian siya ng buhay at huwag nang ipanganak pang muli katulad ng tadhanang pinili ng kaniyang iniibig na si Luna...." Lumiwanag lalo ang kalangitan hudyat na nakikinig si Ama. "Anak ko" nang marinig ko ang boses ni Ama ngunit wala kaming kakayahang makita siya dahil sa nakakasilaw na liwanag na taglay niya. "A-ama" bakas ang pighati ni Dimasha. "Iyon ang nais ng puso mo?" "Ang puso ko ay si Luna at yun ang daang pinili niya kung kaya't ayun din ang pipiliin ko nang magkasama kaming dalawa kahit sa pangarap man lang" "Kung ganuon sinusunod ko ang nais mo" Madami pang sumunod na nangyare at tanging kalungkutan naming magkakapatid ang nanaig. Nang mawala na ang liwanag at mag-sara ang pinto ng kalangitan. "Dimasha!" -Evria. "Kapatid ko" -Payra. Napa-tingin ako sa kama ni Luna. Magkayakap silang dalawa ngayon, unan-unan ni Luna ang braso ni Dimasha. Parehas walang buhay ang mga katawan nila pero alam ko konektado ang puso nila. Parehas silang may luha sa mga mata. "Humihilimg ako.... Sa mapayapang paglalakbay niyo" at lumuhod ako sa harap ni Dimasha ganuon din ang mga kapatid ko. ** Tinitigan ko ang kalangitan na patuloy na umuulan dahil sa lungkot ni Ina sa pagkawala ni Dimasha. Ganuon din ba ang mangyayare sa'min ni Smile? Napa-tingin ako sa kaniya mula sa himpapawid na umiiyak habang yakap ang kaniyang tita. Mahal ko, ganuon din ba ang mangyayare sa atin? Natatakot na'ko sa pinasok ko, ayoko mapahamak ka, ayoko mawala ka. Hindi ba puwede mag-sama ang magkaibang uri? Hindi ko mapigilang umiyak sa nangyari sa kapatid ko at kay Luna at sa isiping puwedeng mangyari sa'mij yun ni Smile. Mahal ko patawarin mo'ko kung anong parusa man ang naka-patong sa'tin. Patawarin mo'ko. Napa-tingin siya sa bintana at nagkatitigan kami kahit pa wangis ibon ako ngayon. Umiyak siya habang naka-tingin sa'kin at gusto ko man yakapin ka... Hindi ko na alam kung tama pa ba. Smile nakakabaliw na. *** Smile's Nang magising ako kinabukasan tulala ako. Ngayon ang libing ni Luna kasama si Dimasha at hindi ko alam kung paanong namatay din si Dimasha. Ngayon din ang araw na ipapalabas ang pelikula ni Luna. Nang binaba na ang kabaong ni Luna at Dimasha. Pinasadya ni Apollo na sa iisang kabaong na lang sila upang hindi na sila maghiwalay pa. Napaka-laki ng kabaong ngunit hindi sobra para sa kanilang dalawa. Lahat ng fans ni Luna umiiyak at sinasabing magkakasama sila ni Diamsha hanggang sa kabilang buhay. Nirequest pala ni Luna na kumanta ako habang binababa ang kabaong nila ni Dimasha na ngayon ko lang nakita sa cellphone ko na may notes pala duon. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa mike at kumanta. Nang isa-isa na mag-hagis ng bulaklak hindi ako maka-hakbang at maka-kanta ng maayos. Kumpleto ang mga kapatid ni Apollo ngayon ngunit hindi ko alam bakit wala ang mga magulang nila. Nang ako na ang maghahagis ng bulaklak hinalikan ko muna yung bulaklak. Ang pamilya ni Luna na labis ang luha. "S-sana.... Sana.... Sana maging mapaya ang pag-sasama niyo.... Kung nasaang mundo kayo ngayon." Naramdaman ko ang yakap ni Apollo sa akin. Umiyak ako. Isa-isang nawala ang mga naki-ramay hanggang sa ang matira na lang ako, si Apollo at ang mga kapatid niya. Ang pamilya ni Luna umalis na. Hindi kayang matagalan ang sakit. Bumuhos na naman ang ulan. "Dimasha" napa-lingon kami sa nag-salita. Si Sito. Naiiyak siya habang nakikita ang kaibigan sa kabao. "Mashaaaa" umiiyak na sigaw niya at lumapit sa hukay. Walang pumigil sa kaniya kahit ramdam ko na ayaw ng mga kapatid ni Dimasha sa kaniya. "S-salamat.... Salamat sa lahat... Ako si Sito ang anghel na ipinatapon sa lupa ay nag pasasalamat sa'yo kaibigan ko... Na si Dimasha ang anghel na simbolo ng pag-asa na binigyan ako ng pag-asa.... Salamat" tumayo siya at tumingin sa mga kapatid ni Apollo. "Masamabang umibig sa tao?" Tanong niya na-ikinayuko ng magkakapatid. "Masama bang umibig sa hindi mo kauri? Nagtatanong ako bawal sumagot? Dahil ba galing ako sa impyerno?" Nasasaktang sabi niya. Sa totoo lang alam ko na ang gagawin ko. "Kasalanan bang mag-mahal ng hindi mo kauri? Ang hirap kasi sa konseho niyo akala perpekto... Si Dimasha... Kahit na nanggaling ako sa impyerno hindi niya ako trinato na parang iba.... Yung konseho niyo ang dapat maparusahan hindi siya... Hindi sila.... Hindi kayo... Hindi tayo" Umiyak lang ako nang umiyak. Walang nag-salita maliban kay Sito. "Paano tayo mananalo sa kanila kung hindi pa tayo lumalaban panalo na sila, paano natin maipaglalaban ang hinahangad na pagmamahalan na gusto na'tin kung dapat masusunod sila? Anghel din ako katulad niyo ang pinag-kaiba galing ako sa impyerno pero daig pa ang sakit ng impyerno sa sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa pagkawala ng kaibigan ko dahil sa pag-labag sa batas niyo" tumingin siya sa akin at kay Apollo. "Sa tingin mo, Apollo anghel na simbolo ng himpapawid... Anong mangyayare sa inyo?" Nagtinginan kami ni Apollo at tumayo na ako. Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kanila. "Handa na ako"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD