Gasoline Minulat ko ang mata, nangunot ang noo ko ng igala ang tingin sa paligid. Pamilyar ang lugar na ito, napapalibutan ako ng mataas na puno sa gitna ng gubat. Sa gilid ay naka park ang lumang kotse ni Adrian. Ito ang lugar kung saan nangyari iyon. Kung saan ko pinatay si Mariyah. Tila ba mayroon na sariling utak ang paa ko at dumiretso ito sa mismong pwesto kung saan nangyari ang lahat. Biglang lumamig ang buong paligid at lumakas ang hangin. Napaigtad ako ng lumitaw ang nabubulok at naagnas na katawan ng tao. Mas lalo akong natuod sa kinatatayuan ng matanto kung sino ito. "Isa ka lang spoiled b***h! Tingin mo ba mahal ka ng magulang mo? Who would like someone like you? Napaka arte mong bata. Wala naman silang magagawa kung andyan ka na dahil nag iisang anak ka lang. Hindi mo n

